CHAPTER: 36 (Tears)

111K 4.2K 1.4K
                                    

PALAKAD-LAKAD si Bright sa dulo ng hagdan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PALAKAD-LAKAD si Bright sa dulo ng hagdan. Malimit ang pagtingala niya sa itaas. Hindi niya malaman kung gusto ba niyang umakyat dahil sumasampa siya sa una hanggang ikatlong baitang pero agad naman ding bababa.

 Hindi niya malaman kung gusto ba niyang umakyat dahil sumasampa siya sa una hanggang ikatlong baitang pero agad naman ding bababa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

What am i doing?
Sumandal si Bright sa handrail.

Muling sinulyapan ni Bright ang itaas na dulo ng hagdan. Humakbang siya paakyat hanggang ikalimang baitang pero napailing siya at muling bumaba sa dulo.

Ano bang ginagawa ko dito? T*ngina! I'm acting crazy!
Tinuktok ni Bright ng nakasara niyang palad ang handrail habang nakatingala.

"Aakyat ka ba o aakyat?"

Nilinga ni Bright ang nagsalita. Nakita niya si Bogz na nakapamaywang habang nakataas ang dalawang kilay.

"I'm not." sagot ni Bright, umalis siya sa gitna ng daan at muling sumandal sa handrail.

"Hindi naman pala. Aakyat ako, makahiga muna sa malambot na kama. Kaantok eh." sabi ni Bogz sabay namulsa. Umakyat na ito ng hagdan. "Para kang nagtitinikling kanina." bulong nito sabay ngisi.

Sa inis ni Bright sa kanyang narinig ay pasimpleng niyang iniharang ang paa niya sa paghakbang ni Bogz. Sumubsob si Bogz sa hagdan pero naikalang naman nito ang mga kamay.

"I change my mind. Aakyat na pala ako." biglang sabi ni Bright sabay nilagpasan ang nakadapa sa hagdan na si Bogz. "Excited ka masyado. Sa kama ka mahiga 'wag d'yan... nakaharang ka sa daan."

Tumayo si Bogz sabay kamot ng ulo. "Bright na Bright ang ugali. Partida, may amnesia na 'yan ah pero walang pinagkaiba sa dati... lagi na lang akong inaapi." pina-awa ni Bogz ang kanyang mukha habang nakatingin sa umaakyat na si Bright.

"Alis d'yan oy! Nakaharang ka."

Halos humampas ang katawan ni Bogz sa handrail nang tabigin ito ng paakyat rin na si Jam. Gagantihan nito sana si Jam pero bigla naman itong tinabig ng kasunod ni Jam na si Gavin.

"Ang laki mong kalat." hirit ni Gavin.

Lumabi si Bogz. "K*ngina! I'm human too."

"Ay kabayo!" anang natapilok na si Jane sa 'di kalayuan. Papunta ito sa sala.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon