CHAPTER: 8 (Who Is She?)

109K 4.1K 1.8K
                                    

ININOM na ni Yohan ang natitirang laman ng hawak niyang beer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ININOM na ni Yohan ang natitirang laman ng hawak niyang beer. Niyupi niya iyon at ibinato sa basurahan na nasa kanyang tapat. Paumaga na pero gising pa rin siya at tila may balak na ubusin ang napakaraming hindi na malamig na beer sa kanyang harapan.

Marami na siyang nainom at nararamdaman na niya ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata dahil sa kalasingan at antok pero kumuha pa rin siya ng panibago at binuksan iyon.

Sa malaki niyang kwarto siya nag-inom dahil alam niyang makakatikim na naman siya ng mga masasakit na salita kay Brenda kung ikakalat niya ang sarili niya sa ibang parte ng Mansion.

'Wala akong nagawa Kuya para mailigtas ka.'

Walang hinto ang paglagok na ginawa ni Yohan sa hawak niyang beer. Tumatapon na iyon sa gilid ng kanyang bibig pero hinayaan pa rin niyang magtuloy-tuloy ang pagdaloy noon sa kanyang lalamunan.

Binuksan ni Yohan ang nakasara niyang kaliwang palad. Namimigat ang mga talukap na tiningnan niya ang isang earing tracker na naroon.

"Sabi nang binatawan n'yo 'ko, eh!"

Ibinigay ni Yohan ang natitira niyang lakas para kumawala sa pagkakahawak sa kanya nina Jaxx at Gavin. Nagwawala siya tuwing pinipilit siya ng mga kasama na sumakay na ng sasakyan. Kailangan na niyang madala sa ospital para magamot ang tama ng baril sa kanyang likuran.

"Hanapin n'yo s'ya! Damn it! Nakita rito si Xyro kaya dapat narito lang rin si Kuya!" Gigil na niyugyog ni Yohan sina Frank at Roger. "Don't stop searching! Kumilos kayo!"

"Yohan," tawag ng palapit na si Jaxx. "You really need to go."

"Jaxx, hindi pa ako mamamatay! Wala akong pakialam kahit maubos pa ang dugo ko!" malakas niyang sabi sa kabila ng kanyang pagngiwi. "Paano ako mapapalagay kung nawawala ang Kuya ko. Paano?!"

Nagtinginan sina Jaxx, Jam at Gavin. Hindi na nila kasama si Bogz dahil ito ang nagpresintang magdala kay Check sa ospital nang mawalan ito ng malay.

Matapos ang pagsabog ay nagsimula na ang mga rescue team na galugarin ang buong pabrika. Tanging ang walang malay lang na si Xyro ang nakita ng mga ito. May batong nakadagan sa kaliwang paa nito at kalunos-lunos ang hitsura dahil sa walang awang pagbugbog na ginawa rito ng BREAKERS at ng ZERO. Wala ng ibang nakita pa sa pinangyarihan ng pagsabog bukod sa sirang jacket ni Bright, sapatos at ang singsing na nasa bulsa ng jacket nito.

"Master Yohan," tawag sa kanya ng nakaluhod sa semento na si Frank.

Mabilis na lumingon si Yohan sa direksyon ni Frank gayon din sina Gavin, Jaxx at Jam. Tumingin siya sa nakalahad na kanang kamay nito na may gloves. Makikita roon ang isang itim na hikaw na napulot nito sa maalikabok na sahig.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon