CHAPTER: 28 (Right Time)

109K 4K 924
                                    

NOTE: Back to real name na tayo. Bright na po ang babanggitin ko at hindi na Zierre tuwing may scenes ang ating si Bright. 😊

•••••

MABILIS na umikot sa kabilang pasilyo ang isang lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS na umikot sa kabilang pasilyo ang isang lalaki. Halos magkanda-talisod na ito sa pagtakbo para hindi maabutan ng humahabol dito. Tuluyan na nitong inalis ang nakasuklob nitong hood dahil nakaka-sagabal iyon sa pagtingin nito sa daan.

Agad na pumasok yung lalaki sa nakabukas na pintuan ng isang bakanteng classroom doon sa college building. Sumandal ito doon sa dingding kung saan nandoon ang bintana, sumilip ito doon sa labas.

Mula sa labas ay makikitang tumatakbo  ang ilang mga lalaki kabilang ang tatlong myembro ng PRIME na sina Gavin, Jam at Jaxx na humahabol doon sa lalaki. Nilagpasan ng mga ito ang classroom na tinaguan nung lalaki.

Wew! Muntik na ako 'don. Anang lalaki sa kanyang isipan sabay hawi sa buhok nito.

"Nagkamali ka ng pinasukan."

Agad na dumilat yung lalaki. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nasa tapat nito ang PRIME's Princess na si Check. Nakapamaywang si Check habang nakataas ang isang kilay.

Napatayo yung lalaki. Tangkang aalis ito nang itapat agad ni Check ang kanyang kanang paa sa mukha nung lalaki. Halos magkanda-duling ito habang nakatingin sa naka-diretso niyang paa.

"Sorry na, sorry na talaga. Idol ko lang naman kasi siya kaya ko siya ginaya." sabi nung lalaki habang nakatingin sa paa ni Check.

Lalong inilapit ni Check ang kanyang paa doon sa lalaki, ni hindi siya nakakaramdam ng pangangalay. Bahagyang napatingala yung lalaki nang idikit na mismo ni Check ang kanyang paa sa may leeg nito. Dahil doon ay nalunok ng hindi sinasadya nung lalaki yung chewing gum na nasa bibig nito.

"Ang lakas ng loob mo." ani Check, dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang paa.

Dahil nagkaroon ng pag-asa na makatakas ay mabilis na tumakbo palabas ng silid na iyon yung lalaki. Nanlaki ang butas ng ilong ni Check sa inis at agad rin siyang lumabas para habulin yung lalaki.

Luminga yung lalaki kay Check. Hindi nito napansin na makakasalubong nito sina Jaxx, Gavin at Jam kasama ang tatlo pang lalaki na inutusan ng mga ito. Nagmadali ang mga ito para makuha yung lalaki.

"Tatakas ka pa ha!"

Mabilis na tumakbo si Check. Nagmistulang lumilipad sa ere si Check habang nakasipa ang paa... tinamaan niya sa gitna ng likod yung lalaki at dumaus-dos iyon sa sahig. Gulat na napatingin si Jaxx sa kanyang paanan dahil umabot doon yung lalaki.

"T*ngina." mahinang sambit ni Gavin.

"Tsk! Ngudngod ang mukha ng gago. Saklap kung sa akin mangyari 'yan." ani Jam sabay silip sa compact mirror nito. "Sayang ang ka-gwapuhan ko."

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon