I dedicate this chapter to; @shelagarto, @NylecojTimgas @NOonAkemi @fritz_chan @minniebunso @JackApigo @supernewdekka @leonidaguibao agustinaleonar39 @milethmendoza @justbyyou @KyleeDB @jhemma40 @CristinePadulla6 @katbelen1216 @kenjieefajardoTo @xoxokRIS_BABExoxo Thank you talaga😘!!
To @dandakajovs Thank you din sayo!😘
Yung iba ilalagay ko din sa ibang chapters. Thank you guys💕💕
-----------------------------------
AFTER ng date namin sa Germany, balik trabaho na kami. Mas lalong naging busy si Alexander sa kumpanya nya dahil lagi syang may meeting at out of town pa.
Busy rin naman ako kaso hindi katulad nya. Nagdedesign lang ako. Sketch dito, pili ng tela doon, kakausapin ang mga employees ko.
"Long time no see Ms. Cherry Janelle!" Si Kuya? My brother is here! Yumakap naman ako sa kanya.
"Kuya Clein!! Kamusta kana? Pasalubong ko?" Tanong ko agad sa kanya. Hinawakan nya naman ang pisngi ko at kinurut. Namiss ko ang Kuya ko!! Nasa ibang lupalop sya ng Pilipinas dahil mas pinili nyang mamuhay sa probinsya kasama ang asawa nya kesa sa Manila.
"Kamusta na si Ate Ria kuya?" Tanong ko sa kanya. Napakamot nalang sya ng ulo.
"Pinalayas nya ako hehe. Hindi ko kasi mahanap sa probinsya ang pineapple na kambal kaya wag daw akong uuwi hanggang hindi ko dala yun." Kambal na pineapple? Saan sya hahanap nun?
"Hahaha pinalayas ka nya? Hanapin mo dapat yun kuya kung hindi mas lalong magagalit yun." Sabi ko sa kanya. Mas lalong nagkamot sya ng ulo. May dandruff ba sya? O may alaga sya sa ulo? Kati kasi sya ng kati ng ulo nya.
"Ehem!" Alexander? Anong ginagawa nya rito? May-ubo ba sya? Kaya pumunta ako sa first aid kit cabinet para kumuha ng gamot sa ubo. Pagbalik ko, ang sama ng tingin ni Alexander kay Kuya. Anyare?
Biglang lumapit saakin si Kuya at inakbayan ako. Pero bigla naman akong hinila ni Alexander at ipinulupot ang kamay nya sa bewang ko. Anong trip ng dalawang to?
"Stay away from my wife!" Biglang sabi ni Alexander. Napataas naman ang kilay ni Kuya. Ooppss.
"Wife? Asawa mo si Cherry?" Tumingin naman saakin si Kuya ng masama.
"Oo asawa ko sya. Is there a problem with that?" Tanong ni Alexander.
"Kuya Clein asawa ko si Alexander. I'm sorry kung ngayon mo lang nalaman. Alam naman ni Mommy at Daddy to." Paliwanag ko sa kay Kuya. Napabuntong hininga lang sya at hinila ako ni Kuya para yakapin.
"Ang bilis naman ng panahon bunso. Tignan mo may asawa ka na tapos ako magkakaanak na. Ang laki mo na bunso." Sabi ni kuya saakin. Niyakap ko lang sya pabalik.
"Ang bilis nga Kuya eh. Tignan mo napalayas kana ng asawa mo." Sabi ko sa kanya. Bigla naman nyang kinurot ang pisngi ko. Bakit lagi nalang nila kinukurot pisngi ko? Baka mamaya malaglag na yan.
Pagkabitaw ko kay Kuya, lumapit ako kay Alexander para ibigay yung gamot na kinuha ko.
"Ano ito?" Tanong ni Alexander. My Gad! Hindi nya ba alam ang gamot??
"I know that look My Cherry. What I mean is why are you giving me medicine?" Ay ang galing! Alam nya hihihi.
"Kasi parang may sakit ka kaya binibigyan kita. Biogesic lang yan." Paliwanag ko sa kanya.
"Ahem!" Eh? May sakit din si Kuya? Kaya inabutan din sya ng Biogesic baka kasi lumala pa. Pero umiling lang sya at inayawan ang gamot.
------------------------
Nasa Brix Restaurant kami ngayon at kumakain ng lunch. Oo kami, si Alexander, si Kuya Clein at ako. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao dito pero hindi nalang namin pinansin.
"Bakit hindi ko alam ang pagpapakasal mo Cherry?" Tanong ni Kuya Clein. Bakit nga ba hindi nya alam??
"Kasi hindi ko rin alam na ikakasal pala ako." Sagot ko sa kanya. Tahimik lang kumakain si Alexander sa tabi ko pero hawak nya ang isa kong kamay. Imagine, isang kamay lang gamit ko habang kumakain.
"Sana man lang ininvite nyo ako sa kasal nyo para makita kong nakawedding gown ang bunso." Reklamo ni Kuya. Kaya kinuha ko ang phone ni Alexander. Nasa kanya lahat ng picture namin kasi naka
Iphone x sya samantalang ako Oppo lang ako."Heto kuya oh! Ang ganda ko diba?" At pinakita ko ang picture ko sa kanya. Kinuha nya ang phone saakin at tinignan. Nakita kong ngumiti sya.
"Kamukha mo si Mommy dito. Sayang lang at hindi ako nakapunta. Edi sana hindi ka kasal ngayon kay salamander." Ano daw? Salamander? Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni Kuya Clein. Ibang klase, lagi nalang nilang binubully si Alexander sa pangalan nya.
"Okay that's enough. Kumain ka muna Cherry. Hindi mo manlang nababawasan ang pagkain mo." Sabi ni Alexander. Tsk. Ang KJ nito. Kinuha nya ang phone nya kay Kuya at bumalik sa pagkain niya ang atensyon nito.
Sungit nito. Kaya naman kumain na ako. Baka palayasin din ako ni Alexander kapag hindi ko kumain. Baka matulad pa ako kay Kuya na pinalayas ng asawa.
"Alam ko ang iniisip mo. Hindi kita palalayasin My Cherry. Ang kuya mo lang ang palalayasin ko." Sabi ni Alexander at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Mind-reader ba sya? Paano nya nalaman ang iniisip ko? Weird.
---------------------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...