------------
MATAPOS nya akong pagalitan kanina, bigla nalang syang lumabas ng room ko. Mga tatlong oras na ang lumipas mula nang lumabas sya. Sabi narin nang doctor pwede na akong lumabas ngayon kaya tinawagan ko muna si Maggie.
"Hello Maggie?" Bungad ko sa kanya.
"Yes po ma'am?" Magalang na sagot nito.
"Maggie Ikaw na muna ang bahala sa shop ngayon, magpapahinga na muna ako. Isend mo through email ang mga sales report at dun ko nalang babasahin." Tuloy tuloy na utos ko sakanya. Mapagkakatiwalaang tao si Maggie kaya sakanya ko iniiwan ng mga naiiwang trabaho ko minsan.
"Okay po ma'am" Magalang na sagot nya. At binaba ko na ang tawag. Saktong pagkapatay ng tawag bigla namang pumasok si Mr. Stranger na may bitbit na paper bag.
Mukhang galing syang trabaho.
Napakaformal ng suot nya. Pero bigla syang lumapit saakin at inabot ang hawak nyang paper bag.
"Ano to? Aanhin ko naman ito" Takang tanong ko sa kanya kahit na hindi ko pa nabubuksan. Nakatingin lang ako sa paper bag habang kinakausap siya.
"Just open it. Don't ask too many questions." Sungit naman nito. Kapag ako nabwisit dito, itatapon ko ito sa labas ng bintana. Kung hindi lang talaga gwapo to baka pinalayas ko na sa room ko.
Nang buksan ko yung paper bag. MARSHMALLOWS ang nakita ko. OMG! Yung favorite ko. Wait, bakit may kulay brown na marshmallow na nakahalo rito??
"Ano to Mr. Stranger? Bakit may ibang kulay? Ngayon lang ako nakakita ng marshmallow na kulay brown." Tanong ko sa kanya. Tinaasan ako ng kilay at agad nyang kinuha yung phone nya. Siguro may tatawagan sya.
---------------------------
I CAN'T believe that this woman will react like that because of that brown thing. Kaya tinawagan ko ang Secretary ko.
"Good morning Sir!" Masayang bati nang kanyang Secretary.
"Ano yung brown na nakahalo sa mga marshmallow?? " Agad na tanong ko sa kanya. Nakita ko ring tumingin saakin yung babaeng ito. Siya kasi yung inutusan kong bumili nito dahil nagmeeting ako kasama ng mga walang kwentang shareholders sa company ko.
"Marshmallow din po yun sir. Ibang kulay lang po at ibang flavor sabi po nung sales lady." Paliwanag nya saakin.
"Natanong mo ba sakanya kung bakit brown yung marshmallow?" Muling tanong ko sa kanya.
"Yes sir! Sabi po nya, yung mga white na marshmallow ay gawa nang mga amerikano pero ang kulay brown ay gawa nang mga Pilipino at sinabi nang saleslady, tanghilikin ang sariling atin kaya binili ko na po sya. Chocolate flavor po yung marshmallow na brown sir." Mahabang Paliwanag nya saakin.
"Seriously?" Tanong ko ulit sa kanya.
Tumingin ako sa gawi ng babae at nakatingin din ito saakin. Halatang nakikinig sa usapan namin.
"Yes Sir." Masiglang sagot naman nya. At pinatay ko na agad ang tawag
Humarap ako sa kanya at sinabi ang sinabi nang Secretary ko."Sabi nya, yung mga white na marshmallow ay gawa nang mga amerikano pero ang kulay brown ay gawa nang mga Pilipino at sinabi sa kanya ng saleslady na tanghilikin ang sariling atin kaya binili nya. It's Chocolate flavor, by the way." Mahabang paliwanang ko sa kanya. Mukhang nasatisfied naman sya kasi tumango na lang sya.
Binuksan nya ang isang pack ng marshmallow at kinain. Napatahimik nyang kumain kaya umupo muna ako at kinalikot ang phone ko.
* 1 new message *
Received: 3:45pm
From: Mom
Alexander, nasaan ka? Nasa office mo ako ngayon pero wala ka rito. Saan kana naman nagpunta. Reply ka agad. ASAP
Seen: 3:47pm
Delivered: 3:50pm
To: Mom
What the hell is ASAP? Is that even a word? I'm in the hospital mom. St. Celestial Hospital PR 00001.
Received: 3:54pm
From: Mom
Anong ginawa mo sa hospital? Nasaktan kaba? Sandali papunta na ako dyan. Wag kang aalis dyan.
Seen: 3:55pm
Few minutes later...
"Alexander! What happened? Bakit nasa hospital ka?" Biglang bumukas ang pinto at si Mommy ang lumitaw.
Biglang syang tumahimik dahil napansin nya ang babaeng sagana paring kumain nang marshmallow kahit may hindi inaasahang bisita.
--------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
CintaHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
