CHAPTER: 35 (That Kiss)

108K 4.5K 1.2K
                                    

"SENYORITA, may tawag po kayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SENYORITA, may tawag po kayo. Si Ms.Myrna po raw ng SSR."

Hindi pinansin ni Leonah ang lumapit na katulong. Panay ang pabalik-balik na lakad niya habang hawak sa kaliwang tenga ang kanyang cellphone.

"Senyo—"

"Bullsh*t! Tell her that i'm busy!" inis sa sabi ni Leonah.

Mabilis na tinakpan nung katulong yung dulo ng wireless phone para hindi marinig ng nasa kabilang linya ang iba pang sasabihin ng malditang si Leonah.

"Si-Sige po, Senyorita." mabilis na lumayo yung katulong.

"Ang kulit, sinabi ng hindi ako interesado sa offer nila. Bwiset!"

Pagtalikod ni Leonah ay nabangga siya sa biglang sumulpot na si Calvin. Nabitawan pa niya ang kanyang cellphone pero alertong nasalo iyon ni Calvin.

"Wala kang lakad ngayon?" ngumiti si Calvin, ibinalik nito sa kamay ni Leonah ang cellphone nito.

"Paano ako makakaalis? I'm so worried for Zierre. Nawala na naman siyang bigla." ani Leonah sabay pindot sa cellphone nito at idinikit ulit iyon sa tenga. "Alam mo ba kung nasaan si Kuya? He's not answering my calls."

"Pauwi na 'yon... may tinapos lang."

"Tinapos na alin?" tumaas ang isang kilay ni Leonah.

Nginitian lang ni Calvin si Leonah. Inikot ni Leonah ang kanyang mga mata at saka muling ibinaling ang atensyon sa pagtawag kay Ash.

"Leonah, labas tayo?"

Napatingin si Leonah kay Calvin, ibinaba niya ang kanyang cellphone. "Vin please, not now. Hindi na nga ako mapakali dito eh."

"Kahit ngayon lang, alisin mo muna sa isipan mo si Zierre." seryosong sabi ni Calvin.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" namaywang si Leonah. "Vin, hindi tayo pwede. Ilang beses ko ba kailangang ulitin 'yon sa'yo?"

"Paano naging hindi pwede? Hindi naman tayo totoong magkadugo!"

Mabilis na hinawakan ni Leonah ng mahigpit si Calvin sa dalawang kamay nito. "Please, huwag mo ng sasabihin 'yan ulit. Ayokong makarating kay Zierre 'yan dahil baka maungkat ang ibang bagay na hindi n'ya dapat pang malaman tungkol sa akin. N-Nakakahiya." mahinang sabi ni Leonah.

Para sa akin hindi 'yon nakakahiya.
Tinitigan ni Calvin sa mga mata si Leonah.

"Mabuti pa nga yatang malaman na lang n'ya para—" hindi na itinuloy ni Calvin ang nais sabihin nang humigpit ang kapit ni Leonah sa mga kamay nito.

"Kung mahal mo talaga ako... mananahimik at itatago mo na lang ang nalalaman mo." may pagmamakaawa sa boses ni Leonah. "Please, Vin."

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon