Chapter 22

37.3K 696 3
                                        


A/N: 1Pinakamahabang update ko na siguro etong chapter na ito para saakin. Hindi kasi ako ganun kahilig magsulat ng mahahabang chapter. Pinapaabot ko lang ng hanggang 600-800 words. Nainspired kasi ako hahaha. Charot lang.

Sa aking mga minamahal na mambabasa salamat po talaga sa walang sawa na paghihintay sa update ko. Mahal ko kayo♡ Salamat ng marami♡

Happy 1k Views

-----------------



Alas-dos palang ng madaling araw, nasa NAIA na ako. Hinihintay ko nalang ang pagdating ni Alexander at Kuya Rieve. Dumating pala si Kuya Rieve after ginanap ang Fashion show.





Nabigla na nga lang ako noong sumulpot nalang sya bigla sa harap ko. At dahil may private plane si Alexander, hindi na mapapagod magpaasikaso si Kuya Rieve sa Papeless nya.







Nakaupo ako sa waiting area dala ang maleta ko. Sabi ni Alexander, 1 week kaming nandoon kaya medyo marami ang inimpake ko.






"Cherry? Sorry for making you wait. Inasikaso ko pa kasi ang schedule ko." Alexander. Halatang pagod sya dahil sa mga mata nya. Tumango lang ako sa kanya at nginitian sya.








"Si Kuya Rieve nalang ang kulang nyan." Sabi ko sakanya. Kumunot naman ang noo nya.







"Late sya? That Lizard! Aapakan ko na talaga ang mukha ng butiki na yun." Galit na sabi nya. Tumawa lang ako sa kanya at may nagsalita naman sa likod ni Alexander.






"Sige, subukan mo! Ako ang unang aapak sa mukha mo." Ani ni kuya Rieve. Ang cute talaga nilang mag-away. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa.






"Ano mag-aaway lang kayo? Naghihintay na eroplano sainyo. Hindi pwedeng ang eroplano pa ang maghintay at mag-adjust sa inyong dalawa." Guess nyo kung sino ang nagsalita nyan!.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Secretary ni Alexander. Oo kasama namin sya. Ang masungit nyang secretary. Kailangan daw nyang may mag-aasikaso sa schedule nya kaya sinama nya nalang.





So pumunta na kami sa loob at 2:30 am na kaming nakaalis sa Pilipinas dahil ang daming kaechosan na ginawa sa airport.
At dahil malayo-layo ang Ireland, matagal-tagal ang byahe namin.
14 hours ba naman ang byahe namin.



----------------------------



Welcome to Ireland Sir Alexander Montereal!



May sumalubong sa amin na banner. Mukhang may inutusan na si Alexander para may sumalubong saamin.





Ang lamig pa naman ng panahon dito sa Ireland. Ang lamig ng hangin. Tapos samahan pa ng aircon. Mukhang napansin ni Alexander na nilalamig ako dahil binigay nya ang coat nya saakin.






"Bakit mo binigay saakin to? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman ito saakin.

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon