Chapter 19

39.2K 740 8
                                        


-------------------------------




KUYA Rieve, Ano ba kasi yung sasabihin mo? Nakakainis ka alam mo yun? Pasuspense and peg mo." Pagrereklamo ko sa kanya. Kanina nya pa kasi kami binibitin sa sasabihin nya.





"Ang reklamo mo pinsan! Labas ka kaya muna? Kami muna ang mag-uusap ni Paa." So labas ako sa usapan nila? Ano na naman ang pag-uusapan ng dalawang ito at hindi ako kasali?





"Ayoko nga. Pinagod mo akong pumunta dito pero hindi ko malalaman ang kailangan mo? Ang unfair mo!" Reklamo ko sa kanya. Ang unfair na talaga ni kuya.





"Cherry naman. Please labas ka muna. Sasabihin ko rin sayo kapag umuwi ako dyan." Sabi ni kuya Rieve. Uuwi sya?





"Uuwi ka? Kailan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Bakit parang excited ako sa uwi niya?




"Sa susunod na Linggo. May kailangan lang akong asikasuhin kaya kailangan kong pumunta sa Pilipinas." Paliwanag ni kuya. Ang bilis naman? Kakaalis lang nya last week tapos darating na naman sya ulit?




"Talaga? Sige na. Aalis na ako. Bye kuya! Bye Alexander." At umalis na ako sa Office ni Alexander. Mukhang importante ang pag-uusapan nila.





Paglabas ko sa office nya, nakita ko na naman ang secretary nyang masungit. Mukhang busy sya.





Sa tingin ko, naramdaman nya ang presensya ko dahil napalingon ito saakin. Kumunot naman ang noo nya. Anong nangyari sa kanya?





"Anong tinitingin mo dyan? Pinalayas ka ba?" Aba't sumusobra na tong lalaking ito!





"FYI hindi ako pinalayas no. Umalis akong kusa. Sungit." Atsaka ako umalis ng company ni Alexander.




---------------------------

"UMALIS na ba sya?" Kaharap ko kasi sya ngayon sa laptop.





"Oo umalis na sya. Ano ba ang kailangan mo? Bilisan mo Butiki dahil may meeting pa ako!" Reklamo ko sakanya. Atsaka may meeting pa talaga ako niyan.






"Tungkol ito kay Cherry." Seryosong sabi nya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.





Anong meron tungkol kay Cherry?





"May utang ang tito namin ni Cherry sa isang kumpanya sa Ireland ---." Paliwanag niya pero pinutol ko ang sinabi niya.






"Oh tapos? Anong gusto mong gawin ko?" Ang bagal nyang magsalita kaya sumabat ako.





"Pwedeng makinig ka muna?" Galit na sabi nito saakin.






"Ano nga kasi yun? Ang bagal mo kayang magsalita!" Reklamo ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang sya.





"Si Cherry ang gagawin nyang pambayad. In short, Arranged Marriage. Hind pa ito alam ni Cherry pero sooner or later baka malalaman nya." Seryosong paliwanag niya.





Arranged Marriage? Nanlumo ako sa sinabi nya.






"At may nalaman ako. Ang kumpanya na pinagkakautangan ni Tito ay isa sa mga kumpanya na pagmamay-ari ng Ama nina Marielle at Michaella." Mahabang paliwanag nito. Kumpanya nina Tito Michael? Pero walang anak na lalaki si Tito?






"Walang anak si Tito Michael kaya sino ang taong magpapakasal kay Cherry?" Tanong ko sa kanya.







"Mali ka roon Alexander. May anak na lalaki sa labas si Michael. His name is Mikko Laverde. Iba ang surname nito kasi ang ginamit nya ay mula sa ina nito." Mikko Laverde? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya?







"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya?







"Gusto mo bang makasal sa iba si Cherry? Gusto mo bang ibang lalaki ang makakasama nya sa iisang bahay? Gusto mo bang manggaling sa ibang lalaki ang anak nya?" Sunod-sunod na tanong nito. Parang kumulo ang dugo ko sa sinabi nya.






"HELL NO! No way. I will stop that marriage." Sabi ko sakanya.







Ako lang ang may karapatan na makasal sa kanya.







Ako lang ang may karapatan na makasama sya sa iisang bahay.








Ako lang ang magiging Tatay ng Anak ni Cherry.







Ako lang ang tangging yayakap, hahalik at makasama nya.






At kung sino man ang Lalaking Miko na yun, ako ang sisira sa kanilang Kasal.






Because Cherry is for me only. She's mine.







Kung kailangan kong magbayad ng malaki ay gagawin ko para hindi mapunta sa walang kwentang lalaking yun.





Wait?





Humarap ulit ako kay Rieve ulit dahil may tanong ako sa utak ko.





"Hoy! Saan mo nakilala si Mikko na yun? Paano mo nalaman na may kapatid sa labas sina Marielle?" Takang tanong ko.





"Uso magpainvestigate paa. Try mo lang. Atsaka sinabi na rin saakin ni Michaella na may kapatid daw sila sa labas." Paliwanag nito. Tsk. Chismoso.






"Hoy alam ko yung iniisip mo! Hindi ako chismoso. Sadyang marunong lang akong makinig." Pagtatanggol nito sa sarili nya. Sige lang pagtanggol mo pa ang sarili mo! Chismoso ka parin.





"Ikaw ang linapitan ko dahil alam kong mahal mo si Cherry. Lalaki ako kaya alam ko ang meaning ng mga pinanggagawa mo. Yung mga damoves mo? Alam ko rin yan." Napatigil ako sa sinabi nya. Pagkita ko sa screen ay wala na sya.





Saka ko na pinatay ang laptop. Napaisip ako. Ano ang pwede kong gawin para hindi matuloy ang kasal.





Ano ang gagawin ko? Kailangan kong gumawa ng paraan dahil ayokong mapunta sa kahit na kanino ang Taong mahal ko.





Oo, tama si Rieve. Mahal ko si Cherry.


-------------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon