CHAPTER: 2 (Reiko, Cheena, Erin and Heaven)

139K 4.7K 877
                                    

BREAK TIME na at nagkayayaan na sina Check at Rue na pumunta ng canteen para kumain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BREAK TIME na at nagkayayaan na sina Check at Rue na pumunta ng canteen para kumain. Habang naglalakad sa harapan ay napansin ni Check na nililigpit pa ng kaibigan ang gamit nito.

Nahinto sa kanyang paglalakad si Check nang marinig niya ang pinag-uusapan ng tatlo niyang babaeng kaklase habang inililigpit rin ng mga ito ang kani-kanilang mga gamit.

"Pinatawag raw si sir kanina ng PRIME kaya late na tayo nakapag-klase kanina," halatang may inis na sabi ng isa na ang pangalan ay Suzy.

"Duh! Napalabas lang ni sir kahapon, nagsumbong na. Nagmamaganda naman kasi ang Check na 'yon 'no! Porke ba siya ang PRIME's Princess, feeling niya part na rin siya ng PRIME at magagawa niya ang mga gusto niya rito sa school?" umiikot ang matang sabi naman ni Nica.

"Gano'n na nga siguro 'yon. Girlfriend kasi siya ni Bright na leader ng PRIME," sabat naman ng isa na Diana ang pangalan.

"Seriously? As if naman makakabalik pa ang leader ng PRIME. Patay na 'yon 'no! Siya lang naman ang 'di makapag-move on. It's been a year. My gosh!" maarteng sabi ni Nica. "Sayang, gwapo pa naman."

"Girl, wala naman daw kasi nahanap na katawan," maiksing sabi ni Suzy.

"So what? How can they explain that? Nasa'n siya kung 'di pa siya patay? They just need to accept the fact that he is already—"

Napatili ang huling nagsasalita na si Nica nang bigla na lang may dumakot ng buhok nito sa may likuran. Nanlaki ang mga mata ng dalawa pang kasama nito nang makita ng mga ito si Check.

"Ang pagtawanan at pag-iinsulto n'yo sa akin araw-araw sa klase, kaya ko pa 'yong pagtiisan at palagpasin..." Lalong hiniklat ni Check ang buhok ni Nica dahilan para lalong lumakas ang tili nito. "Pero ang sabihing patay na si Bright..." Pasubsob na binitawan niya ang buhok nito.

Naghinagpis si Check sa nais sana niyang sabihin. 'Ano'ng karapatan n'yong sabihin 'yon?!'

Agad na lumapit si Rue sa kanya para siya ay awatin. Nakita nito ang matinding galit sa mga mata niya habang nakatingin sa tatlo nilang kaklase.

"Wala na ba kayong alam na gawin kundi pag-chismisan ang ibang tao?!" Kumuyom ang magkabilang palad ni Check. "Ang ayoko sa lahat talaga, eh 'yong mga chismosa! Bakit ba dumadami kayo? Nagse-s*x ba 'yang mga bunganga n'yo, ha?!" walang preno niyang sabi.

Napakagat-labi ang tatlo dahil sa gulat at takot. Hindi makatingin ang mga ito kay Check. Walang umimik sa mga ito. Kahit pa ang nasaktan na si Nica ay hindi rin nagreklamo.

"Check," awat ni Rue habang nakakapit sa kanyang siko.

"At para sabihin ko sa inyo, wala akong kahit na anong isinusumbong sa PRIME, kaya wala akong kinalaman sa pagpapatawag nila sa professor natin 'no!" aniya habang nakapamaywang. "Bwisit talaga ang school na 'to. Matatalino nga ang mga tao, puro naman demonyo!"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon