Chapter 14

47.9K 900 2
                                        


NANG makarating kami sa bahay ni Cherry, nakita ko syang mahimbing itong natutulog. Dahil ayaw ko naman syang gisingin, hinanap ko susi sa bag nya. Mabuti nalang ay naroon sa kanyang bag.


Binuksan ko muna ang gate, pagkatapos ay ang pinto. Nang masiguro ko na nakabukas na ang mga pinto saka ko binuhat si Cherry.



Pagpasok ko ay may nakita akong mga telang nagkalat sa sala at mayroong nakakalat na bote ng Coke, box ng pizza at balat ng .... marshmallows. Ang kalat sa bahay nya. Atsaka eto lang ba ang kinakain nya araw araw? Unbelievable!



Pagkarating ko sa ikalawang palapag, nakita ko agad ang kanya ng kuwarto at maingat na inilapag sa kanyang kama.



Tinanggal ko ang kanyang sapatos at maingat na nilagay sa ilalim ng kama. Sinigurado ko rin ba nakakumot sya nang maayos bago ako umaalis.



Hanggang pagtulog nya ay napakaganda nya. Ito ang panglimang beses ko syang nakitang natutulog. Pero bakit ganun? Bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya? Bakit hindi nakakasawang tignan ang kanyang mukha.


Hinawakan ko ang kanyang mukha. Ang kanyang mga mata kay sarap titigan, ilong na nakakadagdag sa kanyang kagandahan, at labing pilit kong nilalayuan dahil maaring ako ay maakit.



Shit! Kailan ako natutong magsalita na para bang nagtutula? Nangilabot tuloy ako sa iniisip ko. Kaya lumabas na ako sa kwarto nya.



Pagbaba ko ng hagdan may narinig akong mga ingay sa kusina nya, kaya tinignan ko kung ano ang ingay na iyon.



Pagkarating ko sa kusina nya, wala akong nakitang tao o hayop man sa kusina pero ang ikinagulat ko ay may boses mula sa likod ko ang bumungad saakin.


"Anong ginagawa mo sa bahay ni Cherry ko?" Biglang tanong ng lalaking nasa edad na 30 o mas bata pa. Cher--ry ko? Parang tagalog lang ng My Cherry na ginawa ko?. Sino ba tong hayop na to.




"Sino ka naman? What are doing here in My Cherry's House?" Tanong ko kabalik sa kanya. Sumama ang tingin nito saakin.




"Anong sabi mo? My Cherry? Pag-aari mo ba si Cherry para tawagan syang My Cherry?" Tanong nito muli saakin. Aba't sumusobra na ang lalaking ito.




"Oo pag-aari ko sya. Atsaka sino ka para tawaging Cherry Ko si Cherry? Pag-aari mo ba sya?" Tanong ko pabalik sakanya. Mukhang nainis na itong tuluyan. Akmang hahablutin nya ang kwelyo ko nang biglang may nagsalita sa likod namin.



"Kuya Rieve, ikaw ba yan? Ang ingay mo naman. Kahit nasa kwarto ako, naririnig ko boses mo." Natigilan ito ng makita nya ang presensya ko. "Alexander? Nariyan ka pala? Ikaw ba ang kasagutan ni Kuya Rieve? Hay nako! Patulugin nyo naman ako. Marami pa akong gagawin bukas." Sabi nito sa aming dalawa. Kinusot nya muna ang kanyang mata at pumuntang kusina para uninom ng tubig.



"Cherry ko! Namiss kita! Hindi mo man lang ako tinawagan o tinext. May pasalubong ako sayo tignan mo sa sala." Sabi naman ng lalaking hudas na to. Talagang kumukulo ang dugo ko kapag sinasabi nya ang Cherry ko.



Lumapit ako kay Cherry at hinarap sya saakin. "Sino sya Cherry? Akala ko ba wala kang kasama sa bahay? Sino tong butiki na to." Tanong ko sa kanya. Mukhang natauhan si Cherry dahil bigla nalang itong tumingin saakin at tumawa.



"Butiki? Bwahahaha kuya Rieve sinabihan kang butiki hahaha. Sasabihin ko to kay Tita Karen. " Natatawang banggit nito. Sino ba tong Rieve na sinasabi nya? Tumingin saakin si Cherry.



"Pinsan ko si Kuya Rieve, Alexander. Malapit ko syang pinsan." Sagot naman nya sa tanong ko kanina. Pinsan lang pala nya tapos ang lakas makatawag ng Cherry ko.



"What? Butiki? Itong Paa nato. Umaayos ka, kundi gigulpihin na kita ng tuluyan." Sambit naman ng pinsan nya. Ako? Paa?


"Alam mo butiki, ang paang ito ang papatay sayo kaya magtago kana." Mayabang na sabi ko sa kanya. Hinawakan na nang tuluyan ang kwelyo ko at akmang susuntukin ako pero dahil sa tawa ni Cherry, natigilan kaming pareho. Kaya tinignan namin sya.


"Bagay pala kayong dalawa hahaha. Mukhang Butiki tapos Mukhang Paa bwahahaha." Natatawang sambit ni Cherry. Tumatawa lang ng tumatawa si Cherry. Bakit parang nainsulto ang pagkalalaki ko?

"CHERRY!" Sabay na sambit namin ng pinsan nya.

Tumigil ito sa pagtawa at itinaas ang dalawa nyang kamay na para bang sumuko sya. Nang tumigil na ito sa pagtawa, biglang nagbago ang mukha nya ng pagtataka.

"Anong ginagawa nyong dalawa rito?"

------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon