CHAPTER: 9 (Not Right)

105K 4.2K 1.1K
                                    

MATAPOS ang kani-kanilang klase ay nagkayayaan ang PRIME na pumunta sa bahay nina Check para na rin kamustahin ang lagay ni Xyro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MATAPOS ang kani-kanilang klase ay nagkayayaan ang PRIME na pumunta sa bahay nina Check para na rin kamustahin ang lagay ni Xyro. Maging sina Rue at Jane ay hindi nagpahuli.

(NP: Miss Right)

Labis na natuwa si Xyro sa pagbisita ng mga kaibigan. Inabala nito ang sarili sa pagluluto sa kusina katuwang ang girlfriend nitong si Rue at pati na rin si Check.

Nakilala ng PRIME at ni Jane ang therapist ni Xyro na si Clerry nang ipakilala ito ni Check sa kanila kanina bago ito sumunod sa kusina. Kapansin-pansin ang malimit na pagsulyap ng PRIME tuwing mapapadaan si Clerry. Pakiramdam nila ay tila mina-magnet sila sa kagandahan at ka-sexy-han nito.

Biglang sinamaan ng tingin ni Jam ang katabi nito sa sofa na si Jaxx nang bigla itong batukan nito. Dahil sa ginawa ay nabitawan tuloy nito ang compact mirror nito at nalaglag iyon sa sahig.

"T*ngina naman, Jaxx," asar na reklamo ni Jam.

"Kupal ka, eh. Akala ko naman 'yong gintong mukha mo ang sinisilip mo d'yan sa salamin mo... 'yong therapist pala ni Xyro," ani Jaxx na pailing-iling. "Pervert amputs!"

"Ssshh! K*ngina naman, baka marinig ka. Nakakahiya," anang si Jam na may pagsiko kay Jaxx. "Tingin mo, may boyfriend na kaya 'yon?" Nakangising tiningnan nito si Jaxx.

"Tss! Tanong mo sa chickboy na gaya mo... 'Wag ako Jam. Matino sa babae to, oy! Sa labanan lang hindi."

"Hay! Kung nakakakita lang si Heaven at kasama siya ngayon dito malamang nabatukan na rin 'tong isang katabi ko," anang naka-de-kwatrong si Gavin.

Nilinga ni Jaxx ang nagsalita. "Hoy ikaw... What are you talking about? Narinig ko yata ang pangalan ni Heaven?"

"Akala ko pa naman siya lang ang apple of your eyes, nakakita ka lang ng maganda at sexy... nakalimot ka na." Sumipol-sipol si Gavin habang inaayos ang earphones sa tenga.

Tinapik ni Jaxx si Gavin sa dibdib. "May mata ako, natural lang 'yong mapasulyap. Walang meaning 'yon, g*go," depensa agad nito.

"You're not listening to music. Kung nakikinig ka kasi malamang nakapikit ka... As always," biglang nagsalita si Yohan habang nakatingin kay Gavin.

Nilinga ni Gavin ang nasa tapat nitong si Yohan. "Are you talking to me?" anito habang nakaturo sa sarili.

Tumango si Yohan. "Yeah." Ngumiti ito at saka humalukipkip. "Ano ang mas nakaka-enjoy? Ang makinig ng music o 'yong magnakaw ng tingin doon sa therapist?"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon