Chapter 18

37.9K 792 2
                                    


BALIK trabaho na ako ngayon dahil sa Saturday na gaganapin ang Fashion Show. Mabuti nalang ay konti nalang ang kailangang asikasuhin.


Ilang days ko na rin hindi nakakausap o nakikita si Alexander. Kahit sa text o call wala din. Busy siguro sya.



Si Kuya Rieve naman ay balik trabaho din sya kaya umalis na sya kasama si William na anak ni  Mr. Lacson.  Akalain nyo yun, kaibigan pala ni Kuya Rieve ang anak ng may-ari.



"Ma'am kailangan daw po kayo sa venue para icheck kung may kailangan pang idagdag sa design." Tumango lang ako sakanya at kinuha ang bag ko sa office at pumunta sa venue.



Pagkarating ko roon agad kong chineck ang lightnings. Isa kasi sa importante para saakin ang lightnings during the show. Next ay ang arrangement ng chairs.


Ang pinaka huli kong tinignan ay ang stage kung saan rarampa ang mga models ko.


*kring.kring.kring*

Sino naman kaya ang tumatawag na ito?

*Kuya Rieve is Calling*

Si Kuya Rieve lang pala. Akala ko si Alexander na. Bakit si Alexander ang nasa isip ko? Focus ka muna brain! Busy sya kaya hindi sya nagpaparamdam.




'Bakit Kuya Rieve?' Takang tanong ko. Ano kaya kailangan nito?



'Pinsan? Kasama mo ba si Paa?' Paa? Ah si Alexander ang sinasabi nya.



'Hindi ko sya kasama Kuya Rieve. Bakit? May kailangan ka sa kanya?' Ano kaya ang kailangan ni kuya kay Alexander.



'Pinsan okay lang bang puntahan mo sya ngayon? May kailangan kasi akong sabihin sa kanya.' Hala busy pa naman ako. Ayoko naman tumanggi kay kuya. Bahala na si Batman!


'Si-ge' Pagpayag ko sa kanya.


'Thank you Cherry ko! Tawagan mo ako kapag kasama mo na sya.'

*Call Ended*


So inshort tumawag lang si kuya dahil kay Alexander. Hay nako~


Pagkatapos kong nacheck ang venue at mukhang wala namang problema so umalis na ako at pumunta sa office ni Alexander.



Pagkarating ko roon, dumeretso ako sa elevator at pumunta sa office nya. Pinuntahan ko muna ang secretary nya.



'Mukhang nagpalit sya nang secretary? Lalaki eto at parang ngayon ko lang nakita.' Lumapit ako sa kanya.



"Excuse me? Nasa loob ba ng office si Alexander?" Tanong ko rito. Natulala lang ito saakin. Ano nangyari rito?


"Anong kailangan mo sa pinsan ko? Miss?" Pinsan nya? Kaya pala may itsura sya! I mean may pagkagwapo.


"My name is Cherry, kailangan kasi sya ni Kuya kaya pumunta ako rito." Paliwanag ko naman. Tumango lang ito saakin. Tsk. Pinsan nga ni Alexander to. Magkaugali kasi sila.




"Sige pasok ka nalang dyan, istorbuhin mo ang tanga kong pinsan." Kaya pumasok agad ako.



May kausap itong babae at mukhang uniiyak ito. Gusto nyo marinig ang sinasabi ng babae?




"Please Alexander mali ang iniisip mo. Nagbago na ako! Bumalik na ako kaya please Babe! Patawarin mo na ako." Nagmamakaawa ang babae. Ex siguro ito ni Alexander.




"Tapos na ang lahat Marielle. Kaya tigilan mo na ako. Ikaw ang humingi ng kalayaan mo kaya panindigan mo!" Marielle? Sya yung binanggit ni Tita noong nasa bahay ako ng mama ni Alexander.





"Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Iniwan ko ang lahat ng meron ako sa Ireland para lang makasama ka!"





"Wala naman akong sinabi na iwan mo ang buhay mo roon! And I think that everything was already done. So leave me alone!." Ayan na galit na sya. Tumayo kasi ito at pumunta sa table nya.



"Cherry? What are you doing here?" Napansin nya ako. OMG! Ano ang gagawin ko? Baka mamaya sabihin nya na chismosa ako.




"May kailangan daw sayo si Kuya Rieve sayo kaya pumunta ako rito and I guess, wrong timing pala ang pagdating ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Umiling naman sya sa sinabi ko.



"No Cherry, perfect timing ang pagpunta mo dito dahil tapos na kaming mag-usap. I missed you so much Cherry! God knows how I've really miss you." Eto na naman ang puso ko, ang bilis ng tibok nito parang nasa karera lang. At niyakap nya ako ng mahigpit. Parang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan noong naramdaman ko ang hininga nya sa batok ko. Ang bango ng lalaking ito. Ano kaya ang perfume nyo? Mahingi nga.




"Kaya pala. Sana sinabi mo nalang na mayroon ka nang iba kesa naman nagmukha akong tanga na nagmamakaawa." Ay Oo nga pala. Nandito pala si Marielle. Kung makayakap kasi si Alexander akala ko naman ay walang taong nasa paligid.




"Just leave will you? You're disturbing us!" Tsk. Ang sama ng ugali talaga nito. Kaya bumitaw ako sa pagkakayakap nya at humarap kay Marielle.




"I want to say sorry about sa ugali ni Alexander ha? Minsan kasi parang nireregla sya laging galit." Paghingi ko nang pasensya sa kanya. Pero bakit nainis si Marielle at padabog na umalis. Anong problema ng babaeng yun?




"Oh By the way, Si Kuya Rieve pala kailangan kong tawagan. Bitaw ka muna para naman makahinga ako. Ang sikip ng pagkakayakap mo saakin eh." Tinawanan nya lang ako at niyakap parin pero this time iba ang naramdaman ko.






Why do I feel so safe suddenly?

----------------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon