CHAPTER: 45 (Dirty Secrets)

114K 4.2K 1.5K
                                    

•Flashback•

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Flashback•

"Sorry for this."

"Ahhh!"

Agad na napahawak yung lalaki sa kaliwang braso nito nang hiwaan ito doon ni Bright gamit ang hawak niyang punyal. Nanlaki ang mga mata nito nang sunod niya itong tinutukan ng baril sa ulo. Dahil may taglay na katapangan ay tila tinanggap na lang nung lalaki ang kanyang nalalapit na kapalaran. Ipinikit nito ang mga mata nito at inantay na kalabitin niya ang gatilyo ng hawak niyang baril.

*Bang*
*Bang*
*Bang*

Napadilat yung lalaki matapos ang tatlong putok ng baril na pinakawalan ni Bright. Nakita nito na hindi na sa ulo nito nakatutok yung baril, nakatutok iyon sa lupa.

Tinignan nung lalaki si Bright ng may pagtataka. "B-Bakit?!"

"Hindi ako kagaya n'yo." mariing sambit ni Bright.

"Sino ka ba?"

"That's not important. Ang mga tanong ko ang sagutin mo." ani Bright sabay suksok nung baril sa kanyang likuran. "Sino ka? Ano ang mga nalalaman mo sa BLADE?"

Tumitig yung lalaki kay Bright. "Sa tingin mo, ibibigay ko ba sa'yo ang gusto mong malaman?" kumuyom ang magkabila nitong mga palad. "Patayin mo na lang ako."

"Kung gusto mong pagbayaran ang kung ano mang mga nagawa mo—"

"Hindi ako nagsisisi sa mga nagawa ko." singit nung lalaki at saka umismid. "Napagod lang ako... ayoko na ng magulong buhay, gusto ko ng lumagay sa tahimik."

Hindi na nagsalita si Bright. Mabilis niyang inalis ang kamay nung lalaki na nakahawak pa rin doon sa sinugatan niyang braso nito. Napakunot-noo yung lalaki nang makita nito na ipinapahid niya doon sa nagdurugong sugat nito ang dalawang punyal na kanyang hawak.

"Anong ginagawa mo?!"

"Gumagawa ng paraan para ilusot ang buhay mo." aniya sabay titig sa mga mata nito. "Dahil gaya ng sabi ko... hindi ako kagaya n'yo."

Tinignan ni Bright ang hawak niyang dalawang punyal na puno na ng dugo nung lalaki. Humakbang siya paatras at saka ipinaling ang kanyang ulo pakanan para ipahiwatig doon sa lalaki na pinapaalis na niya ito.

Iginilid nung lalaki ang mga mata nito habang nag-iisip. Mayamaya lang ay itinuon ulit nito ang mga mata nito kay Bright. Mula sa likurang bulsa ng suot na pantalon nung lalaki ay kinuha nito ang isang maliit na pocket notebook. Naningkit ang mga mata ni Bright nang makita niyang ibinibigay iyon sa kanya nung lalaki.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon