------------------
YUNG tipong feel mo ang rami na ng ginawa mo pero ang totoo nagsisimula ka palang. Masakit mang aminin pero ganyan ako.
Nasa may garden kasi ako at nagcut ng bulaklak pero ang dali ko kasing mapagod kaya eto upo- upo lang din pag may time.
Hindi naman ako mayaman pero hindi rin ako mahirap kumbaga nasa may level ako ng "may kaya sa buhay" pero may business ako na bagong tayo.
Habang busy akong nagpapatugtog sa radio ko, may iniinterview sa radio kaya pinakinggan ko muna.
"Mr. Alexander totoo ba na may dinidate kayong artista ngayon?" Sa boses ng DJ parang gusto talaga nitong kiligin pero pinipigilan nya.
"Wala pa naman akong dinidate sa ngayon pero naghahanap din ako pag bored o di kaya ay walang ginagawa sa office." Pacool ang pagkakasabi nito at husky ang boses kaya parang tumaas ang mga balahibo ko dahil sa kanya.
'Gwapo siguro to kaya naghahanap ng kadate' sabi ng utak ko.
"Ayan mga tagapakinig, naghahanap pala ng kadate si Mr. Alexander kaya marami na namang maghahabol dito haha" hindi ko maiiwasang mapailing sa tono kasi ng DJ halatang kinikilig kasi beki pala ito.
**********
Hanggang ngayon niisip ko parin yung oras na sana manalo ako sa raffle draw kasi kapag nanalo ka don may trip to Paris ka for 2 na makukuha kaya pinapanalangin ko na manalo ako. Nasa sala ako at nanonood ng TV para pampalipas oras.
Nagisinga ako mula sa pagiisip ko nang may kumatok mula sa pinto ko.
"Sino yan?" Sigaw ko mula sa kabilang pintong.
"Ang secretary nyo po ito,Ma'am." Magalang na sabi ng kanya secretarya. Kaya naman pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Pasok ka muna Maggie." Wika ko at pumasok naman siya. Pinaupo ko muna siya sa couch at kumuha ako ng maiinom namin.
"Ma'am, ibibigay ko lang po itong report about sa sales natin sa mga damit at proposal ni Mr. Santos for investing in our business." Binigay niya saakin ang isang envelope at binasa ko ng mabuti ang proposal ni Mr. Santos. Recently, nagiging interested and mga ibang business sa fashion industry kaya mabusisi kaming pumipili ng mga investors.
Ako ang may-ari ng isang fashion line for men and women. Ang H&H line. I started this business not long ago. Unti-unti palang kinikilala ang business ko dahil sa design na hindi makikita sa ibang shop. In short, own design, not easily copied and good quality ang mga damit na binebenta sa shop. We also accept customize clothes.
"Salamat Maggie." I said at umalis na ito.
**********
PILIT namang pinapakalma kong ang sarili ko dahil sa maling ginagawa ng kanyang empleyado. Mamaya na ang board meeting, pero hindi parin tama ang presentation na ginagawa nila. Even contract is not good!
"GET OUT OF MY SIGHT NOW! One mistake again and I'll fire you. Ayusin niyo ang mga trabaho niyo!" Sigaw ko sa kanila at itinuon ang atensyon sa laptop nito. Nagsilabasan naman sila agad. Napahilot naman ako sa sentido dahil sa mga ginagawa ng mga empleyado ko.
*phone ring*
Napatingin naman ako phone ko at lumitaw ang phone number sa bahay. Kaya naman sinagot ko.
"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya. Nilapag ko sa table ang phone at niloudspeaker ko. Pinagpatuloy ko anv pagtype sa laptop ko.
"Sir mayroon po kayong bisita. Nandito na po ang Mommy nyo." Ani ng kanilang kasambahay. Napatigil ako sa ginagawa ko.
"Sige. Sabihin mo pauwi na ako." At binaba ang tawag. Inayos ko na ang mga gamit ko at sinave ang ginagawa ko. Sinabihan ko ang secretary ko na imove ang schedule ng meeting mamaya. Pinaschedule ko ng morning, 9am. At umalis na ako ng building.
----
"GoodAfternoon po Sir!" Bati ng kanyang mga kasambahay sa kanya at nilapag ko ang gamit ko sa couch. Tinanggam ko ang coat ko at nilagay ko din sa couch.
"Nasaan si Mommy?" Tanong ko kay Manang Carol at niluwagan ang necktie ko.
"Nasa Library, hijo." At dumeretso sa kusina para magtimpla ng sariling kape. Nasanay ako na ako mismo ang magtimpla ng sariling kape.
Pumasok na ako sa library at naabutan ko sya na nakaupo sa swivel chair at busy na binabasa ang mga papeles sa companya. Nilapag ko ang kape ko sa tabi ng table at at umupo sa couch na nasa hapar ng table.
"Mommy? Ano ang sadya nyo dito? May kailangan ba kayo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Dumako ang tingin nito saakin at seryosong tumingin.
"Anak kailan ka may ipapakilalang babae saakin?."
********
Don't forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomantizmHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
