Chapter 4

68.3K 1.3K 31
                                        

--------------------

NAKITA kong nanlaki ang mga mata ni Mommy nang makita ang babaeng nasa kama habang kumakain nang marshmallow.


"Sino ka Ms.? Bakit kasama mo ang anak ko? Girlfriend kaba nya?" Tanong ni mommy sa babae. Napakunot nalang ako sa mga tanong nya.




"Ako po?? Good afternoon po. My name is Cherry. Sinagasaan po nya ako kaya nandito po sya. Hindi rin po ako girlfriend nang masungit na yan." Paliwanag nya kay Mommy and pointed a finger at me. Say what? Masungit ako?



"What? Ako masungit? For your information Ms.Cherry, hindi ako masungit at isa pa hindi kita sinagasaan. Ikaw ang may kasalanan hindi ako." Sabi ko sakanya.



Pero tinaasan ako ng kilay ng Babaeng to. Kumuha sya nang marshmallow at kinain. Mga ilang sandali lang ay nagsalita ulit sya.





"Paano mo nalaman ang name ko Mr. Stranger? Are you Stalking me??" Galit na tanong nito saakin. Ako stalker?? No way.



"Tinignan koo ang pangalan mo sa pinto kaya wag kang assuming. I'm not Mr. Stra----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinapawan ako ni mommy.




"Well Ms. Cherry, His name is Alexander not Mr. Stranger. Pero dahil maganda ka, you can call me Tita or Mommy kung gusto mo" What? Nasisisiraan na ba nang bait si mommy? That's ridiculous!




"MOMMY!" Galit na tawag ko sa kanya. She must be crazy! Why the hell did she did that?





"Tigilan mo ako Alexander. Buti pa pumunta ka munang trabaho. Ako na bahala sa kanya." Sabi nito saakin at hinila ang kamay ko at tinulak palabas ng kwarto niya.


----------



NASA harap ko ngayon ang mommy ni Alexander na busy akong tinitignan. Baka malusaw ako nito.




"Bakit nyo po ako tinititigan?? May mali po ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya. Pero tinaasan nya ako nang kilay. Ay! Taray ni Tita.








"Cherry, saan ka nagtatrabaho?? Nasaan ang family mo? Paano mo nakilala ang anak ko?" Sunod-sunod na tanong nito.





"Isa-isa lang po tanong tita, mahina po ang kalaban. Ako po ang may ari ng H&H. Nasa ibang lugar po ang magulang ko. Sa kalsada ko po nakilala ang anak nyo." Sinagot ko lahat nang tanong nya pero dahil sa mga tanong nya hindi ko na makain ang marshmallow ko.




"H&H?? Ayaw mo bang kunin ang anak ko bilang model?" Naibuga ko tuloy yung kinakain kong marshmallow dahil sa sinabi ni tita. Seryoso ba sya?? O ginogood time ako??




"Tita seryoso kaba?? Baka joke mo lang yan. Sayang tuloy yung marshmallow. Wag mo kasi akong biglaan sa mga tanong mo Tita." Sabi ko sa kanya




"Bilhan nalang kita nang marshmallow na bago mamaya. Pahatid ko kay Alexander. Maganda ang katawan nang anak ko kaya hindi ka lugi." At talagang bibilhan pa ako ni Tita. Maganda ba talaga ang katawan nya?? Pagisipan ko na muna siguro.


"Tita gusto ko yung kulay brown na marshmallow. At pagiisipan ko po muna ang offer nyo." Magalang na sagot ko sa kanya.




"Brown Marshmallow? May ganun ba?? Pero sige. Eto ang business number ko. Call mo nalang ako at ipapabili ko na yung Marshmallow mo." Atsaka na ito lumabas. Hay. Tumahimik na rin sa wakas ang kwarto ko.



Buti nalang uuwi na ako mamaya. Nakakaboring narito.
Magpapatulong nalang ako kay Maggie paguuwi na ako. Sya lang naman ang pwede kong hingin ng tulong sa ngayon.



Akmang tatawagan kona si Maggie nang biglang bumakas ang pinto iniluwal ang isang dalagang babae. Wow! Ang ganda nya! Pero bakit familiar sya?



"Ate Cherry?" Tanong nya saakin.



"Ako nga. Anong kailangan nila?" Tanong ko pabalik sa kanya. Ngumiti sya saakin.



"Sabi kasi ni mommy puntahan kita. My name is Alexandrina. eto naman po ang kakambal ko, si kuya Alexandrite bunsong kapatid ni kuya Xander. Bantayan ka daw po namin kayo habang wala pa si kuya." Pumasok naman silang dalawa at umupo sa sofa.



Mga ilang minuto lang ang lumipas, biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Alexander.



"Anong ginagawa nyong dalawa dito?"

-----------

AN: If na cucurious po kayo tungkol sa marshmallow, totoo po na mayroong kulay brown na marshmallows. Chocolate flavor po sya. 

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon