Happy 4k views guys 💕
---------------------------------
NAKAUWI na kami galing Ireland dahil natatambakan na ng trabaho si Alexander. Si Kuya Rieve naman pumuntang Paris.
Nasa Office ako ni Alexander dahil pinapunta nya ako. Ang dating secretary nya ay bumalik na rin. Wala na ang masungit nyang pinsan dahil tapos na ang internship nya.
Nakaupo sya sa chair ng table nya while ako naman ay nasa sofa kung saan umuupo ang mga visitor nya.
"Cherry? What if itinuloy parin ng Tito mo ang Arranged marriage? Paano kung napilit nya si Tito Michael?" Biglang tanong nya saakin. Paano kay kapag natuloy nga?
"Papayag kabang makasal ako sa hindi ko naman mahal? Diba hindi? Kaya kung ituloy parin ni Tito ang kasal nayun, gagawa ka naman ng paraan diba? Atsaka tutulong ako na hindi matuloy yun." Paliwanag ko sa kanya. Nginitian nya naman ako at lumapit sa sofa kung saan ako nakaupo.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug
Ayan naman ang puso ko. Ang bilis ng tibok nito at parang kinakabahan ako. May sakit naba ako? Itatanong ko nga kay Kuya Rieve kung anong sakit ang meron ako.
Umupo sya sa tabi ko at hinawakan sa pisngi. Ang init ng palad nya.
"You're right. I won't let that happen. You know your mine right?" A-no daw? Your mine right? Ginagawa nya ba akong pamamay-ari nya??
Bakit parang namula ang mukha ko at dahil dun, iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Pero hinuli nya ang mukha ko at biglang hinalikan ako ng mabilis.
"Bakit ka ba ganyan?" Bigla nalang kasi syang nanghahalik. Nakakinis na kasi eh. Hindi pa naman ako naoorient kapag ginagawa nya yun. Nagkibit balikat lang sya at bumalik sa table nya.
Tsk. Tsk. Tsk. Tsk.
Minsan nga ako ang unang hahalik sa kanya. Yung hindi sya na orient na hahalikan ko sya para fair.
Omo! Ano ba itong iniisip ko?
------------------------
Pagdating ng lunch, kumain kami ng sabay sa office nya at ganon din sa hapunan.
Ayaw nya nga ako paalisin kasi tuwing sinasabi kong aalis na ako, tinatakot nya ako. Sinasabi nya na 'Kapag umalis ka, sasabihin ko sa Tito mo na peke lang ang lahat.' At ang kinalabasan ay wala akong magagawa kundi magstay.
10:30pm
Alexander's Mansion
Nasa pamamahay ako ni Alexander at kausap ko ang Mommy nya. Dito na daw kasi ako matulog dahil madami namang kwarto. Kaya ang kinalabasan rin ay wala akong nagawa dahil ayaw akong paalisin ni Tita.
"Musta naman ang pagpunta nyo sa Ireland?" Tanong ni Tita.
Nasa kusina kami ni Tita ngayon at kasalukuyan syang nagbabalat ng mansanas
"Masaya naman po kahit papaano kasi po nilibot po ako ni Alexander dun. Kumain po kami sa mga iba't ibang restaurant." Kwento ko sa kanya. Tumango lang sya na para bang kuntento sya sa narinig nya.
"Pinabayaan kaba ni Alexander dun? Iniiwan kaba nya?" Tanong nito ulit saakin. Pinabayaan nya ba ako? Hindi naman. Iniiwan nya ba ako? Hindi rin.
"Hindi naman po Tita. Hindi na nga po ako nilubayan ni Alexander tapos po kapag nawala lang po ako sa paningin nya ng limang minuto, tatawag po sya ng security." Natatawang sagot ko sa kanya. Ginawa kasi akong bata ni Alexander. Agad nya akong hinahanap.
"Mabuti naman kung ganoon. Kasi kung iniiwan ka nya, lagot talaga sya saakin." Sabi ni Tita. Natawa nalang ako.
"Ma naman. Hindi ko naman gagawin yun." Biglang sabi ni Alexander sa likod namin. So nakikinig pala sya saamin. Ang Chismoso naman this guy.
"Aba dapat lang. Kasi kung ginawa mo yun sa soon-to-be daughter-in-law ko, mayayari ka talaga saakin. Ipapatanggaal ko ang mana mo." Pananakot sa kanya ni Tita.
Daughter-in-law? Tinignan ko si Alexander. Yung tingin na ' Alam ni Tita?' Nginitian nya lang ako at binulungan nya ako sa tenga.
"Mother's instinct" Maikli pero malalim ang kahulugan. Yan ang sinabi nya na sinang-ayunan ko.
Ang bangis ng Mommy nya. Siya lang ata ang nakilala kong nakakayang takutin si Alexander. Actually binubully rin ito minsan.
Natapos ang araw na ito na para saakin ay napaka special na araw dahil may nakilala na naman ako sa side ni Alexander. Yung side nya na mapagpahalaga sa Pamilya.
---------------------------------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomansaHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...
