Chapter 34

29.7K 609 10
                                    

--------------------







PAGKAGISING ko parang umiikot ang paligid ko. Nahihilo ako. 10am na ng umaga at late na rin ako trabaho ko. Wala rin si Alexander sa tabi ko dahil nasa Bataan sya ngayon para sa business meeting dun.











Sa sobrang pagkahilo ko, parang gusto kong magsuka kaya dumeretso ako sa banyo. Pero tanging tubig lang ang naisuka ko. Gosh ano ba tong nangyayari saakin?













Naghilamos muna ako at nagpalit ng damit bago bumaba para kumain.














Pagdating ko sa baba, walang tao. Kaya kailan kong magluto. Ano kaya ang masarap kainin? Parang gusto ko ng 555 sardines yung spicy. Pero walang 555 sardines sa cabinet.













Kinuha ko ang jacket ko sa taas at susi para bumili sa grocery store ng 555 sardines.











Pagdating ko sa grocery store, kumuha agad ako ng cart at tumuloy sa mga delata. Nasaan ka, nasaan ka, nasaan ka 555 sardines? At ayun nakita ko na. Ay ang mura naman pala nito. 16 pesos kada isa. Kaya kumuha ako ng 6 na green at 6 na red.













Ano pa kaya ang bibilhin ko? Nagningning ang mata ko nung nakita ko ang petchay baguio, kaya kumuha ako. Kumuha rin ako ng pancake mix at oatmeal. Kumuha rin ako ng chocolate syrup at strawberry syrup para sa petchay baguio pancake ko.














Pumunta ako sa mga chocolate section at kumuha ako ng Kisses at Hershey. 











*Phone Ringing*









Pagtingin ko sa caller, si Alexander ang tumatawag. Bakit kaya sya tumatawag?






'Where are you Cherry?' Tanong ni saakin Alexander.












'Nasa xxx Grocery Store ako. Bakit?' Sagot ko kay Alexander.









'Wag kang aalis dyan. Susunduin na kita diyan.' saka nya binaba ang tawag.






*Toot.toot.toot.*




Pumunta na akong counter para mabayad ko na ang mga pinamili ko.










"Ma'am, 667 pesos po lahat." Binigay ko sa kanya ang credit card ko. Sakto namang dumating si Alexander at siya na ang nagbitbit ng binili ko.










"Alexander? Saan tayo makakahanap ng ice cream? Pero strawberry, orange at cheese ang flavor nya." Napatigil naman si Alexander sa paglalakad dahil sa tanong ko.









"What?" Tanong nya saakin.








"Sabi ko saan tayo makakahanap ng ice cream na Strawberry, Orange at Cheese flavor sya." Sagot ko sa tanong nya. Napataas ang kilay nya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?










"Is that even exist?" He looked so angry. May mali ba sa gusto kong kainin? Kaya naman napaluha na ako sa sinabi nya.











Dahil sa sinabi nya, iniwan ko sya sa store at tumakbo para pumara ng taxi. Naoffend ako sa tanong nya na 'Is that even exist?' Meron naman kasing ganun na ice cream kaso hindi ko alam kung saang lupalop ko hahanapin.

















Pero biglang may humawak ng braso ko at niyakap ng mahigpit. Bakit ang bilis kong bumigay pagdating kay Alexander?












"Hey, I'm sorry My Cherry." Mas lalo tuloy akong napaiyak. Kasi naman eh! Bakit ang bilis nya! Nahabol tuloy ako. Pero infairness, ang bango nya.















"Ganito nalang, ako na ang gagawa ng ice cream na gusto mo. Pero makakain mo palang sya by tomorrow. Is that okay?" Nagning-ning ang mga mata ko. Parang natakam na ako sa ice cream na gusto ko. Kaya tumango ako bilang sagot at ngumiti.







-----------------------------




"BAKIT ang bilis mo naman atang nakauwi? Akala ko ba gabi pa ang uwi mo??" Tanong ko sa kanya. Nagtataka kasi ako bakit umuwi na sya agad wh kakaalis nya lang kanina.









"We got the deal earlier than we expected kaya umuwi nalang ako." Sabay kagat sa petchay baguio pancake na niluto ko. Ewan ko kung anong sumapi kay Alexander ngayon kasi lahat ng gusto kong kinakain ay gusto nya ding kainin.









Biglang tumahimik ang paligid namin kaya parang nairita ako. Hindi ko alam kung bakit kaya tumayo ako at pumuntang kwarto. Iniwan ko lang dun si Alexander na kumakain. Bakit ang tahimik ng bahay namin???












Maya-maya lang ay pumasok si Alexander at tumabi saakin. Naiiyak na namam ako. Ano bang nangyayari saakin?


















"What's wrong?" Tanong ni Alexander at masuyo akong niyakap. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kinuha ko ang kamay niya at kinagat.















"What the --- asdfhsjwgjr! That's hurt Cherry!" Biglang sigaw nito saakin kaya mas lalong naiyak ako huhuhu. Nanggigil lang kasi ako kay Alexander kaya kinagat ko sya eh.









"Ayoko na dito Alexander!! Masyadong tahimik. Dun nalang ako kina Mommy mo titira. Gusto ko ring makita si Drite." I saw how Alexander jaw's drop. He just cleared his throat at tumayo saka lumapit saakin.
















"If that's what you wish, then we will move to Mom's house." Tumango ako sa kanya at nag-iwan ng mabilis na halik sa labi nya at niyakap sya.







"Alexander?" Pagtawag ko sa kanya. Nakayakap parin ako sa kanya.












"Hmm?" Saka niya sinubsob ang ulo nya sa leeg ko. Nakikiliti ako, My Gosh! Nararamdaman ko ang paghinga nya.













"Alexander, paghanap mo ako ng marshmallows na may fruit fillings." Napatulala lang saakin si Alexander sa sinabi ko. Nagpuppy eyes ako para ibili ako nung marshmallow na yun.











Napabuntong hininga nalang sya at tumango. Yes!!

---------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon