Chapter 35

29.7K 593 10
                                    


AN: Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update dahil exam week na namin kaya na delay.

Sa mga nagtatanong kung kailan matatapos po ang storya nina Alexander at Cherry, malapit na po yun masagot😂😂😂

Maraming salamat po sa lahat💕 Godbless!😊

--------------------------


ILANG araw ko ng napapansin ang pagsusuka ko tuwing umaga pero tubig lang yung nailalabas ko.














Hindi alam ni Alexander ang nangyayari saakin dahil tuwing gigising ako ay wala na sya sa tabi ko.











Tinotoo nga ni Alexander ang gusto ko na tumira sa bahay ng Mommy nya. Nakalipat na kami nitong nakaraang araw lang. Ang saya ko nga kasi nakikita ko si Drite. Ewan ko kung bakit gusto kong nakikita si Drite lagi. Wala rin sa bahay si Daddy (daddy ni Alexander) dahil nasa ibang bansa sya. Bumalik na sya sa trabaho nya.














Nasa bahay lang ako lagi magmula noong lumipat kami dito dahil ayaw akong pumasok ni Mommy. Siya daw muna ang tutulong kay Maggie sa shop ko. Hindi na ako nakatanggi dahil kahit si Alexander ay ayaw akong pagtrabahuhin.













Pagpunta ko sa kusina, nakita ko si Mommy na naghahanda ng Meryenda para sa mga bata. At dahil nasa school sila, ihahatid lang ito sa school nila.














Kumain na kaya si Alexander? Kung kaya pagawa ko rin sya ng makakainan tapos ako yung maghahatid? Tama! Yun nalang ang gagawin ko.














Kaya lumapit ako kay Tita at umupo sa harap nya.











"Mommy, pwede po bang paggawa nyo rin si Alexander ng Meryenda?" Nakuha ko naman ang atensyon ni Mommy at nginitian nya ako.












"Sige Cherry. Ayaw mo bang ikaw nalang ang maghatid sa mga baon nila?" Tumango naman ako bilang sagot.














"Sige po Mommy. Magbibihis lang po ako sandali."












Agad akong umakyat para magpalit ng damit.
Ang suot ko lang ay isang plain white t-shirt at short at pinares ng rubber shoes.














Pagbaba ko kinuha ko agad yung mga baon ng mga bata at baon ni Alexander. Mabuti nalang ay may driver kaya nasa backseat lang ako.














Pagdating namin sa school ng kambal, naka-abang sila sa gate. Tumigil ang sasakyan sa harap nila kaya bumaba ako para makita sila.












"Drina, Drite! Heto na yung meryenda nyo." Saka ko inabot yung mga baon nila. Kinuha naman nila yon at nagpasalamat.












Ang cute talaga ni Drite!! Gusto kong kurutin ang pisngi nya. At ayan na nga, hindi ko natiis ang kagustuhan ng isip ko dahil kinurot ko ang mga cute na pisngi ni Drite.











"Ate Cherry, ouchh." Nakonsensya ako bigla kaya binitawan ko ang pisngi nya. Hinaplos nya naman yun at nagpaalam na sila saakin para bumalik sa klase nila.





------------------------



Pag-akyat ko sa floor ng office ni Alexander, bumungad saakin ang secretary nya.













"Mrs. Montereal, nasa meeting po ang asawa nyo. Maghintay nalang po kayo sa office nya." A-sa-wa? Kay sarap namang pakinggan sa tenga. Sinabayan pa ng Mrs. Montereal.














"Kakapasok nya palang ba sa meeting." Tanong ko sa kanya.











"Hindi po. Kanina pa po sila nagmemeeting. Patapos na rin po sila nyan maya-maya." Tumango nalang ako sa kanya at nagpasalamat saka pumasok sa office nya.














Wala paring pinagbago ang office nya. Dry parin para saakin. Kung kaya idesign ko ito? O kaya ayusin ko? Black ang kulay ng office nya. Masyadong madilim para saakin.



















Umupo muna ako sa swivel chair nya para ipahinga ang mga legs ko. Ang tagal ko din nakatayo ah.

















Pagtingin ko sa picture na nasa desk nya, parang namula ang mukha ko. Picture namin ng kasal ang nandun.













Sakto naman ang pagpasok ni Alexander sa opisina nya. OMG! Bakit ang gwapo nya? Tinanggal nya ang coat nya at ipinatong sa sofa.













"My Cherry? What are you doing here?" Lumapit siya saakin at hinalikan ang noo ko. Wahhh!!!! I'm so kinikilig!













"Pinagdala kita ng pagkain mo. Meryenda na ito kung tutuusin." At pinakita ko sa kanya ang lunch box na dala ko.

Hinila nya ako patayo at marahang hinila para yakapin ako. Hmmm, ang bango nya.














"Okay. Let's eat, shall we?" Tanong nito saakin at tumango lang ako bilang sagot.












Ang galing nga sa loob ng office nya dahil may dinning table dito pero good for two lang, may mini-kitchen, mayroon syang kabinet ng mga cd, tapos mayroon syang kabinet para sa mga business suits nya. Parang bahay na pala amg office nya. Kulang nalang dito ay higaan. Ang sarap sigurong tumambay dito.












Pagbukas ko ng lunch box, ay parang may naamoy akong napanis na pagkain. Nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo ay parang gusto kong masuka kaya dumeretso ako sa CR para ilabas yun.















Naramdaman ko ang paghawak ni Alexander sa buhok at hinagod ang likod ko.














Ang sakit ng ulo ko! Bigla nalang sumakit na para bang kinukurot.

















Bigla ko nalang din naramdaman ang pagbigat ng mga talukap ko. Parang unti-unting nanlalabo ang paningin ko at naging itim nalang ang lahat...


----------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon