Chapter 9

51.7K 1K 41
                                    

NASA company na ako na pag-aari ni Alexander. Agad naman akong pinapasok sa conference room. Pagkakita ko may mga press na dumating at busy sa pakikipag-usap sa mga kasama nila. Agad naman nya akong nilapitan at hinawakan sa bewang. Kaya tumigil ako sa paglalakad

"Chansing kana Mr. Alexander alam mo ba yun? Pwede kitang kasuhan dyan!" Ngumiti lang ito ng sandali at naging blanko na naman ang itsura nya. Bipolar. Tinanggal nya ang pagkakahawak sa bewang ko pero nalipat naman sa siko ko. Kaya hinayaan ko nalang.

"Umupo kana at magsisimula na tayo. Ready your contract and I will ready my contract too." Tumango nalang ako sa kanya. Saka nya naman tinawagan ang secretary nya at umupo sa tabi ko.

Pagkarating ng secretary nya, nagsimula na kaming pagpalitan ng kontrata pero napansin ko, ang weird ng nasa kontrata nya. Gusto nyo nang sample?

Be on time kapag tinawagan ka.

→ Take good Care of me. Wag mo akong pababayaan.

→ Be with my side ALWAYS. Lalo na tuwing may shooting.

Yan lang muna ang mga ibabahagi ko. Masyadong marami tong mga to. Nasa 50 yung kondisyon nya. Promise cross my heart, mamatay man ang mga alaga kong insekto sa bahay. Ang dami nyang kondisyon. Kaya nagtanong na ako.

"Psst. Bakit ganyan ang kondisyon mo? Naghahanap ka ba ng jowa mo o katulong? O naghahanap ka nang bagong mommy mo?" Takang tanong ko sa kanya. Tinignan nya lang ako ng masama.

"Why would I need to find a new Mommy? And what?Katulong? Jowa? Your crazy. Just sign that damn paper nang matapos na to." Naiiritang sabi nya. Tignan mo to, tinawag pa akong crazy. Atsaka sino ba may gusto na magkaroon nang ganitong kabonga na contract signing? Minsan talaga hindi ko maispellingan ang iniisip nito. Nakakabobo kaya yung mga ganitong tao.

Sinunod ko ang sinabi nya, pinermahan ko nalang ang kontrata nya. Basta bahala nalang si Batman saakin.

Makatapos ng ilang pagpapapicture sa mga press, lumabas na kami sa conference room at dumeretso sa office nya.

Habang naglalakad kami papuntang office nya, nakikitang tumitingin sa gawi namin ang mga nagtatrabaho rito. Nasa 7th floor kasi ang Conferene Room tapos nasa 10th floor ang office na.

Biglang tumigil ito sa paglalakad nya at ayan na nga, sumumpong ang pagkatanga ko. Nasubsob ako sa likod nya.

"Ano ba naman yan! Tumingin ka sa dinadaanan mo. Nauntog tuloy ako sa likod mo." Sabi ko sa kanya. Pero hindi sya kumibo kaya sumilip ako paharap. May nakita akong babae na nakatingin kay Alexander. Tinignan ko rin yung reaction nya pero nagulat ito.

"At--e" Yun lang ang lumabas sa bibig nya. Ate nya yung babae? Woah! Ang gandang lahi! Ang ganda ng ate nya. Para syang model. Pero ang mas ikinagulat ni Alexander ay may batang yumakap sa Ate nya na bata.

Lumuhod ang ate nya para makalevel nya ang height ng bata.

"Baby Zack, I want you to meet Xander your Daddy." Pakilala nya kay Xander dun sa bata.

"But Mommy I already have a daddy." Pagmamaktol ng bata.

Na-OP ako sa nangyayari kaya magpapaalam na aalis nalang ako. Kesa makaistorbo ng pag-uusap nila.

"Alexander mauuna na ako ha. Bukas nalang ako pupunta sa office mo." Aalis na sana ako ng hilahin nya ang braso ko palapit sa kanya. Kaya nairita ako. Kanina nya pa ako hinihila eh.

"Bakit ba hila ka nang hila? Wala ka bang braso. Gusto mo putulin ko nalang ang braso ko at ibigay ko sayo para wala ka nang mahila saakin." Mukhang natauhan sya sa sinabi ko at napangiti ng saglit pero binawi rin nya.

Bigla namang humarang ang ate nya at tinignan si Alexander.

"Ngumiti ka!. OMG! Ilalagay ko ito sa Myday ko. Ngayon lang kita nakitang ngumiti sa buong buhay ko. May Himala nga talaga sa mundo. OMG! OMG! OMG! Sasabihin ko rin kay daddy at mommy to." Sabi nito na parang hindi makapaniwala sa nangyari. Pumalakpak pa ito.

"Para kang baliw ate. Tigilan mo na nga ako. May trabaho pa ako." Pagtataboy nya sa Ate nya.

"Paano si Baby Zack? Iiwan mo rito? Ganyan kana ba ngayon ha? Pati pamangkin mo, inaayawan mo." Hala parang pinapagalitan nya si Alexander pero sabagay okay lang yun dahil ginawa kong pagkakataon yun para tumakas sa lungga nya. Tumakbo na ako. Kahit na tinatawagan nya ako, hindi ako lumilingon.

Bahala na sya dyan hahaha.

----------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon