CHAPTER: 47 (Frager)

110K 4.1K 1.6K
                                    

MABILIS ang ginawang pagbaba ni Check doon sa ospital bed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS ang ginawang pagbaba ni Check doon sa ospital bed. Halos lundag na ang kanyang ginawa. Yumuko siya nang makita niyang nakatingin pa rin ng masama si Brenda sa kanya.

Luh! Hindi pa man siya nagsasalita... nakakatakot na siya.
Napalunok si Check.

Nakaramdam lalo ng kaba si Check nang makita niya ang mga paa ni Brendang palapit na sa kanilang direksyon ni Bright.

"Out of my way!"

"Mom!"

Bababa sana si Bright sa ospital bed dahil sa nakita nitong sadyang pagtabig ni Brenda kay Check pero nakita nito ang pag-iling ni Check para pigilan siya.

Hinawakan agad ni Brenda ang isang kamay ni Bright. "Thank God." tanging nasambit nito sabay haplos ng pisngi ni Bright.

Imbes na ang kaharap na si Brenda ang pagtuunan ay kay Check nakatingin si Bright. Nakita ni Bright na nakayuko lang si Check at halatang hindi siya kumportable kung kaya't nag-alala ito para sa kanya.

"What happened to you? Please son, you have to tell me everything. Totoo bang nawala ang memory mo? How are you now? Halos mamatay na ako sa pangungulila sa'yo anak."

Habang patuloy na nagsasalita ay napansin ni Brenda ang hindi pagpansin ni Bright sa kanya. Nakita nito kung saan abala ang mga mata ng anak. Dahil doon, nakaramdam tuloy si Brenda ng inis. Ang kaninang gagawin sana nitong pagpuna para kay Check na hindi nito naituloy ay nagbabadya na nitong ilabas ngayon.

"You." tawag ng magkasalubong ang mga kilay na si Brenda kay Check.

Inangat ni Check ang kanyang mukha. "A-Ako po?" itinuro niya ang kanyang sarili.

"Come here." may awtoridad sa tono ng boses ni Brenda.

Tumingin muna si Check kay Bright bago siya naglakad palapit. Nang makalapit ay hindi naman magawang tignan ni Check si Brenda na ngayo'y sinusuyod ang kanyang kabuuan.

"How old are you again?" mahinang tanong ni Brenda.

"17 po." mabilis na sagot ni Check.

"17." ulit ni Brenda. "You're only 17 and yet masyado ka na yatang naglalandi."

"Mom!" malakas na awat ni Bright.

Hindi pinansin ni Brenda si Bright, nakatuon pa rin ang mga mata nito kay Check. "At your young age, 'di ba dapat pag-aaral ang tinututukan mo... hindi yung anak ko!"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon