-------------------------------
BUSY akong naglilinis ng biglang tumawag si Tito Raven saakin. Asking me if pwede ko siyang i meet dahil may importante siyang sasabihin saakin. Hindi na ako tumanggi at makikipagmeet sa kanya.
5:00pm ang meet-up namin sa isang coffee shop na kaharap lang ng botique ko.
Pero hindi ko na sinabi kay Alexander ang tungkol sa meet-up na yon dahil baka hindi niya ako payagan. Alam kong hindi sila good-terms sa isa't isa. Knowing Tito is a pride man. Hindi siya marunong magsorry.
Mabuti nalang ay nasa trabaho si Alexander at wala si Mommy dahil kailangan niyang asikasuhin si Daddy sa ibang bansa. Ako ang nag-aalaga sa mga bata ngayon pero nasa school sila.
Pinagdala ko ng cupcakes si Tito Raven dahil pasalubong ko sa kanya yun.
-
Pagdating ko sa coffee shop, nakita ko siyang naka-upo at kinakalikot ang phone niya. Nang makita niya ako, tumayo siya at pinuntahan ako para i guide papunta sa table namin.
Inabot ko kay Tito yung dala kong cupcake sa malugod niya namang tinanggap na ikinasaya ko.
"Hindi ko na patatagalin to Hija pero hindi ako pinapatulog ng konsensya ko." Seryosong sabi ni Tito. Medyo nagulat ako at kinabahan sa sinabi niya.
"Ano po yun Tito?" Kabado kong tanong. Uminom muna siyang coffee na inorder niya at saktong dumating ang order kong strawberry with banana shake.
"Hija alam kong masaya kana kay Alexander at alam kong magkakababy na kayo, ayokong may mangyaring masama sayo at sa apo ko. Gusto kong lumayo kayo dito sa siyudad na ito dahil may nagbabantang papatay sayo at sa baby mo. Ako na rin ang magsasabi kay Alexander tungkol dito. Gusto kong lumayo muna kayo rito bago niya simulan ang plano niya." Mahabang paliwanag nito na ikinagulat ng buong sistema ng katawan ko. Sino naman yun? Bakit niya ako papatayin? May nagawa ba ako sa kanya?
"Tito paano niyo nalaman yun? How did you know na papatayin niya ako?" Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Tito.
"Nakipagsabwatan ako sa kanya. Pero hindi kinaya ng konsensya ko dahil sa apo ko." Pag-amin niya. I was shocked for a moment dahil sa sinabi niya.
"But why Tito? Bakit ka nakipagsabwatan sa kanya?" Galit na tanong ko sa kanya.
Nagagalit ako dahil may taong gustong pumatay saakin. Nagagalit ako dahil pati anak ko ay maaring madamay. Sa sobrang galit ko, umiyak lang ako. Iniyak ko yun kahit gusto kong magwala, itapon lahat ng nakita kong bagay, at sumigaw pero hindi ko magawa dahil ayaw kong irisk ang buhay ng baby ko.
"Umalis na tayo dito. Nakapaligid na sila rito before it's too late." Aniya. Kaya umalis na kami at pinasakay ako sa kotse niya.
--
Dinala niya ako sa bahay ni Kuya Clein. Pagbukas ng pintuan niya, nakita kong naka-upo si Alexander sa sofa. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?
Bigla naman siyang tumakbo palapit saakin at niyakap ako. Alam niya na ba ang nangyayari?
"Pupuntahan natin si Daddy sa ibang bansa. Doon muna tayo habang hinuhuli ang mga taong nagtatangka sa buhay mo." Aniya. Ang bilis ng balita. Pero paano ang mga bata?
"Sina Drite at Drina paano?" Tanong ko sa kaniya. Ginabayan niya ako sa pag-upo. Nilapag naman ni Kuya Clein ang mga pagkain sa mesa na kaharap ko.
"Isasama natin. I will send a letter to their school na mag-aabsent ang kambal pero mag-aaral sila through online para hindi sila mahuli sa lesson nila." Mabuti naman kung ganoon. Kung kasing maiiwan sila ay delikado baka sila ang targetin nila.
"Sige. Kai-asdfgh-lan tacyo aalis?" Tanong ko habang kumakain ako. Nginitian niya ako at pinunasan ang bibig ko.
"Mamayng gabi. Pinaayos ko na ang nga papel natin pati ng mga bata. Kailangan muna nating siguraduhing safe ka at ng mga bata." Tumango-tango ako sa sinabi niya dahil hindi ako makasagot dahil puno ang bibig ko ng pagkain.
"Silly." Saka ako hinalikan sa ulo at iniwan para kausapin si Tito.
Naexcite ako sa mga nangyayari dahil ganito yung mga nababasa kong story sa Wattpad. Yung may mga kontrabida na gustong humadlang saamin o kaya ay gusto kaming patayin. Ang taray lang kasi mararanasan ko rin pala ito.
"Kami na ang bahalang hanapin sila Pinsan. Kami ni Kuya mo ang hahanap sa kanila para sa kaligtasan ng pamangkin ko." Kuya Rieve was assuring me. Which is nagiging effective dahil nakampante ako.
"Thank you kuya." Pagpapasalamat ko sa kanya. At niyakap siya.
Malalampasan namin ito kasi kagaya sa ibang story sa wattpad naoovercome nila ang mga problemang dadaan sa kanila.
--------------------------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomantikHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
