CHAPTER: 50 (Saving Check)

107K 4.2K 870
                                    

PAKIRAMDAM ni Check ay mabigat ang talukap ng kanyang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAKIRAMDAM ni Check ay mabigat ang talukap ng kanyang mga mata. Gusto niya sanang igalaw ang kanyang mga kamay pero tila may pumipigil doon.

Dahan-dahan siyang dumilat. Nanlalabo ang kanyang paningin. Mayamaya lang ay naka-aninag na siya at nakilala kung sino ang taong nasa kanyang harapan ngayon.

Hindi man niya alam ang pangalan pero namumukhaan niya ito dahil myembro ito ng nabuwag na BREAKERS. Ang lalaking iyon ay si Clinton.

Nakatingin si Clinton kay Check dahil inaantay talaga nito na magkamalay siya.

Sinubukang igalaw ni Check ang kanyang mga kamay pero mahigpit ang pagkakatali noon sa likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinubukang igalaw ni Check ang kanyang mga kamay pero mahigpit ang pagkakatali noon sa likuran. Gustuhin man rin niyang magsalita ay nakabusal naman ang kanyang bibig.

Agad na iginala na lang ni Check ang kanyang mga mata sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Ang tanging nakikita lang niya ay isang malawak na espasyo at ang apat na kanto ng pader ng lugar na iyon. Mukha iyong isang bahay na hindi natapos. Kalawangin na rin ang mga naka-usling bakal sa paligid at wala pang bubong.

May nakita siyang ilan pang mga lalaki sa paligid bukod kay Clinton na nasa tapat niya ngayon. Isa man sa mga iyon ay hindi niya makilala o mamukhaan.

Sinubukan ni Check na magsalita o umingit kahit na may busal ang kanyang bibig. Nanatili lang na nakatingin ang nakasandal sa pader na si Clinton sa kanya. Nakita niya na nagsindi ito ng sigarilyo pagkatapos ay pinaglaruan yung takip ng hawak nitong lighter sa pamamagitan ng pagsara at pagbukas noon.

Namuo agad ang luha sa gilid ng mga mata ni Check. Hindi na niya balak pang magtanong ng dahilan dahil alam naman niya kung bakit sa pangalawang pagkakataon ay nasa bingit na naman ang kanyang buhay.

Pero sa mga oras na iyon, hindi ang sariling kaligtasan niya ang kanyang iniisip... kundi ang kay Bright na iniisip niyang talagang sadya ng mga dumukot sa kanya.

Pakiusap, 'wag naman po sanang maulit ang nangyari noon... hindi ko na po kakayanin.
Naluha si Check sa kanyang mga naalala.

Naglabas ng cellphone si Clinton. Hinanap nito ang numero ni Bright na kinuha nito sa cellphone ni Check bago nito iyon itapon sa Central Ville kanina. Tinawagan ni Clinton si Bright.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon