CHAPTER: 38 (Bright Is Back)

122K 5.8K 2K
                                    

"LUH! Anyare? Na-car snap yung kotse?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"LUH! Anyare? Na-car snap yung kotse?"

"Carnapped."

Nakataas ang kilay na tinignan ni Check si Bright. Ngumuso siya pagkatapos ay saka muling luminga-linga para hanapin ang kotse na ipinarada nila sa tapat ng school.

"Tsk! Lumabas ako kanina bago ako nagpalit ng damit, nakita kong nandito pa 'yon ah!" ani Check na hindi na napigilang mapakamot ng ulo.

Nagkibit balikat si Bright. "Hmm." inayos ni Bright ang hood sa ulo nito. "I don't know what happened. Alam mo namang inantay ko pa sila para lang makalabas." ani Bright na ang tinutukoy ay ang pagtulong sa kanya ng PRIME para makalabas siya ng maayos sa school.

Huminto ang mga motorbike nina Gavin, Bogz, Jam, Jaxx at Yohan sa tapat nina Bright at Check. Binati ni Check ang angkas nina Yohan at Jam na sina Jane at Reiko pero tanging si Reiko lang ang pumansin kay Check. Nagtaka tuloy si Check sa inasal ng bestfriend niyang si Jane.

"What happened? Bakit hindi pa kayo nakakaalis?" tanong ni Jaxx matapos nitong iangat ang nakatakip sa suot nitong helmet. "Baka may makakita pa sa inyo dito." paalala nito.

"Akala ko naka-kotse kayo?" pagsusunod agad na tanong ni Jam.

"Na-car snap yata..." tinignan ni Check ang katabi niyang si Bright. "Na-carnapped yata yung kotse namin. Bigla na lang nawala eh."

"Wait... what? Carnapped? My gosh! Sa P.U pa talaga?" ani Jane pero hindi nito tinitignan si Check.

"So paano? Sabay na lang ba kayo sa amin?" mahinang tanong ni Gavin.

"Wait a sec." ani Yohan na may kausap sa cellphone nito. "It's Xyro, yung car n'yo... nasa bahay n'yo na raw." ngumiti si Yohan.

Nagtinginan sina Check at Bright dahil sa pagtataka. Mayamaya ay biglang tumawa ng malakas si Bogz, huminto rin ito agad nang sawayin ito ng mga kasama.

Tinignan isa-isa ni Bright ang mga kaibigan. "Paano nangyari 'yon?"

Walang pumansin sa tanong ni Bright, nagkibit balikat lang ang PRIME. Mapapansin na bahagyang nakanganga si Check dahil iniisip niya kung paano ngang napunta o naiuwi yung kotse sa bahay nila.

"So what now? Gusto n'yo sumabay na kayo?" tanong ni Jaxx.

Ngumiti si Check. "Okay lang ba—"

"We're going to commute." mabilis na sabi ni Bright. "Magba-bus na lang kame."

"Luh!" ngumuso si Check habang nakatingin kay Bright.

Mapapansin ang sulyapan ng PRIME habang nakangiti, hindi na nangulit ang mga ito. Nagsimula ng buhayin ulit ng mga ito ang makina ng mga motorbikes nila at pagkatapos ay nagpaalam na kayna Check at Bright para umalis.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon