Chapter 21

36.1K 658 12
                                    


Medyo nalate ang pag-update ko ngayon dahil ang daming pinapagawa sa school. Salamat sa paghihintay💕


-------------------------------


AFTER ng Fashion Show kahapon, pinagday-off ko muna ang mga empleyado ko dahil alam ko stress na sila nitong mga nakaraan na araw.


At syempre nakaday-off rin ako pwera nalang kung bigla akong tawagan ni Alexander dahil may kailangan sya o kaya naman si Kuya Rieve ang tumawag. Minsan nga iniisip ko bakit hindi nalang mismo si Kuya Rieve ang tumawag kay Alexander. Parang lumilitaw kasi ay bago dumaan kay Alexander ang mensahe, saakin muna dumadaan.



*kring.kring.kring*




At ayan na nga mga kababayan, naririnig ko na ang cellphone ko.
Sino kaya sa Dalawa ang tumatawag?





Pero ang mas ikinagulat ko ay iba ang caller. Si Tito Raven ang tumatawag. Eh? Parang ngayon lang tumawag saakin si Tito sa pagkakatanda ko. Kaya sinagot ko ang tawag.





'Hello po Tito Raven?'






'Busy ka ba this Friday Cherry?' Biglang tanong nito saakin. Friday? Wala naman ata akong masyadong gagawin sa Friday.






'Hindi naman po masyado Tito. Bakit niyo po tinanong?' Sagot ko sa tanong ni Tito. Ano kaya ang kailangan nya?





'Gusto kong pumunta ka rito ngayong week.' Wow, ang bilis ha! Pinapapunta agad ako roon.





'Gusto nyo po akong pumuntang Barcelona?' Sa Barcelona kasi ang lugar kung saan nakatira sina Tito. Oo sa Spain. Ang taray diba?



'Hindi sa Barcelona Cherry, sa Ireland. Kailangan ko ang presensya mo rito.' Sa pagkakatanda ko, pupunta rin kaming Ireland ni Alexander ngayong week. Mabuti nalang iisang lugar lang.






'Sakto po Tito! Darating po ako sa Ireland this week. Sige po Tito Imemeet ko nalang po kayo.' Pagpayag ko sa kanya saka nya ibinaba ang tawag. Ano kaya ang meron sa Ireland at kailangan ako ni Tito ang presensya ko?






Pumunta kaya ako sa Office ni Alexander? Para sabihin ang conversation namin ni Tito.





Kaya pumunta ako sa Company Ni Alexander. At pagkapasok ko sa Elevator, saktong nasa loob din ng elevator ang masungit na secretary ni Alexander.


"Oh? Anong tinitingin-tingin mo?" Kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Napaka-sungit naman nito. Akala mo naman ang gwapo pero mas gwapo pa si Alexander sa kanya.




Pagbukas palang ng elevator, lumabas agad ako. Ayokong kausap o makita man ang lalaking Masungit na yun. Dinaig pa ang kasungitan ni Alexander. Teka nga? Bakit lahat nalang ng ginagawa ng lalaking yun ay lagi kong kinukumpara kay Alexander?

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon