Chapter 24

34.4K 680 4
                                    


----------------------------------

"CARE to Explain?" Tanong ko sa dalawa.




Nasa Ireland parin kami at nasa may living room ng suite na tinuluyan namin.





At kausap ko ang dalawang lalaki na si Alexander at si Kuya Rieve.






"Ganito kasi yan Cherry, ako ang nagplano about sa ginawa ni Alexander. Sinundan lang nya ang utos ko." Paliwanag naman ni Kuya. Pero bakit hindi man nila pinaalam saakin?







"Bakit hindi nyo sinabi saakin about sa nangyari? Bakit hindi nyo sinabi saakin about dun sa arranged marriage?" Tanong ko kay Kuya.






"Kasi hindi ka nagtanong kaya paano mo malalaman?" Bigla ko syang sinapok dahil sa sinabi nya. Namimilosopo kasi sya.






"Paano ako magtatanong kung ayaw mo namang sabihin aber?" Balik na tanong ko sa kanya. Napatawa lang sya at itinaas ang kamay nya na para bang sumusuko.






"Ganito kasi yan, sinabihan ko si Paa este si Alexander about sa arranged marriage na yun at gumawa ng plano para mapigil yun. Dapat nga magpasalamat ka saamin dahil napigilan ang arranged marriage na yun." Sabi ni Kuya.







"Thank you ha Kuya? Nakakahiya naman sayo kasi tinulungan nyo ako." Sarcastic na sabi ko. Nag-thumbs up lang sya saakin at napailing nalang ako. Minsan talaga iniisip ko na baka takas sa mental si Kuya Rieve.





"Paano na yan nyan? Nag propose si Alexander saakin? Paano kung malaman ni Tito na pinagplanuhan lang natin yun?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Problema na naman kasi ang ginawa nilang dalawa.




"Alam kung mangyayari yan kaya nagready agad ako. Magkakaroon kayo ng engagement party at syempre palabas lang ang lahat ng yun. Kung hindi parin sya tumigil, idederetso na natin sa kasal. Fake Marriage to be exactly." Paliwanag naman nya. Engagement Party? Kasal? Ang advance naman nilang mag-isip.






"Sumang-ayon ka naman Alexander?" Tanong ko kay Alexander. Tahimik lang sya na nakikinig saamin ni Kuya Rieve.







"Yes, pumayag ako. Why not? Alam mo namang para sayo ang ginagawa ko." Sagot naman nya.


Dug. Dug. Dug


Dug. Dug. Dug.





Dug. Dug. Dug.





Huminahon ka muna puso.







"Thank you Alexander." Nginitian nya lang ako at he mouthed ' Anything for you'
Tumango nalang ako.






"Ang unfair mo talaga Pinsan! Nung nag thank you ka saakin may halong sarcastic tapos yung kay Paa may sincere yung Thank you? Discrimination yan Pinsan! Nilalabag mo ang karapatang Pantao ko!" Biglang reklamo ni Pinsan. Para syang baliw.





"Sige nga, Alin sa mga Karapatang Pantao ang nilabag ko?" Tanong ko sa kanya.




Napakamot nalang sya ng ulo nya na para bang nag-iisip. Tumatawa ako sa isip ko dahil kapag nakita nya yun siguradong magtatampo sya saakin.






"Basta! Nilabag mo parin ang Karapatang Pantao ko!" At padabog na umalis sa living room. Nakita ko namang tumatawa si Alexander.






Napatitig ako sa mga labi nya. Those lips are inviting me.






OMG! Layuan mo ako tukso!





Iniwan ko si Alexander sa Living room at pumuntang kusina para uminom. Pero hindi ko napasin na sumunod pala saakin si Alexander. Hinila nya ako at pinangko nya ako sa pinto ng ref at hinalikan. Nararamdaman kong ang mga kamay ni Alexander ay nasa bewang ko at idinidikit nya ang katawan ko sa katawan nya. Nagsisimula narin nyang iginagalaw ang mga labi nya nang biglang . . .






"Hoy Paa! Engaged palang kayo hindi pa kasal kaya itigil mo na yan!" Biglang sigaw ni Kuya. Napatigil naman kami ni Alexander at tumingin sya saakin.






"Istorbo talaga ang Butiki na yun. Kapag ako nabwisit, paalisin ko sya sa bansang ito." Bulong na sabi nya saakin. Tinawan ko lang sinabi nya.








At bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Magbihis ka Cherry, mamasyal tayo." At kinuha ang boteng may tubig na hawak ko at ininum nya ito.







"Ang bastos mo! Sa tingin mo wala akong damit?" Sabi ko sakanya.






"That's not what I mean, Silly" Umiling lang ito saakin at iniwan ako. Pero hindi nakatakas saakin ang sinabi nya. 'Mag-pinsan nga kayo'





Akala ba nya hindi kami magpinsan?

------------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon