CHAPTER: 31 (Lies)

101K 4K 1.4K
                                    

"HI HON, it's time for your medicine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HI HON, it's time for your medicine."

Nakatingin si Bright sa palapit sa kanya na si Leonah. May dala itong baso ng tubig para sa kanya. Hindi tlaga pumapalya si Leonah sa pagpapa-alala sa kanya tungkol sa pag-inom n'ya ng gamot bago ito umalis ng bahay.

Tumayo si Bright, kinuha niya ang walang label na bote ng kanyang gamot sa drawer na malapit lang sa kanyang kama.

"You don't have to do this." ani Bright habang kumukuha ng isang capsule doon sa bote.

"Do what?" kunot-noong tanong ni Leonah sabay yakap sa likuran ni Bright, itinaas nito ang kamay para ibigay na sa kanya ang hawak nitong baso.

"I-remind sa akin na oras na ng pag-inom ko ng gamot." ani Bright, humarap siya ay Leonah at saka ipinakita ang pag-inom niya ng gamot dito.

Ngumiti si Leonah at saka kinuha ang baso sa kamay ni Bright. "I just love taking care of you."

Tumalikod saglit si Bright kay Leonah at muli din namang humarap. "I know Hon." nilapitan niya si Leonah para halikan ito sa noo. "Ayokong bigyan ka pa ng intindihin...  so don't worry about me, kaya ko na ang sarili ko."

Todo ang ngiti ni Leonah, hinawi nito ang buhok ni Bright. "I love you, Hon."

Bahagyang ngumiti si Bright. "I love you more, Hon."

Humalik si Leonah sa pisngi ni Bright. "I'll see you later." yumakap ito ng mahigpit sa kanya. "Susubukan ko na makauwi ng mas maaga mamaya."

Nagpaalam na si Leonah kay Bright. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa malalabas na ito ng kanyang kwarto. Araw ng Sabado ngayon kung kaya't alam ni Bright na talagang gagabihin na ng uwi si Leonah.

Nilinga ni Bright ang kanyang kama pagkatapos ay nagdesisyong lumabas din ng kanyang kwarto para mangabayo sa labas. Nadatnan pa niyang nasa gitna palang ng hagdan si Leonah, pababa ito habang nagte-text sa cellphone nito.

Gusto na rin sanang bumaba ni Bright pero dahil nandoon pa si Leonah ay inantay nalang muna niya na tuluyan itong makaalis. Nang magpatuloy na ito sa pagbaba ng hagdan ay saka lang rin tumuloy si Bright sa paglalakad.

Nakababa na si Bright, nakatingin pa rin siya kay Leonah na mabagal na naglalakad. Napakubli siya sa may display na plastik na halaman nang makita niyang may kamay na biglang humiklat kay Leonah.

Naningkit ang mga mata ni Bright sa kanyang nakita. Sinisiil ng halik ni Calvin si Leonah. Nakakapit ang isang kamay nito sa batok ni Leonah at ang isa naman ay nakasalo sa likuran nito.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon