Happy Reading💕---------------------
September 20, 2017
This is the day. My Wedding and Birthday. Ang ganda diba? Naexcite ako kasi makakasuot na ako ng wedding gown.
Maraming invited sa wedding namin. Mula sa mga business partners ni Alexander hanggang sa mga kamag-anak nya. Ang tanging nainvite ko lang ay sina Kuya Rieve, Ang secretary ko, at si Tito Raven.
Time Checked: 3:45pm
Nasa isang beach kami ngayon at sunset wedding ang napagplanuhan namin. Actually, ako ang nagrequest. One of my dream place for marriage.
Ang reception naman namin ay sa function hall ng hotel nina Alexander. Isang private resort kasi eto kaya kami lang nasa resort.
Nakasuot ako ng backless wedding gown pero long sleeve sya. Ako mismo ang nagdesign at pinatahi ni Alexander sa isang kilalang wedding shop sa America. May design ito na parang waves kasi inayon ko sa lugar. May beads na nakahalo sa mga waves.
"OMG ate Cherry! Ang ganda mo!" Sabi ni Drite.
"Mommy! Look! Ang ganda ni Ate Cherry!" Sabi nito sa mommy nya na bagong dating."Oh My! You're beautiful hija!" Napangiti ako sa sinabi ki tita. Mag-ina nga sila.
"Hon, malapit ng magsimula ang kasal lumabas na tayo. Is that you Cherry? You're gorgeous hija." Siya ang asawa ni Tita. Na daddy ni Alexander. Nasa ibang bansa daw sya at inaasikaso ang business nila. Siya rin ang maghahatid at kasama kong maglalakad sa aisle.
"Thank you po Tito."
"Call me Daddy from now on. And call her Mommy. You will be part of the family." Ang bait nya! Kabaliktaran din sya ng ugali ni Alexander.
"Salamat po Daddy." Tumango lang sya at nginitian. Saka nya hinila ang asawa nya at si Drina palabas.
Kahit peke lang ang kasal namin ni Alexander, kinakabahan parin ako. Paano kung nadapa ako? Paano kung natapakan ko ang gown ko? Paano kung hindi sumipot si Alexander?
Relax kalang Cherry. Nandon si Alexander. Hindi ka madadapa o matatapakan ang gown mo. Focus lang.
"Ma'am? Magsisimula na po ang kasal." Sabi ng wedding organizer namin. OMG! Kinabahan na naman ako.
Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko si Daddy ni Alexander na naka-abang saakin. "Are you ready, Hija?" Tanong nito saakin.
"Yes po Daddy." Magalang na sagot ko. Nginitian nya ako at binigay nya saakin ang bulaklak.
Nilagay nya ang kamay ko sa braso nya at sabay kaming naglakad palabas ng hotel.Inhale. Exhale
Inhale. Exhale
Inhale. Exhale
"Relax ka lang Hija. You'll do good and wish you all the best Cherry. Alagaan mo ang anak ko kahit masama ugali nyan, alagaan mo parin sya." Napatawa ako sa sinabi nya. Kahit si Tito inaaming masama ang ugali ni Alexander.
"Thank you Daddy. I will take care of him po." Sagot ko sa kanya. Nginitian nya ako nagstart ng mag lakad ang mga bisita namin.
Unang pinapasok ay ang mga abay sa kasal namin. Sumunod naman ang mga ninong at ninang sa kasal. Pumasok narin ang aking Maid of honor na si Maggie ang aking secretary. Ang Best man naman ay si Kuya Rieve.
Ang kambal naman na si Drite at Drina ay Flower girl namin at ring bearer.
Naglakad narin si Mommy ni Alexander.
Nasa entrance na kami ngayon at biglang nagbago ang kanta.
Now Playing: Frozen In time by James Collins
I can't believe my fantasy has finally come true,
God must have smiled upon me the day I met you,
You are the most beautiful in every way,
Everything you do and everything you sayNagstart na kaming maglakad ni Daddy at napunta ang atensyon ko kay Alexander. Oh God! He's so Handsome. The tuxedo that he was wearing was perfect for him.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Ano ba itong nararamdaman ko?
If I was ever frozen in time,
It wouldn't matter how when or why it would be,
As long as I knew that you were next to me,
Frozen in time for eternityHe's smiling. Nakikita ko sa mukha niya na nakangiti sya at nakatingin lang ito saakin na unti-unting lumalapit ako sa kanya.
I get so excited when I hold your hand,
And just the slightest touch sends me right to heaven,
I forgot to that it's supposed to feel like this,
You inspire my desire,
And showed me what I missed.Yung feeling parang nagslow motion ang lahat pati yung paglalakad ko ay parang slow motion din.
If I was ever frozen in time,
It wouldn't matter how when or why it would be
As long as I knew that you were next to me
Frozen in time for eternityNasa kalagitnaan palang kami nang biglang lumapit si Alexander saamin at kinausap ang daddy nya.
"Daddy pwedeng ako nalang ang maglakad sa kanya? Ang bagal mong maglakad daddy." Sabi nito at napakamot nalang sya ng ulo. Bigla naman syang binatukan ng Daddy nya na ikinatawa ng mga bisita nila.
As life goes on I pray I never take you for granted
From this moment on
I'll never let a single day pass without saying "I Love You"Pinabalik sya ni Daddy sa pwesto nya at wala syang ginawa kundi tawanan ang ginawa ni Alexander.
Nagsimula na kaming maglakad ni Daddy ulit at nung nakarating kami harap agad na kinuha ni Alexander ang kamay ko at nagpasalamat sa Daddy nya.
If I was ever frozen in time
It wouldn't matter how when or why it would be
As long as I knew that you were next to me
Frozen in time for eternityHinawakan nya ang kamay ko at marahang hinalikan. At bumulong sya sa Tenga ko na "Ang tagal nyong maglakad, kung ako yung kasama mong maglakad, kanina pa tapos ang kasal." Kinurot ko ang tagiliran nya sa sinabi nya. Minsan talaga hindi maispelingan ang ugali nito.
Hay naku~----------------------------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomansHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...