Dahil tapos na ang exam namin at sembreak na, mag-uupdate ako ngayon. I just want to say thank you to everyone who supported this story and reading it till the end. Sana magustuhan niyo ang Epilogue 💕💕 Salamat and Lovelots!
---------------------------
After 5 months...
"What? Postpone ang kasal natin? Bakit? Why?" Tanong ni Alexander. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ba niya nararamdaman?
"Please tell me my wife. Bakit ayaw mong ituloy ang kasal? Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong niya ulit. Napaupo nalang ako sa sofa. Ang drama naman niya.
"Alexander, Hindi ko na kayang maglakad ng matagal dahil kabuwanan ko na. Lalabas na ang kambal anytime. Atsaka pwede ba yun? Mahal na mahal kaya kita." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Kaya napailing ako at tumayo para pumuntang kusina.
Ang hirap palang magbuntis noh? Ang bigat ng katawan ko tapos ang hirap maglakad. Ang daming pang bawal. Last na tong pagbubuntis ko. Hindi na uulit si Alexander I swear.
"Okay, okay, okay. After mong manganak, dun nalang tayo magpakasal. Deal? Wala na tong urungan." Saka ako hinalikan sa pisgi at umalis sa kusina. Ang sweet ng asawa ko.
Oo, asawa ko. Nang nalaman kong hindi pala peke ang kasal namin ni Alexander na dapat ay fake lang, nagalit ako syempre pero dahil nilambing niya ako ng pagmamahal niya, napatawad ko naman. Atsaka okay lang naman saakin dahil magkakaanak na kami. Gusto kong mabigyan ng kumpletong pamilya ang magiging anak namin.
Natatawa nga ako kapag binabalikan ko ang scene na yun eh. Umiyak siya sa harap ko dahil nilihim niya yun tapos akala niya ay iiwan ko siya kaya ayun, umiyak siya.
*Flashback*
"I'm sorry My wife. Hindi ko naman sinadyang ilihim yun sayo. I was desperate to make you mine so I didn't fake it. I just love you so much." Paliwanag ni Alexander pero hindi ako kumibo. So totoo nga na kasal talaga kami?
"Cherry..." Hindi parin ako kumikibo pero nakakunot na ang nga noo ko sa kanya. Parang any moment lang ay magagalit na talaga ako sa kanya pero nagpipigil lang ako.
Bigla itong lumuhod saakin at yumuko. Sa pagbigla ko sa ginawa niya, napa-upo rin ako sa harap niya. Pagtingin ko sa mukha niya, umiiyak siya. UMIIYAK SIYA? Kaya naman hindi ko na matiis. Mahal ko eh. Pinunasan ko kanyang mukha gamit ang kamay ko. Bigla naman niya akong hinila at niyakap.
"I'm sorry Cherry. Please don't leave me. Hindi ko kayang mawala ka saakin. Baka mabaliw ako kapag nawala ka saakin." Mahinang sabi nito habang umiiyak parin. Pero dahil sa pagbubuntis ko, naiyak nalang ako sa sinabi niya.
"Mahal na mahal kita Cherry pati ng mga baby natin. Please don't leave me. Hindi ko kaya. Masyado kitang mahal baka ikabaliw ko ang pag-alis mo."
"Sinong nagsabing aalis ako?" Tanong ko sa kanya. Napaangat naman siya ng ulo saakin at ngumiti saakin. Ang babaw naman ng kaligayahan nito.
"Sinong aalis?" Biglang may nagsalita sa likod namin. Si Kuya Reive lang pala.
"Aalis ka ba Pinsan?" Tanong ni kuya Reive. Kahit kailan talaga panira ng moment to. Pasalamat siya pinsan ko siya kung hindi ay pinalayas ko na siya sa mansion nato.
Bigla namang tumayo si Alexander at dahan-dahan akong tinayo saka binuhat na parang bagong kasal lang kami saka iniwan si Kuya Reive.
Wow ah! Parang wala man nangyari dahil dinala niya ako sa kwarto namin sa hiniga ako dahan-dahan saka tumabi saakin sa paghiga.
Niyakap niya ako ng mahigpit. At hinalikan sa noo. Saka nito pinikit ang mga mata niya. Grabe siya. Pagkatapos ng mga sinabi niya saakin ay tutulugan niya ako? Wow!
*Flashback ends*
Akmang aabutin ko yung pagkain sa ref nang makaramdam ako ng kirot sa tiyan ko.
Napaupo ako sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit! Alexander kasalanan mo ito! Dahil hindi ko na matiis ang sakit, sumigaw na ako para humingi ng tulong.
"AHHHH! ALEXANDER! ANG SAKIT! TULUNGAN MO AKO ALEXANDER!" Sigaw ko. Mabuti nalang may nakarinig saakin dahil biglang tumakbo papunta saakin si Yaya.
"Ma'am, ayos lang po kayo?" Tanong niya saakin. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit mabuti nalang ay dumating si Alexander.
"Wife, what happened? Sh*t! Yaya, get my car key and call Mommy." Utos nito kay yaya at binuhat ako palabas.
"Relax my Wife. Makakarating din tayo sa ospital." Paano ako makakarelax sa sakit na nararamdaman ko?
"ALEXANDER! I swear hindi kana makakaulit saakin. D*mn ang sakit!" Sigaw ko. Nakita kong nagpapanic siya habang pinapasok ako sa kotse niya.
"Alexander nasaan si Cherry?" Bungad na tanong ni Mommy. Agad naman napansin ni Mommy ang situasyon kaya tinawag niya si Daddy para siya ang magdrive. Mabuti nalang onleave si daddy kasi alam nilang kabuwanan ko na.
"Honey! Manganganak na si Cherry!" Biglang sigaw ni Mommy at kumaripas ng takbo si Daddy papuntang driver's seat. Sumakay naman sa passenger seat si Mommy.
Lord sana safe ang pagdadrive ni Daddy.
Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, unti-unting bumibigat ang mga talukap ng aking mata.
---------------------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
Roman d'amourHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
