Dahil suspended ang klase namin, mag-uupdate ako. Happy reading💕-----------------------
After 5 months . . .
September 18, 2017
Malapit na ang kaarawan ko. Oo, magbibirthday na ako. Ang bilis diba? 2 days from now. Hindi ako nagpaparty tuwing birthday ko dahil parang gastos lang yun saakin.
Nasa shop ako ngayon at kausap ang isa sa mga niresetang engineering ni Alexander saakin. Balak ko kasing magtayo nang panibagong shop pero this time sa Pampanga naman.
"Ayos naman ba ang mga materyales na gagamitin?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, Ms. Dela Monte. High quality ang mga materyales na aming ginagamit. At makaka-asa po kayo na maganda ng magiging kinalabasan ng shop nyo." Tumango ako sakanya at nginitian sya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.
Nagpa-alam na sya at umalis sa Office ko. Tinawagan ko muna si Alexander para magpasalamat. Pero parang ako pa ata ang nagulat dahil bigla nalang syang lumitaw sa pinto na nakangiti.
Goodmood ata sya? Yung ngiti nya kasi abot hanggang sa mata nya. Anyare dito?
"Cherry! I have a goodnews and a badnews." Sabi nito saakin. Huh? Goodnews and Badnews?
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Come with me first. Pupunta tayo sa Company ko." At hinila nya ako palabas ng shop. Pinagbukas nya ako ng pinto at sumakay narin sya.
Ah! Buti nalang naalala ko.
"Alexander thank you pala dahil sa engineering na nirecommend mo. " Pagpapasalamat ko sakanya.
"You're welcome, My Cherry" sabi naman nito.
----------------------
Pagkarating namin sa Office nya nakita ko rin si Kuya Rieve na nakaupo sa Sofa?
"Anong ginagawa mo rito Kuya Rieve?" Takang tanong ko sa kanya.
"Dahil namiss ko si Alexander. Bakit bawal?" Sabi ni Kuya Rieve.
"Yuck Kuya! Bakla kana pala ngayon!" Sabi ko sa kanya. Ang baliw nya talaga.
"Hell you're disgusting Lizard!" Ani naman ni Alexander. Napatawa na ako ng malakas sa dalawa nato. Akalin mo yun may chemistry pala silang dalawa. Gagawa nga ako ng Fanpage sa love nila. Papangalan ko ng "Rievander: The Love story of Lizard and Foot."
"Nagbibiro lang ako no! Bakit naman kita papatulan? Ang baho mo kaya." Sigaw naman ni Kuya. Mabaho si Alexander?
Mabaho sya? Kaya inamoy ko sya. Inamoy ko ang suit na suot nya.
"Mabango naman sya ah! Baka ikaw kuya Rieve ang mabaho! Bwahahaha amoy mo siguro ang naamoy mo." Sabi ko sa kanya. Mukhang napikon sya kasi tinaasan nya ako ng kilay.
"How dare you Cherry! Pinsan kita pero pinagkakaisan nyo ako! I hate you na!" Parang bakla talaga si kuya kasi pati sa way nya ng pagsasalita ay ganyan. Hay nako, epekto siguro to ng paglipat-lipat ng lugar na pimupuntahan nya.
"Shut up will you Lizard? Ang ingay mo!" Saway nito kay Kuya. Napatawa na talaga ako sa kanilang dalawa.
Nakaupo ako sa tabi ni Alexander tapos sa harap namin umupo si Kuya. Pag-uusapan daw namin ang Wedding party namin. Tama po ang pagkakabasa nyo, ikakasal kami ni Alexander kasi hinamon sya ni Tito Raven.
Kaya heto kami ngayon, nagpaplano kami ng kasal. At ang araw ng kasal na napili nila ay sa 20 na. Birthday ko that day. Ewan ko lang kung alam nila na Birthday ko that day. Pero napagkasunduan namin ay peke lang ang kasal namin.
Magiging engrande daw ang kasal namin dahil kay Alexander. Hindi papayag ang parents ni Alexander na simple lang ang kasal ng panganay nya.
Tungkol sa parent pala ni Alexander. Nakausap na namin sila at pumayag naman sila na ikasal namin. Actually, kahit na alam nilang peke ang magiging kasal namin, excited parin sila.
In two days, ikakasal kami.
In two days, titira na ako sa bahay nina Tita na mommy ni Alexander.
In two days, iisang kwarto lang gagamitin namin.
In two days, iisang kama lang hihigahan namin.
In two days, I will be Mrs. Montereal.
Pero bakit ganon? Kahit peke ang kasal namin, excited ako? At dahil peke ang kasal namin, nasasaktan ako?
Why oh Why?
Ano yung goodnews and Badnews na sinasabi ni Alexander kanina?
------------------------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...