CHAPTER: 10 (In The Rain)

107K 4.2K 1K
                                    

"HEY! REIKO, wait!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HEY! REIKO, wait!"

Binilisan ni Jam ang kanyang pagtakbo para maabutan niya ang nakita niyang umaakyat ng hagdan na si Reiko. Kahit marami ang nakakasalubong ay hindi iyon naging problema sa bilis niyang kumilos.

"Babe, wait!"

Huminto sa paghakbang si Reiko at hinarap nito si Jam. "What did you just call me?"

Ngumiti si Jam sabay hawi ng kanyang bangs. "Babe."

Tumaas ang isang kilay nito. "Babe? Sa pagkaka-alam ko Reiko ang pangalan ko at hindi Babe."

"Hey, chillax. Minsan na rin naman nating naging tawagan 'yon, 'di ba?"

"Correction Mr. Jamson Martin... sinabi mo bang natin?" Inilagay ni Reiko ang isa nitong kamay sa bewang. "Universal endearment mo 'yan sa aming mga naging babae mo."

"Kaya nga," bulong niya.

"What?"

"Kahanga-hanga," mabilis niyang lusot. "I mean, you're so beautiful, nakakahanga talaga."

Inikot ni Reiko ang mga mata at ipinagpatuloy na ang pag-akyat. Mabilis namang kumilos si Jam para sabayan ito. May mga nakakasalubong sila na bumabati sa kanilang dalawa. Matipid na ngiti lang ang ibinibigay ni Reiko sa mga nakakasalubong nitong lalaki salamantalang bukod sa pagngiti ay nagagawa pa ni Jam na kindatan ang ilang mga babae. Hindi iyon nakalusot sa paningin ni Reiko.

"Napakaharot," mahinang usal ni Reiko.

"Hey, Babe... I mean, Reiko—"

"What?" ani Reiko na mas binibilisan pa ang paglalakad. Binabagtas nila ngayon ang daan papuntang library.

"Iniiwasan mo ba ako?" Naitikom ni Jam ang kanyang bibig dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya.

Tumalikod si Reiko. "Hindi naman. Tinuturuan lang kita kung paano bumuntot," bulong nito.

"Akala ko ba, ano—" Natigil ang sasabihin ni Jam nang mahagip ng mga mata niya ang masamang tingin ng isang lalaki sa legs ni Reiko. Pinandilatan niya iyon at agad namang nag-iwas ng tingin.

Isang malamin na tingin ang ibinigay ni Jam doon sa lalaki. 'Tatandaan ko 'yang mukha mong kurimaw ka. Ipatitiwarik kita bukas na bukas din.'

"Are you saying something, Jam?" inilinga ni Reiko ang ulo nito kay Jam habang ito ay naglalakad.

"Ahm... 'yong ano, 'yong tungkol sa atin."

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon