CHAPTER: 14 (Go Find Him)

98.4K 4.4K 698
                                    

"OKAY, tawagan mo nalang agad ako kung may balita ka na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"OKAY, tawagan mo nalang agad ako kung may balita ka na. Paalis na rin kame."

Ibinaba na ni Yohan ang tawag sa kanya ni Frank. Nagpakalat na daw ito ng mga tauhan sa kalye ng Merlbin kung saan nakita ni Jaxx si Bright.

Hindi pumasok ng klase ang buong PRIME pero nasa Prime University sila ngayon. Biglaan lang ang kanilang lakad at sumang-ayon naman ang lahat. Nagkita-kita sila sa bukana ng school para pag-usapan ang gagawin nilang paghahanap ngayong araw kay Bright sa buong Central Ville.

Nag-ngisian at pumito ang lahat nang makita nilang parating na si Bogz. Hindi nila inaasahan na sakay ito ngayon ng isang motorbike na gaya ng sa kanila.

"Witwiw! Nakanang!" hirit na sipol ni Jam nang makahinto na si Bogz sa kanilang tapat. "Nakakasilaw! Bago ang motorbike natin ah!" ani Jam, inikutan nito ang motorbike ni Bogz.

"Pina-kilo mo na yung scooter mo?" todo ang ngiti sa labi ni Jaxx habang naka-akbay kay Bogz.

Nilapitan ni Jam si Bogz at naki-akbay din dito. Sabay na pinagkukurot nung dalawa ang pisngi ni Bogz habang inaasar ito. Si Yohan naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa kulitan nung tatlo.

Wala sa mood na lumayo si Bogz kayna Jaxx at Jam at tinabihan si Yohan. "Hindi pa ba tayo aalis?"

"P*cha! Nakabago lang snobber na... 'yan tayo eh! Haha!" ani Jam.

"Gwapo eh..." nakangising sambit ni Jaxx. "Nung motor."

"HAHAHA!" sabay na tawa nina Jaxx at Jam.

"Still waiting for Gavin." sagot ni Yohan kay Bogz.

"Okay." simpleng tugon ni Bogz.

"Ang tagal naman ni Gavin." humikab si Jam sabay tingin sa suot na relo. "Basta ha, pass muna ako ngayon. Pasensya na talaga guys... naghahapit kasi ako ng araw eh."

"Psss! Babae na naman 'yan." umiiling na sabi ni Bogz. "Matuto kang magpahalaga ng babae, hindi yung puro ka landi. Tsk! Maranasan mo sanang ma-busted." ani Bogz, pabulong nalang yung huling linya na kanyang sinabi.

Napalinga ang lahat nang makita nilang parating na si Gavin. Mabilis ang pagpapatakbo nito at nag-drift bago huminto. Inalis ni Gavin ang suot na helmet at inayos ang buhok.

"K*ngina! Anong nangyari sa mata mo?!" pabulalas na tanong ni Jam.

"Sh*t! Who did that to you?" si Jaxx. "Napa-away ka?"

"Ang sagwa! Hahaha!" ang kaninang seryosong si Bogz ay biglang humagalpak ng tawa. "Kamukha mo yung aso ng kapitbahay naming si Tagpe, t*ngina! Hahaha!"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon