CHAPTER: 55 (A Promise Of Forever)

147K 4.9K 1.5K
                                    

*NOTE:We're on vacation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*NOTE:
We're on vacation. Don't look and come for us. -Bright*

Nagtinginan ang PRIME matapos mabasa ang iniwang mensahe ni Bright na idinikit nito sa isang monitor na malapit sa may hagdan. Una iyong nakita ng maagang gumising na si Yohan at sinabi niya iyon sa lahat. Nag-ngitian naman ang kanilang mga girlfriends dahil sa naramdamang kilig para sa bigla na lang nawala na sina Bright at Check.

"Too early." ani Yohan sabay akbay sa katabing si Jane. "6:30 ako bumangon, nand'yan na 'yan."

"Mukhang ibabakuran na ng tuluyan ni Bright ang kapatid mo ah." tinapik ni Jaxx si Xyro. "Baka kasalan na ang sunod 'pag balik n'yan."

Mabilis na umiling si Xyro. "Nah! Hindi pwede."

"Akala ko ba okay na sa'yo yung dalawa?" tanong ni Jam.

"Yeah, but..." binitin ni Xyro ang kanyang sasabihin, hinawakan nito ang kamay ni Rue. "Kame dapat ang mauna."

Nagtinginan ang lahat at pagkatapos ay kanya-kanyang biro ang mga ito kayna Xyro at Rue. Pinamulahan tuloy ng mukha si Rue dahil sa labis na hiya sa mga kaibigan. Nakurot nito sa tagiliran si Xyro.

"Nakakakilig sila." mahinang sambit ni Reiko.

Nilinga ni Jam si Reiko. "Bakit My Princess? Sa akin, hindi ka ba kinikilig?"

"Psh! Wala naman akong sinasabi."

Sumimangot si Jam. "Tss! Sino ba nakakakilig para sa'yo? Yung posteng Zeth na 'yon ba ha?" hinawi nito ang buhok. "Kung maaga ko lang nalaman na yung Zeth na 'yon pala yung lumapit sa'yo dati... baka nabangasan ko na yung mukha 'non."

Paglinga ni Jam kay Reiko ay wala na pala ito sa tabi nito. Ka-kwentuhan na nito ang mga kaibigang babae. Napailing na lang si Jam at saka inilabas ang compact mirror nito.

"Ang gwapo ko talaga."

Tahimik ang lahat nang biglang magpatugtog si Gavin ng Agust D, isang korean rap song na kinanta ng isang rapper na miyembro ng korean boy group na BTS. Sinabayan iyon ng nakapikit na si Gavin habang isinasayaw ang ulo nito.

"Hey, hinaan mo naman ng konti." ani Bogz na naglalakad papunta sa hanay ng mga babae. "Hindi nila ako maririnig eh."

Dumilat lang saglit si Gavin para tignan si Bogz pagkatapos ay muli rin itong pumikit. Inis na nagkamot na lang ng ulo si Bogz at saka muling hinarap ang mga babae.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon