CHAPTER: 22 (Beautiful Girls)

101K 4.1K 949
                                    

KANYA-KANYANG kwentuhan ang lahat nang muli silang magka-sama-sama sa pag-upo sa blanket at mga kalapit na tent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANYA-KANYANG kwentuhan ang lahat nang muli silang magka-sama-sama sa pag-upo sa blanket at mga kalapit na tent. Magkakasama ang mga lalaki bukod kay Zierre na natutulog sa isang tent. Magkatabi ang mga magkasintahan na sina Jane at Yohan, gayon din sina Rue at Xyro. Samantala, nasa gitna si Check nina Cheena, Heaven, Reiko at Erin.

Kinikilala pa kasi ni Check ang mga mga bagong kaibigan kung kaya't hindi siya nauubusan ng tanong. Panay naman ang tawa ng mga babae dahil sa kanya, na-aaliw kasi ang mga ito sa kanyang personalidad. Nakapagpalit na sila ng mga suot para sa gagawing pagligo sa malinaw at malinis na ilog pero nag-suot muna sila ng mga t-shirt o pamatong.

Habang masayang nag-uusap sina Xyro at Rue ay biglang lumapit ang nakangiting si Clerry. Hawak nito ang sarili nitong cellphone at nakabukas na ang camera noon para sa balak nitong pagpapa-picture kay Xyro. Nakapagpalit na ito ng suot dahil maliligo na ito sa ilog.

"Can you take a picture of me?"

Sabay na napatingin sina Rue at Xyro kay Clerry. Napatingin din sila sa ini-aabot na cellphone ni Clerry. Kukunin sana iyon ni Rue pero mas inilapit ni Clerry yung cellphone kay Xyro.

"Please, Xyro?"

Sinulyapan muna ni Xyro si Rue bago nito kinuha yung cellphone na ini-aabot ni Clerry. Ngumiti naman si Clerry kay Xyro pagkatapos ay nginitian din nito si Rue.

Pumuwesto si Clerry sa harapan ni Xyro. Nung una ay nakaharap ito, pipindutin na sana ni Xyro ang capture button pero nagbago ng pwesto si Clerry.... napili nalang nitong tumalikod, pinakurba ang katawan habang nakataas ang mga kamay.

 napili nalang nitong tumalikod, pinakurba ang katawan habang nakataas ang mga kamay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang landi mo.
Sambit ni Rue sa kanyang isipan.

Wala namang epekto kay Xyro ang ginawang pose ni Clerry, agad lang nitong pinindot ang capture doon sa cellphone, tinignan kung maayos ang kanyang kuha at saka muling ibinalik iyon kay Clerry.

"Thanks." nakangiting sambit ni Clerry pagkatapos ay saka tinignan ang ginawang kuha ni Xyro. "Nice, ang ganda ng kuha ko." pagpuri nito sa sarili.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon