-----------------------------------
Paggising ko parang nakaramdam ulit ako ng sakit. Kaya naman dahan dahan akong tumayo pero pagtayo ko, may tumagos na tubig sa legs part ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid ng kwarto na ito para tignan kung may kasama ako. Nandyan sina Mommy, Daddy, ang kambal, pati si Alexander pero lahat sila ay tulog. Manganganak na ako pero tulog lang sila?
Kailan pa naging puti ang kwarto ko? Pagtataka ko lang kasi alam kong nasa car seat ako ng makaramdam ako ng pagkahilo.
Aray... Ang sakit ng tiyan ko. Tapos tulog pa naman ang mga tao sa kwarto. No choice, kailangan ko ng mag-ingay.
Huminga muna ako ng malalim bago sumigaw.
"ALEXANDER! KAPAG HINDI KA PA TUMAYO, I SWEAR! LALAYASAN NA TALAGA KITA!" Sigaw ko. Napatayo naman si Alexander bigla at nagpanic. Naririnig ko rin siyang nagmumura ng mahina saka lumapit saakin.
Binuhat niya ako saka inupo sa wheel chair. Babies, wag nyo naman pahirapan si Mommy. Masakit ang ginagawa niyo.
Dinala ako ni Alexander sa... Emergency Room? Nasa ospital na kami? Ang bilis naman.
"Nasaan si Dra. Montecruzen? Call my cousin now or else, I'll burn this hospital." Pananakot ni Alexander sa nurse na nasa ER. Pati ba naman dito, pagaganahin niya ang pagiging bossy niya.
Kaya naman hinila ko ang manggas niya para kunin ang atensyon niya.
"Alexan--der, pala-basin mo na ang mga a-nak na--tin. Ma--sakit na tala--ga." Nahihirapan narin akong magsalita ng tuwid dahil sa sakit.
"TAWAGIN NIYO NA SI DRA. MONTECRUZEN! KAPAG WALA PANG KUMI---"
"I am here couz, don't need to shout. Nabubulagbog ang mga pasyente dito." Sabi ng babae
"Great! Manganganak na ang asawa ko, please keep my wife safe." Akalain mo yun, lumilitaw talaga ang pagkapusong mamon ni Alexander. Ang lambot ng boses.
----------------------------------
NANG ipasok sa delivery room si Cherry, bigla na naman kumabog ang dibdib ko. Sh*t! Kinakabahan ako!
Dumating sina Mommy at Daddy saka ako binigyan ng ngiting nagsasabing 'Be strong'. I am really blessed to have this wonderful people. Even if walang kwentang kausap si Reive, kahit na walang patutunguhan ang pag-uusap namin ni Drina, kahit na sumusumpong ang kasungitan ni Drite, kahit maging pipe si Clein, I am still blessed to have this people. My family, and of course, my wife.
Keep my family safe, God.
Cesarian ang nirecommend ng pinsan ko kay Cherry dahil kambal at hindi maayos ang kanilang mga position sa tiyan niya. Pero sana umayos ang lagay nila.
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
