7:30pm
NASA China kami ngayon. Gaya nang napag-usapan sinama nila ako. Walang problema sa pag-aasikaso ng papel ko dahil nandyan si Alexander at naka private plane kami.
Nakasuot ako ngayon ng isang Black mermaid gown. Pero longsleeve ito at kita ang likod ko. Isa ito sa mga dinesign ni Maggie na may theme na "sexy pero hindi bastusin"
Gaya rin nang sinabi ni Alexander, nasa tabi ko lang sya at nakapalibot ang kamay nya sa likod ko. Kahit may kausap ito, hindi nya parin niwawalang bahala ang presensya ko.
Mayamaya lang ay may lumapit saamin na mga matatanda na nasa edad na 50 to 60. Halatang mga business man sila.
"Mr. Montereal! Its great to see you here! Oh! What a beautiful lady you have beside you." Napabaling ang atensyon nito saakin. Tinignan ko si Alexander.
"Its great to see you too Mr. Lacson. This lady beside me is my date for tonight." Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Ano ba tong nararamdama ko?
"By the way Mr. Montereal, I want you to meet my son William Lacson." Pakilala naman ng matanda sa anak nya kay Alexander. May magandang lahi pala ang matanda. Kay gwapong lalaki.
"Do you want me to kill him My Cherry? Just stare at me. Your eyes should look at me only. If you want to see him die, don't look at him." Pasimpleng bulong saakin ni Alexander. Parang naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Tinanggal ko ang tingin ko kay William at binaling ang tingin ko sa pagkain.
Nakaramdam ako ng gutom bigla kaya tinanggal ko ang kamay ni Alexander na nakapalibot sa bewang ko. Akmang aalis ako ng pinalibot nya ulit ang kamay nya sa bewang ko.
"Where are you going?" Tanong saakin ni Alexander. Ngumiti muna ako sa kausap nya bago ako sumagot sakanya.
"Nagugutom na ako Alexander. Hindi ako kumain ng merienda dahil alam ko may pagkain dito. Masakit narin yung paa ko. Upo muna tayo at kumain." Ngumiti ito at tumango. Bakit ang gwapo nyang nakangiti? Saka ito tumingin sa kausap nya.
"I'm sorry Mr. Lacson but We need to go now. My date is already starving. Excuse us." Tumango nalang si Mr. Lascson at umalis sa harap namin.
Buti nalang may nakareserve na upuan si Alexander kaya umupo na kami. Sya narin ang kumuha ng pagkain ko dahil masakit na ang paa ko.
Nakita ko naman si Kuya Rieve sa isang side na may kausap na babae. Tsk. Buti nalang sumama ako kay Alexander baka mabored lang ako kapag kasama si Pinsan.
Saktong dumating si Alexander saka may nagsalita sa stage.
"Good Evening everyone! I would like to thank all of you for coming to this party. And I, Mr. De Lavine would like to thank personally Mr. Alexander Montereal for helping and supporting our company. Enjoy the party everyone and thank you again." Napaharap ako kay Alexander. Tahimik lang itong kumakain. Akalain mo yun, kilalang kilala talaga si Alexander.
"Alexander? Akalain mo yun minention ka ni Mr. De Lavine sa harap. Sikat ka na!" Kumunot ang noo nya sa kinabi ko. Bakit? Ano bang nasabi kong masama?
"Matagal na akong sikat Cherry, hindi lang sa China kundi sa ibang parte pa ng mundo dahil sa business ko. At isa rin akong stockholder sa mga ibang company." Sabi naman ni Alexander. Wow! Dinaig pa nito ang artista sa kasikatan nya.
Maya maya lang ay lumapit saamin si Kuya Rieve at may kasamang babae.
"Pinsan, I want you to meet someone. She is my friend from my work. Her name is Michaella. " Pakilala saakin ni kuya sa kanyang 'friend' kuno. Infairness ang ganda nya.
"Micha, meet my Cousin, Cherry and his friend Alexander." Ani naman ni Kuya ulit pero kaharap ang kaibigan nya.
Makikipagkamayan na sana ako sakanya pero hindi nya ako pinansin dahil nakay Alexander ang atensyon nya. Eh?
"Alexander? It's you? My twin sister missed you so much! I am so happy right now! Ang I guess my sister will feel the same thing too." Excited na sabi nya. May kakambal pala sya? Siguro maganda rin yun.
"Please cut it off will you Ella? That was in past now. Please tell your sister to leave me alone." Kalmado pero may diin ang bawat bigkas ni Alexander.
"Umaayos ka nga Alexander! Sumusumpong na naman ang kasungitan mo no!" Eto talaga! Hindi ya kayang kontrolin ang sarili nya. Ang sama ng ugali.
"Atsaka sino yung sister nya?" Tanong ko kay Alexander.
"Are you Alexander's Girlfriend?" Napatahimik ako bigla sa tanong nya saakin. Tumingin ako kay Alexander at nakita ko syang tumingin din sya saakin.
"Do my sister know about this Alexander?" Tanong nya ulit pero para kay Alexander naman.
"Why does she need to know? And why do we need to answer those d@mn question?" Hala nagalit na nga sya. Kaya hinila nya ako palayo sa kina kuya Rieve at kay Michaela.
Dinala nya ako sa rooftop ng venue at sinandal nya ako sa pader. Nilagay nya ang kanyang kamay sa magkabila kong braso at unti-unting lumalapit ang kanyang mukha. Pinagdikit nya ang aming mga noo at nakita ko sa kanyang mga mata ang galit at inis. Pinikit nya ang kanyang mga mata.
"My Cherry, Please distract me. Help me, My Cherry. I need a distraction. I want you to do something to distract me."
----------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
