--------------------------------
"I Love you too My Alexander."
Matapos kong sabihin yun, napaluhod siyang bigla. Eh?
Tulala rin siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"You're so weak naman Kuya. Nag-I love you lang si Ate Cherry, nanlambot kana?" Lumingon ako sa nagsalita sa likod namin
It was Drina. Narinig niya ang binulong ko kay Alexander? Ang talas ng pandinig!
Biglang pumasok si Drite sa kwarto at galit ang expression nito. Anyare sa batang ito?
Kaya lumapit ako sa kanya at lumuhod para magkalevel ang height namin.
"Is there a problem Alexandrite?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot sa tanong ko.
"There's a witch in the living room. And the air in this mansion was already polluted because of that witch." Seryosong sabi ni Drite. Witch? Si Roselle ba ang sinasabi niyang witch? Si Roselle lang kasi ang nasa living room.
"Don't worry Bud, I'll send her away." Ani ni Alexander saka tumayo at nilagay ang cake sa kama namin. Lumapit ito saakin para halikan ako sa lips ng mabilis at lumabas.
Nakakarami na siyang halik ah!
"Can we eat this food Ate Cherry? Can I eat the cake and the chicken?" Ang cute ni Drina! Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
Ilang minuto lang ay bumalik si Alexander at may dalang milk at water. Ang bilis niyang napaalis ang witch!
"I already send away the witch bud and the air is now purified." Bungad na sabi ni Alexander. Nagthumbs-up ito at nagpatuloy sa pagkain ng chicken. Alexander just chuckled.
Yumakap naman si Alexander saakin at isinubsob ang ulo niya sa leeg ko.
"Problem?" Tanong ko sa kanya. Inangat niya ang ulo niya at humarap saakin.
"I need to go back to the Philippines. While the three of you need to stay in my other Grandma house. Nandoon sina Mommy at Daddy. Kailangan kong asikasuhin ang kumpanya sandali then babalik ako." Paalam nito saakin. Hinawakan ko ang pisngi niya at kinurot.
"Papayagan kita basta bumalik ka agad kasi mamimiss ka ng mga bata." Tumango ito saakin at niyakap ulit ako. Pero mas mahigpit na para bang ayaw niya akong bitawan.
--------------------------------------
Bago umalis ng bansa papuntang Pilipinas si Alexander, tinulungan niya muna kaming pumunta sa bahay este sa mansyon ng Lola din niya. As in Mansion talaga siya. Kasama na namin si Mommy at Daddy sa bahay.
Mahaba rin ang biyahe ni Alexander panigurado kaya pinaghanda ko siya ng pagkain at neck pillow. Ako ang nagempake ng damit niya kaya kumpleto.
"Cherry? Do you want to go to the mall?" Pag-aayaya ni Mommy saakin. Nakahiga kasi ako at nagtutwitter. Mall? Why not?
"Sige po Mommy, I'll go with you po." Pagsang-ayon at nagbihis agad.
Nagsuot lang ako ng isang mint green blouse at leggings para naman hindi mainitan si Baby sa tiyan ko. Hindi ako nagsuot ng mga accessories sa kamay at leeg dahil baka masakal si Baby.
Kasama namin si Drina, ayaw sumama ni Drite dahil magbabasa daw siya ng bagong biling libro niya na si Alexander pa ang bumili.
"Ate Cherry? Mommy? Sa Bank po tayo okay lang po? Ipapa-cash ko lang po yung cheque na binigay ni Daddy." Nagulat ako sa simabi niya. Cheque? Ibang klase talaga ang family nila.
Sinamahan na namin si Drina since kailangan din ng guardian bago makuha ng pera, 20,000 ba naman ang pera na nakalagay sa Cheque. Pang-shopping daw niya.
"I want to buy clothes for my pamangkin Mommy. Punta tayong Baby Charm Ate, Mommy." Napangiti kaming dalawa ni Mommy sa sinabi niya. Mukhang excited na ang batang ito sa pamangkin niya.
"Okay. We'll go to that shop pero you need to limit yourself on buying clothes for your pamangkin, understand?" Tumango naman si Drina at excited kaming hinila.
NAGING busy ang ginawa naming investigation sa kaso ni Roselle. Nasa Pilipinas na ako at kasalukuyang kausap ang forensic doctor na nag-autopsy sa kanya.
"May fracture siya sa mga braso at binti niya. Mayroong crack ang skull niya at nagkaroon ng damage ang ibang organs niya. It only means that she was tortured before dying." Mahabang paliwanag ng doctor saamin. Now that we know the truth, maaring si Roselle na nagpapanggap ang gumawa nito.
"We did an analysis about her time of death. We discovered that she was killed 10 days before she was rescued and we discovered this letter from her pocket with this picture." Saka nito inabot saakin ang isang picture with letter na nakatupi.
To my beloved Twin sister,
Even though you did this cruelty act on me, I will still forgive you. Even though you hurt me physically and emotionally, I will still forgive you. Even if you picked Alexander over me, I will still forgive you.
You are my twin, my only family and the only person who stayed by my side. If making you happy will hurt me this badly then I wouldn't mind the pain.
Ngayong wala na ako sa kinagagalawan mo, I will still be with on your side. I will still guide you and love you.
Rachelle, kung nababasa mo ang sulat na ito, nakaratay na siguro ako sa kabaong ko. This picture is my one and only remembrance to you. And I will cherish this forever.
Lahat ng ari-arian na naipundar ko ay nakapangalan sa iyo. Lahat ng meron ako ay ibibigay ko sayo. Sana ay maging masaya at makuntento sa kung anong meron ka. Alagaan mo ang sarili mo, my little sister.
-Truly Yours,
Roselle
Pagkakita ko sa picture, I saw two kids who look alike with each other. They are identical twins. This must be Roselle and Rachelle.
This Rachelle is a total crazy girl.
Is she the one who killed Roselle? Is she the one who tried to kill Cherry?
-----------------------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
Storie d'amoreHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
