Chapter 31

31.8K 625 38
                                        

--------------------------

FLAT Line...









Tinawagan ko ang doctor ni Cherry at agad naman sila nagsidatingan at lumapit sa kanya.







Pinalabas naman ako sa ICU dahil bawal raw ako. Kaya sa labas ako naghintay. Nakikita ko lang sila sa salamin. Nagkakagulo sila. Pati CPR ay ginawa nila pero hindi parin tumitibok ang puso nya.







My Cherry...







Please don't give up on me...







Please don't leave me yet...








Please, I need you...











Nakita ko ang pagdating nina Mommy at Daddy kasama ang mga kapatid ko. Lumapit agad ako kay Mommy at niyakap sya.













"Mom, I'm scared to lose her." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Wala akong pakealam kung nakakabading ang pag-iyak pero hindi ko mapigilan.












Nag-aagaw buhay ang asawa ko sa loob. Nag-aagaw buhay ang mahal ko. Pero heto ako, walang magawa. Walang maitulong para iligtas sya.














Niyakap lang ako ni Mommy at pinunasan ang mga luha ko. Umiiyak din sya katulad ko. Lumapit naman saakin si Drina at niyakap ako.











Bigla namang lumabas si Tito mula sa ICU.











"Doc? Ayos na po ba sya?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga sya bago sumagot sa tanong ko.










"I'm sorry to say Hijo na hindi na kinaya ng Asawa mo ang impact ng pagkakabangga nya. Mahina ang pagtibok ng puso nya na naging rason para ma cardiac arrest sya." Paliwanag ni Tito. Napatakip nalang si Mommy sa bibig nya. Samantalang ako ay napatulala lang.












"Time of  death: 8:37pm
Date of Death: July 31, 2018" Sabi ni Tito at hinawakan ang balikat ko. Sinuntok ko ang pader dahil sa nangyari. Umiiyak lahat ng kasama ko
Sina Mommy at Daddy pati narin sina Drina at Drite ay umiiyak din.











Napaupo ako sa pader at sumandal habang umiiyak. Hindi ko ininda ang sakit ng kamao ko dahil mas masakit ang pagkawala ni Cherry.














Tatayo sana ako para puntahan ang loob ng ICU pero tinatanggal na nila ang mga tube na nakakabit sa kanya at tinakip na ang kumot sa katawan nya. Mula ulo hanggang paa.













Napaupo lang ako at pinikit ang mata ko habang umiiyak ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.











Hanggang bigla nalang nandilim ang paningin ko. Nawalan na pala ako ng malay.




----------------------------------------





Nagising ako sa isang kwarto? Sa kwarto ng bahay namin? Bakit ako nandito? Ang alam ko nasa ospital lang ako at biglang nagdilim ang paningin ko.












Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Cherry?










"Hindi ka pa ba babangon dyan? Gabi na at kakain na tayo. Kanina kapa nakabeauty rest ako naman. Kain na tayo." Sabi nito saakin. Buhay sya? Buhay sya! Lumapit ako sa kanya at tinignan ang katawan nya. Wala syang sugat o gasgas man.










"Hoy! Anong nangyari sayo? Nakadrugs ka ba? Bawal yun! Kahit asawa kita ipapahuli kita sa mga pulis kapag nagdrugs ka." Niyakap ko lang sya ng mahigpit. Akala ko nawala na sya. Akala ko iniwan nya na ako.














Then I just found myself crying in front of Cherry. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko kaya umiiyak ako.














"Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita inaaway ah!" Bigla sabi nito at bumitaw saakin. Natawa lang sa sinabi nya. Ang swerte ko talaga dahil dumating sya sa buhay ko.












"Let me hug you first and then we'll eat." Niyakap ko sya ng mahigpit. I just can't believe it. She's Infront of me. Hugging me back.









I kissed her forehead then held her hand and kissed it also. Inaya ko na sya sa kitchen para kumain.















Pagkababa namin ay nandun pala sina Drina at Drite. Bakit nandito ang dalawang ito?











"You two, why are you here?" Tanong ko sa kanila pero si Cherry ang sumagot sa tanong ko.












"Iniwan sila ng mommy mo Alexander. Magdadate daw sila ni Daddy mo kaya dito muna sila. Babalikan din sila mamaya o kaya bukas daw." Sagot ni Cherry. Kahit ba kahit na mag-asawa na kami, ay may istorbo parin saamin.













Kaya kumain kaming apat. Alam kong masaya ako dahil isang panaginip lang ang lahat. I held her hand and kissed it gently.












"Kuya ang PDA mo naman. May bata kang kasama FYI!" Sabi ni Drina. Napailing nalang ako at bumulong kay Cherry.












"Let's go on a date tomorrow. Sa ibang bansa tayo magdadate. Yung walang istorbo saatin." Bulong ko sa kanya. Tumango lang ito saakin bilang sagot. Binelatan naman ako ni Drina. Tsk. Mga istorbo.

----------------------------------

AN: Ganito po ang nangyayari kapag nakatrip ang utak ko haha. Pasensya napo sa nangyari. Panaginip lang po ni Alexander ang lahat ng nangyari. Lovelots💕

-key💟

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon