PAGSIKAT palang ng araw ay abala na ako sa pagtatrabaho dahil kailangan ko nang maglabas ng mga panibagong design para sa upcoming na fashion show para sa month ng May.
"Maggie para saiyo ano ba ang maganda? Ang sexy pero conservative ang dating o may pagkainosente pero daring ang datin?" Tanong ko kay Maggie. Kapag kasi nalilito ako sa theme na gagawin ko, sya ang tinatanong ko dahil mas malawak ang ideya nya pagkadating sa fashion.
"Ms. Cherry mas maganda po yung may pagkainosente pero daring. Pero maganda rin po kung Sexy pero Daring ang dating. Sa generation po kasi ngayon puro sexy na damit ang hinahanap nila. Kaya po para maiba, sexy pero daring ang maging theme po." Mahabang paliwanag ni Maggie. Napatango ako sa sinabi nya. Kita nyo na? Mas malawak ang ideya nya kesa saakin.
"Gusto ko yang ideya mo. Sexy pero Daring yung parang hindi bastusin sa paningin ng tao ang susuotin at kaakit-akit yung ganda nya." Nginitian lang ako ni Maggie at tumango sya.
"Ms. Cherry paano naman yung mga pang lalaki?" Tanong ni Maggie. Napatampal nalang ako sa noo ko. Nakalimutan ko kasing gumawa ng design para sa panglalaki.
"Buti nalang nabanggit mo yan Maggie. Wala pa akong naiisip sa mga panglalaki eh. Ngayon kolang kasi naalala. May alam ka bang design?" Tanong ko sakanya. Actually meron na akong naisip kaso nagaalinlangan pa ako kung isasali ko sya sa mga collection para sa HIM.
"Meron po. Ito po yung design." Sabay abot ng sketch pad nya. Kung tutuusin marami nang naidesign si Maggie at lahat nang yun ay maganda. Lahat ng design nya ay nilalabas namin kasi iba ang mga ideya compara sa mga design ko na syang ikinagusto ko sakanya.
"Ay bet ko tong mga to. Sige isasali natin yan. Kung meron ka pang mga design na gustong lumabas, sabihin mo agad at titignan natin." Napangiti na lng ako kasi sumaya ang itsura nya.
"Talaga po? Maraming salamat po." Saka na to lumabas. Saktong pagkalabas naman nya ay tumunog ang phone po. Unknown number. Sino na naman kaya to.
"Good Morning Maam/Sir! From H&H Clothing Line, How may I help you?" Sabi ko sa kabilang linya.
"Ms Cherry Dela Monte?" Tanong naman nya.
"Speakin. How may I help you?" Ano kaya kailangan niya?
"Secretary po ito ni Sir Alexander. Pinapapunta ka po kasi nya sa office nya at dalhin nyo daw po ang kontrata nyo para sa contract signing na in organize pa po ng company." Ah secretary pala ni Alexander. Wait? What? Contract Signing?
"Contract Signing? Agad-agad? May lakad ba yang amo mo? Ang bilis naman. Hindi man lang ako nag-ayos." Ang bilis naman kasi eh. Sumang-ayon palang noong nakaraang araw tapos contract signing na agad.
"You are already beautiful My Cherry. Pumunta kana dito bago pa kita kaladkarin papunta rito." At binabaan nya ako. 'You are already beautiful.? My Cherry' sira ulo ba sya? Alam kong maganda ako pero akuin ba naman ako. Masisipa ko talaga ang lalaking yun. Kaya nagready na ako para umalis at pumunta sa company ng mokong na yun.
Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
------------------------
"YOU are already beautiful My Cherry. Pumunta kana dito bago pa kita kaladkarin papunta rito." Agad ko nang pinatay ang call. Mukhang pupunta kailangan ko nang ihanda ang sarili ko.
Pinahanda ko na ang conference room para doon ganapin ang contract signing. Nag-imbita kami ng press para sumikat ang business nya dahil mababalita ito.
Naghanda rin ako ng sarili kong kontrata para sa mga kondisyon ko.
At may mga parusa na nakahanda kung sakaling hindi nasusunod ang mga kondisyon ko.
Siguro, eto na yung mga parusa na para saakin ay pinakamagugustuhan ko. Hindi na rin ako makapaghintay na pumirma sya. Dahil kapag napirmahan ang kontrata ko,
.
.
.
.
.
.
.
.
She will be mine. MINE ONLY. Wala nang makakalapit ni isang lalaki sa tabi, dahil lagi na syang nasa paningin ko.
-------------------
Another Update~
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
