Chapter 10

50.3K 1K 9
                                    

Dinidedicate ko ang chapter na to kay roxandelossantos50. Thank you Roxan♡

Enjoy~

----------------------

FIRST photoshoot na ni Alexander ngayon para sa H&H. At ang ishoshoot nya ngayon ay Black Tuxedo. Babagay naman sakanya kasi lagi syang nagsusuot nyan kapag may event. Paano ko nalaman?
R-E-S-E-A-R-C-H!

Siniset-up na namin ang mga gamit dahil ilang oras nalang ay magstart na kami.


Pero napansin ko wala parin ang presensya ni Alexander. Oh my gulay! Anong oras na? Kaya tumawag na ako sakanya.

'Calling Mr. Xander'

'Yes?' Parang nililinlang ako ng pandinig ko ah. Babae ang sumagot ng call. Marunong din bang magboses babae si Alexander?

'Hello? Alexander?' Tanong ko sa kabilang linya.

'Who are you? Why are you calling my Fiance?' FIANCE nya? Ang lalaking talagang yun masasampal ko na sa kalandian nya. Kung makasabi sya ng My Cherry tapos my Fiance sya.

'I'm Cherr--' Pinutol nya ang sasabihin ko.

'One of his slut?' Isa pa to. Bibingo na to. Sabihan ba naman ako ng Slut? Lagot talaga si Alexander kapag nakarating sya rito.

'No, One of his boss. Watch your mouth, Ms. I can sue you for that.'
Pagbabanta ko sakanya.

Biglang tumahimik ang kabilang linya. Pero bigla ring umingay ang sa kabilang linya dahil narinig ko sumigaw si Alexander


'Hey! Why are holding my phone? I told you to get out of my sight and leave me alone. Shit.' Sino kaya ang babae na yun? Kung makasabi pa naman ng My Fiance wagas pinapaalis na pala sya.

'Hello? Hello? Hello? Are you still there Cherry?'

'Oo narito pa ako. Kaya pumunta kana rito dahil magsisimula na ang photoshoot mo.' Ang pasaway kasi eh.


'Hell! May photoshoot pala ngayon. Sorry nakalimutan ko. Sandali lang papunta na ako dyan.' Pasaway talaga sya. Nakalimutan nya pang may shooting ngayon.


'Bilisan mo ah.!' Pagmamadali ko sa kanya.

'Oo.' Tipid nyang sagot

'Sige Bye.' Saka ko na binaba ang tawag.

Kailangan ko pa palang i compile yung mga damit na gagamitin sa Fashion Show.

-----------------

NAGMADALI agad akong pumunta sa kotse para pumunta sa venue ng shooting. Pinacancel ko rin ang ibang appointment ko sa secretary ko.

Pagkarating ko agad akong sinalubong ni Cherry.

"Mabuti naman dumating kana? Bilisan mo magbihis kana agad." Bungad agad ni Cherry. Pero may naisip akong kapilyuhan.

"Ngayon na? Sige" Akmang tatanggalin ko na sa pagkakabotones ang damit ko ng pigilan ako Cherry. Napangisi nalang ako.

"Siraulo kaba? Sa loob ka magbihis! Wag dito. Kukuha ka pa ng atensyon." Sabi naman ni nya at umalis.

Pagkatapos kong magbihis agad kaming nagstart sa photoshoot. Maraming mga anggulo ang mga kinuha nila at lahat ng mga letrato ay magaganda.

Pinagpahinga na muna kami ni Chery dahil next outfit na kami. Pero habang nagpapahinga ako kasama si Cherry dahil sa kontrata ko bigla namang lumapit ang secretary nya.

"Ms. Cherry! Ms. Cherry! Ms. Cherry! Hindi na daw po darating ang female partner ni Mr. Alexander sa photoshoot. Ano na po ang gagawin natin?" Nagpapanic na sabi ng secretary nya. Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa at unti-unti kong nakikita ang pag-alala sa mukha ni Cherry.

"Maggie ano na ang gagawin natin? Bakit ngayon pa sya nagback out? Dapat inagahan nya para nakahanap agad tayo ng panibagong model." Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ni Cherry at dahil dun nakaramdam ako pag-aalala para sa kanya.

"Ano ba ang next outfit na susuotin?" Sabat ko sa kanilang dalawa. Mukhang naagaw ko naman ang atensyon nila.

"Summer Outfit" Sabay na sabi nila.

Summer outfit? Not bad. Kung si Cherry nalang kaya ang partner ko? Paano kung bikini ang susuotin nya? F*ck NO way! Pero ako na naman kasama nya okay lang naman. Pero paano ang mga lalaking staff na narito? Shit! nasisiraan na ata ako ng ulo.

"Cherry, Ikaw nalang ang pumalit sa kanya. Ikaw ang magiging partner ko." Nakita ko an pagkagulat sa mukha ni Cherry pati narin ang secretary nya.

"What? Ako? Magiging kapalit nya?Partner mo?"

---------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon