-------------------------------------
"SHE'S two weeks pregnant." Parang tumigil ang sistema ng katawan ko dahil sa narinig ko. Buntis si Cherry.
Kaya ba ang paiba-iba ang mood nya? Yung mga kakaibang pagkaing gusto nyang kainin? Pati yung tungkol kay Drite? Signs ba yun na buntis sya?
"Iwasang mastress si Misis, pakainin ng masustansya, kung maari ay laging nakapahinga rin." Pagpaparemind ni Doc.
Hindi parin ako makapaniwala. Buntis na sya! Ibigsabihin, wala na syang kawala sa poder ko.
Nagpaalam na ang doktor saamin at pwede na rin syang ilabas sa hospital. Tinawagan ko narin si Mommy para malamang nandito kami sa hospital.
"Anong nangyari sa kanya Xander? Bakit naospital si Cherry?" Bungad na tanong ni Mommy. Lumapit ito kay Cherry na hanggang ngayon ay tulog parin.
"What happened?" Tanong ulit ni Mommy. I just smiled at her at lumapit kina Drite at Drina.
"Magkakaroon na kayo ng pamangkin." Sabi ko sa kambal.
"Really? Where? When?" Sunod-sunod na tanong ni Drina.
"Yes. At your Ate Cherry's Womb, after 9 months." She hugged me and kissed my cheeks because of the news. Lumapit naman si Mommy saakin at niyakap.
"Well done anak. Nakascore ka agad." Atsaka naman sya lumapit sa hospital bed kung saan nakahiga si Cherry.
I am indeed a sharp shooter. In just one shoot, she's already pregnant. Just Wow!
----------------------------------
NAGISING ako sa ingay ng paligid ko. Pagbukas ng mga mata ko, puro puti ang nakikita ko.
Nasaan ako? Sa pagkakaalam ko, hindi ito ang kwarto namin.
"Cherry! You're awake!" Niyakap naman ako ni Mommy. Anong nangyari?
"Anong nangyari saakin mommy? Nasaan ako?" Tanong ko kay Mommy. Imbes na sagutin ako niya ako, tinignan nya si Alexander at pinalapit.
"Magkakaroon kana ng baby Cherry. Magkakaroon na kayo ng baby ni Alexander." Buntis ako? Ganun kabilis? Umupo sa tabi ko si Alexander at kinuha ang kamay ko at marahang hinalikan.
"Alexander? Buntis ako! Magkakababy na ako." Niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa balita na yun. Unbelievable! Ang bilis ng panahon!
"Yes, magkakababy na tayo." Sabi nito saakin. At niyakap pabalik.
Tinawagan ko agad si Kuya Rieve at Kuya Clein para ipaalam sa kanila na buntis ako.
-------------------------------
Pag-uwi namin sa bahay, nagkaroon kami ng kaunting celebration. Niluto ni Mommy lahat ng gusto kong kainin at yung mga paborito kong kainin.
"Ano ang ipapangalan mo sa kanya ate Cherry?" Tanong ni Drina. Kailangan na bang mag-isip na kami?
Ano nga kaya ang magandang pangalan? Jose? Maria? Antonio? Cristina?
"Gusto ko yung pangalan nya ay pang sinauna. Kagaya ng Jose, Nino, Pedro o di kaya ay Maria." Sagot ko sa kanya. Napatigil sila sa pagkain at tumingin saakin. May masama ba sa sinabi ko?
"It will be named after me, Cherry. He will be Alexander II." Alexander II? Ayoko! Baka mamaya magkaugali pa sila. Kawawa ako kung nangyari yun.
"No way! Ayokong maging the second ang baby natin. Gusto ko may pagkaluma." Napataas ang kilay ni Alexander sa sinabi ko.
" Why not? He should be named after me since he is my son." Sabi nito saakin. Ayoko ng lalake! Gusto ko na babae ang anak namin.
"Our baby is girl! Not a boy." Saad ko at sumimangot.
"Okay, that's enough you too. Ganito nalang, sabihin nyo ang gustong pangalan nyo sa anak nyo tapos pipili tayo. Is that okay?" Tumango nalang kami sa suggestions ni Mommy.
"I want to named her Phoebella Alexa kung babae. At kung Lalake naman ay Phoenix Alexis." Sabi ko sa kanila. Gusto kasing nasa pangalan parin nila ang 'Alex' para masunod sa pangalan nila.
"How about you son? What named do you want?" Tanong nito kay Alexander.
"Prince Alexon at Princess Chleiye." Ang ganda ng pangalan na napili nya. Pero mas maganda ang akin!
"The names that you pick are all beautiful...." Komento ni Mommy.
"It will be better if you combined the names that you picked. Prince Phoenix Alexon if it is a boy, Princess Phoebella Chleiye if it is a girl." Wow!! Ang ganda ng ginawa ni Mommy.
Sumang-ayon na ako Mommy at mas lalo tuloy akong na-excite sa pagdating ni Baby.
-----------------------------------
-
Anong pangalan ang prefer nyo para sa magiging anak nila?
-
Sorry kung ngayon lang ako naka-update. Pasensya na.😊😊 Salamat guys💕
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
