HINDI ako mapakali dahil pupunta ako sa office nya. Nakausap ko narin ang mommy nya at pumayag sya. Actually, sobrang saya nya nang tinawagan ko sya.Sinuot ko ang pinakapaborito kong damit. Isang napakagandang red dress na ako pa mismo ang gumawa. Kailangan ko ring magmukang matapang sa harap nya.
Nang makarating ako sa harap nang kumpanya nya, mas dumoble ang kaba ko. Gosh, baka himatayin ako sa kaba nito.
Nasa 14th floor ang office nito kaya dumeretso ako sa elevator. Sakto naman na bumukas ito kaya sumakay agad ako.
Oh my gulay, habang palapit nang palapit ang floor nya ay mas lalong bumibilis ang tibok nang puso ko.
*Ting!*
Nang nakarating ako sa floor nya, inayos ko muna ang sarili ko. Katapos at pumunta sa secretary nya.
"Miss, nandyan ba si Mr. Alexander?" Tanong ko sa secretary nya.
"Yes po maam, may appointment po ba kayo?"
"Pinapunta kasi ako nang Mommy nya kaya narito ako. May sasabihin lang ako." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige po ma'am, pasok na po kayo." Pinagbukas nya ako nang pinto. Pero pagpasok namangha ako sa nakita ko. Ang ganda nang office nya. Talagang masasabi mo na lalaki ang may-ari. Pure black ito.
"What do you want?" Parang alam nyang pupunta ako sakanya. Parang nakita nya na nagtaka ako pero binawi ko agad ito.
"You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ko dahil sa wakas natanong narin ang kagustuhan ko.
"And Why?" Makahulugang tanong ni Alexander.
"Because you're Handsome and Hot" kailangan nyang magsinungaling para mapapayag sya nito. Although too naman na gwapo sya.
Gusto nyang maging business partner sila sa negosyo at sya rin ang gagawin nyang model.
"I already heard that for a million times" tila lumitaw ang ngiting nakakapagpatili sa bawat babae dahil sa paglitaw ng kanyang kagwapuhan.
"Hindi ka naman masyadong mahangin Mr. Alexander?" Hindi narin nito mapigilang mainis sa inasal nito.
Tumayo si Alexander sa pagkakaupo nito at lumapit sa kanya. Hinila nya ito palapit at hinalikan na syang nakapagpagulat sa kanya.
"That's what you get for insulting me" at bumalik ito sa pagkakaupo nito sa kanyang upuan ng mesa nito.
Nagmartsa ang dalaga paalis ng opisina ni Alexander dahil sa sobrang inis.
Pero papasok palang sya nang elevator nang tinawag sya nang secretary ni Alexander.
"Ma'am may tawag po para sa inyo." Nang kinuha nya ang telepono.
"See you again Ms. Cherry Janelle Dela Monte." Parang kumulo ang dugo nya sa sinabi nito.
Kaya imbes na sumagot, pinatay nya ito at ibinalik ang telepono sa secretary nya.
----------------------
Hindi maitago ni Alexander ang ngisi sa mukha nya. Napailing ito dahil sa ginawa nyang paghalik kay Cherry.
Mamaya lang ay tumawag ang Mommy nya. Napawi ang ngiti nya at napalitan nang inis.
"Mommy! Bakit mo inutos ang bagay ns yun sa empleyado natin?" Bungad na tanong ko sa kanya.
"Alam mo na pala?? Eh kailangan nya ng pera kaya pinayagan ko na." Pagpapaliwanag naman ni mommy. Dahil lang don pinayagan nya?.
"Mommy naman, are you out of your mind? Binigyan mo nang kasalanan ang tao. Sana tinulungan nyo nalang. Yung desenteng paraan."
"Oo na. Btw. Nagkita naba kayo ni Cherry?? Pumayag na kasi sya eh." Wait, What?? Pumayag? Sa alin??
"Saan mommy? Saan sya pumayag??" Tanong ko sa kanya.
"Na maging model nya. Nagback out daw kasi yung model nya. Tapos nerecommend kita so ayun, pumayag sya."
WHAT THE HELL IS HAPPENING?? AKO MAGIGING MODEL NYA? NO WAY!.
------
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomanceHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...