Chapter 15

47.3K 853 2
                                    

"Anong ginagawa nyong dalawa rito?" Tanong ko sa dalawang nasa harapan ko.

"Seriously Cherry? Hindi mo alam kung bakit nandito ang gwapo mong pinsan?" Sagot ng pinsan ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit nandito si Kuya Rieve.


"Pero bakit ka nandito Kuya Rieve? Diba dapat nasa France ka? Akala ko ba may trabaho ka roon?"Tanong ko muli kay Kuya Rieve. Ang pagkakaalam ko kasi, Isa sa sikat na pastry Chef si Kuya Rieve sa France. Kaya nagtataka ako na nandito sya sa Pilipinas.


"Namiss kasi kita pinsan. Atsaka may kailangan akong asikasuhin dito." Paliwanag naman si Kuya. Ah kaya pala.


Tumingin naman ako sa gawi ni Alexander. Ano na naman ang problema nang taong ito? Ang sama ng tingin nya kay Kuya Rieve.

"Ikaw Alexander? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko naman kay Alexander. Naagaw ko naman ang atensyon nya.

"Hinatid kita. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya binuhat kita hanggang sa kwarto mo." Simpleng sagot nya. Saka nya nilagay ang kamay nya sa mga bulsa nya.

"Ah. Salamat Alexander." Tumango lang ito saakin.

"Nga pala pinsan, may available suit kapa ba sa shop mo ngayong oras?" Tanong naman ng pinsan ko saakin. Available suit ngayong oras? ano na ba ang oras? 12am na!

"Meron naman kuya kaso oras na eh. Ayaw mo ba akong patulugin muna?" Sagot ko kay Kuya Rieve. Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog. Ang ingay kasi nang dalawang to.

"Please Cherry ko! Kailangan ko kasi para sa Anniversary party ng kaibigan ko bukas. Eh mamayang 4am ang flight ko papuntang China." Pagmamakaawa nito saakin.

"China? Oo na. Tara na. Magbibihis lang ako sandali. Istorbo." Sabi ko kay kuya Rieve.

"Cherry narinig ko yun!" Sigaw  ni Pinsan. Tumawa lang ako ay unakyat na para magbihis.

------------------------

"HOY BUTIKI! At talagang pumunta kalang dito para istorbohin ang pagtulog nya?" Sabi ko sa kanya. Tama ba namang istorbohin ang taong matutulog na?

"May pangalan ako Paa. Atsaka hindi naman ikaw ang inistorbo ko ah! Bukas ang pinto, pwede ka nang umalis." Aba't talagang sinusubukan ako ng Butiking ito.

"Bakit naman ako aalis? Atsaka ang taong magpapalis lang saakin sa pamamahay na ito ay si Cherry. Tss." Pasalamat talaga sya at pinsan sya ni Cherry kundi kanina ko pa inihagis sa labas.

"Tara na Kuya Rieve. Ay oo nga pala Alexander pwede muna akong iwan." Sabi ni Cherry. Nakita kong ngumisi ang pinsan nya. Ang Mokong nato. Hintayin nya lang, gaganti ako sa Butiki na ito.

Sabay sabay kaming lumabas ng Gate at akmang sasakay naako sa aking kotse bigla namang pinigilan ng pinsan nya ang pagsara ko sa pinto.

"What are you doing? Hey! Get out of car!" Bigla nalang kasi syang sumakay sa backseat ng kotse ko.

"Hatid mo kami sa Shop ni Cherry. Bilisan mong magdrive ha, baka malate kasi ako." Ani ng Pinsan nya.

"Am I your Driver Butiki? Kung gusto mong makapunta ng mabilis maghanap ng ibang masasakyan mo. Makademand akala mo naman pinapasweldo mo ako. Tsk." Inirapan ko lang sya at nakita kong kumunot ang noo nya. Nakita ko ring nagsenyas ito kay Cherry. At talagang balak nya pang gamitin si Cherry.

"Alexander? Please help us. Ngayon lang to. Atsaka pagdrive mo lang kami tapos yun lang." Napabuntong hininga nalang ako.

"Do I have a choice? Tsk. Oo na. " Ngumiti lang si Cherry saakin.

-------------------------

"KUYA RIEVE, Anong design ang prefer mo? " Tanong ko kay sakanya. Tumingin tingin lang sya at napadapo ang tingin nito kay Alexander na naka-upo sa visitor's Chair.

"Hoy! Umuwi kana kaya? Nakakaistorbo ka saamin." Sigaw nito kay Alexander. Isinawalang bahala nya lang ang sinabi ng pinsan ko kaya mas lalong nainis si kuya haha.

"Anong party ang pagdadausan mo kuya?" Tanong ko naman kay kuya.

"Anniversary party sya ng mga De Lavine. Close ko ang isa sa mga anak ng May-ari ng kumpanya." Pagpapaliwanag nya habang baghahanap sya nga damit.

"Well. Well. Well. Invited pala ang butiki na ito sa Party. Kung nalaman ko lang ng maaga, tumanggi sana ako ako. Tsssk." Singit naman ni Alexander. Ano ba ang problema nito kay Kuya Rieve?

"Invited karin sa party na yun? Paano? Gusto kong sumama rin! Ako lang maiiwan dito." Nakakainggit kaya! Ako lang ang hindi invited tapos sila lang magsasaya ako mag-isa lang.

"Then come with me." Kuya Rieve/Alexander. Gusto nila akong isama!

"Isasama kita Pinsan kung gusto mo. Wag kang sasama kay Paa kasi mabobored kalang kasi kausap nya puro babae nyan." Sabi g pinsan ko. Paano nya nalaman na babae lang ang kakausapin ni Alexander? Parang malabo yun kasi snob na tao si Alexander.

"Look whose talking! Baka nga ikaw pa ang mang-iwan sa kanya sa kalagitnaan ng party dahil iba't ibang babae lang ang kasama mo panigurado." Sabat naman ni Alexander.

Wait a minute kapeng mainit! Nagsisiraan ba silang dalawa? Ang sarap tuloy pag-untugin ng dalawang ito.

"Saakin ka sumama Cherry. Naka private plane ako kaya komportable kang makakapunta roon. Atsaka ikaw lang ang aasikasuhin ko sa buong party. I promise you that I will never leave you alone." Crap. Bakit ang bilis nang tibok ng puso ko pagkatapos sabihin ni Alexander yun.

Kailangan kuna bang magpacheck-up? May sakit ba ako sa puso? Bakit ang bilis ng tibok nito?

"Hoy pinsan! Bakit ka nagbublush dyan? So sasama ka kay Paa kung ganon? This is so unfair. Porke nakaprivate plane agad kang sumama Pinsan. Nagtatampo na ako sayo." Parang tanga si Kuya Rieve. Atsaka nagbublush ako? Bakit feeling ko ang init sa shop ko?

"It will be a memorable Party for you Cherry. So please Trust me." Sabi naman si Alexander. Puso, himinahon ka. Baka matuluyan ako nito kung nagkataon.

'Trust me...' Siguro sa pagkakataong ito, pagkakatiwalaan ko muna ang mga sinabi nya.

---------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon