-----------Tinitignan ko yung mga marshmallow na binigay ni Alexander saakin. Pagtingin ko, may mango flavor at strawberry flavor na marshmallow.
"Bakit nandito kayo? Pinapunta ba kayo ni Mommy?? Umuwi na kayo. Uuwi narin sya mamaya nyan." Natatawa ako sa ginagawa nya. Pinapagalitan nya ang mga kapatid nya. Naaawa nga ako eh pero ewan ko bakit natutuwa ako sa kanya.
"Eh Kuya, gusto namin makita si Ate Cherry kasi sabi ni mommy, sya daw yung girlfriend mo." Pagpapaliwanag ni Alexandrina. Ang cute nang mga mata nya.
"Girlfrie-----nd? Aish! si Mommy talaga. Hindi ko girlfriend si Cherry, Drina tinulungan ko lang sya. Mali yung mga sinabi ni Mommy." Pagpapaliwanag nya sa mga ito. Namamangha ako sa way na pagpapaliwanag nya sa mga kapatid nya.
Mga ilang minuto rin ay pinasundo ni Alexander ang mga kapatid nya para maiuwi sa bahay dahil uuwi narin ako ngayon.
"Hatid na kita sa inyo Cherry." Pagpiprisinta nito.
"Wag na. Magpapasundo nalang ako sa secretary ko." Pagtanggi ko sa kanya. Pero umiling lang sya.
"No, ako na lang. Wag mo nang istorbuhin ang secretary mo." Kaya tumango nalang ako dahil parang hindi ako mananalo sa kanya.
-----------
"Thank you Alexander." Nang hinatid nya ako sa bahay ay nagpasalamat ako sakanya.
Pero sa tingin ko may lahing pagkabastos to. Akalain nyong iniwan lang ako matapos kong magpasalamat.
Pumasok nalang ako ng bahay ko at parang namiss ko ang amoy nang bahay na to. Kahit isang araw lang ako roon, namiss ko na ang bahay ko.
Nagluto ako para sa hapunan ko at chinachat si Maggie para sa update ng upcoming photoshoot para sa ilalabas na Men's Magazine. Ifefeature nila ang mga latest ginawa ko.
*Upcoming Call*
"Hello Maggie?"
"Ma'am may problema po tayo." Nararamdaman ko na nagpapanic sya.
"Anong problema?" Kinabahan na ako sa sinabi nya na may problema sa shop.
"Kinuha nang JUST FOR MEN ang ating model, Ma'am Cherry." Na naman! Nakailan ng pagnanakaw nang model ang ginagawa ni Roselle.
"Si Roselle na naman? Namumuro na talaga saakin yung babaeng yun. Kapag nakita ko yun, kakalbuhin sya." Kapag nagpakita talaga sya saakin, tutuluyan ko na syang kakalbuhin.
"Ma'am paano napo nyan" paano kaya to? Anong gagawin ko?
*Ayaw mo bang kunin ang anak ko bilang model?* Naalala ko yung alok ni Tita saakin.
"Sige ako na ang hahanap." Buti nalang naalala ko ang sinabi ni Tita. Lifesaver ka Tita.
Ang problema nalang nyan ay mapapapayag ko kaya sya?
Kaya nagready na ako para puntahan sya.
-------------
"BAKIT hindi nyo agad sinabi saakin na nawawala ang 30 million sa kumpanya ko.
Dahil sa nangyari, naging mainitin ang ulo ko. Talagang sinusubukan ako ng mga hanggal na yun ah. Alam ko kung sino ang nagnakaw nang pera. Ang Chief ng Financial Department.
Kaya tinawagan ko si Mommy sa nang magpatulong para mapatanggal sa trabaho ang magnanakaw.
"Mommy, ginawa na naman nya. I need to fired him." Nanggigil na talaga ako sa magnanakaw na yun at sisiguraduhin ko na magbabayad sya.
"Then fired him. No one will gonna stop you. Btw, where's Cherry? Where does she lived?" What? Hinatid ko naman siya pero hindi ko alam kung nasaang lugar yun.
"I don't know where does she lived Mommy so I need to hang up." At binaba ang tawag.
Pagkatapos ng aming paguusap, agad kong pinatawag ang secretary ko para ipatawag ang Chief ng Financial Department para kami'y magusap.
Mga ilang sandali lang ay dumating na ito at halatang natatakot na tumingin sa saakin."Ang sabi ko naman sayo Mr. Mero ay hahayaan kitang magtrabaho rito basta wag mong pakikielam ang pera ng kumpanya pero matigas ang ulo mo at ginawa mo parin eto." Nanggagalaiti na ako sa galit dahil sa kanya. Malaking pera ang nawala sa kumpanya.
"Mr. Montereal napagutusan lang ako. Hindi ko ginusto ang magnakaw sa kumpanya." Napagutusan? Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi nya.
"At sinong nagutos sayo? Sabihin mo at baka matanggalan ka nang trabaho." Pagbabanta ko sa kanya.
"Ang mommy nyo po. Sabi nya po ay magnakaw ako sa inyo at yun ang gamitin kong pang opera sa anak kong nagkaroon nang sakit sa puso." Si mommy na naman ang may pakana. Aish. Kaya pinalabas ko na muna sya dahil pagagalitan ko na muna si Mommy.
------------
![](https://img.wattpad.com/cover/86822055-288-k239554.jpg)
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...