Chapter 32

33.6K 518 14
                                    


Medyo napahaba ang ang update ko ngayon kaya enjoy~

------------------------------



TINUPAD nga ni Alexander ang sinabi nya na magdadate kami sa ibang bansa. Dinala nya ako sa bansang gusto kong puntahan, sa South Korea nga dapat kami pero ayaw nya dun kaya sa Japan nalang ang gusto ko. Pero umayaw din sya sa Japan kaya nag Germany nalang kami. Ang gulo ko diba?












Ayaw nyang sa malapit na bansa kami dahil baka bigla nalang kaming puntahan ng parents ni Alexander.













Sabi pa nga nya, "Wag tayo sa malalapit na bansa dahil baka biglang sumunod sina mommy at ipaalaga ang kambal." Ang babaw ng reason nya diba?












Bukas rin ang flight namin at balak niyang 4 days ang itatagal ng date namin. Balak kasi naming libutin ang bawat sulok ng Germany kaya ganyan katagal.















"Alexander, ano pa kaya ang dapat dalhin natin?" Tanong ko sa kanya. Bukas rin ang alis namin, bukas ng gabi. Nandito pa din ang kambal dahil bukas ng hapon sila uuwin. Dito sila sa bahay matutulog.















At dahil maraming guestrooms ang bahay namin, tig-isa sila ni Drina at Drite ng room.



















" Just yourself My Cherry." Sagot nito. Ang tipid, grabe. Minsan nga iniisip ko kung kailangan ko pang tanungin si Alexander sa mga ganitong sitwasyon kasi nakakabwisit yung mga sagot nya.















"Ate Cherry, Can you sleep at my room tonight?" Biglang tanong ni Drina saakin. Nakita kong kumunot ang noo ni Alexander sa tanong ni Drina. Mayroon bang masama sa tanong nya?
















"That's a NO Drina. She will be sleeping at my room tonight." Biglang sagot ni Alexander. Ano bang problema ng lalaking to? Bigla kasing yumakap saakin si Drina at nagtago sa likod ko. Tinignan ko nang masama si Alexander.












"What?" Takang tanong niya pa.











"Ginaganyan mo yung kapatid mo!" Kaya lumuhod ako at lumuhod para maging kaheight ko siya. "Tabi tayong matutulog mamaya, okay? Hayaan nating matulog mag-isa si Alexander para magtanda sya." Sabi ko kay Drina. Ngumiti saakin si Drina at tumango saka lumabas sa kwarto namin.












"That's not fair! Ako dapat ang katabi mong matutulog hindi yung makulit na yun." Reklmo naman nya. Para syang bata. Actually dinaig nya pa ang bata.














"Pagbigyan muna. Aalis rin tayo bukas, panigurado tabi tayong matutulog nun kaya hayaan mo na sya." Sabi ko sa kanya. Nakita kong umangat ng gilid ng labi nya at ngumiti.












"I will let her sleep beside you, pero ngayon lang yan. " Sabi nito. Ang bilis magbago ng isip. Tumango lang ako at bumalik sa pag-aayos ng damit.













Pero mga ilang sandali lang, nakaramdam ako ng gutom. Gusto ko ng Fries ng KFC, sundae ng mcdo, spaghetti ng jollibee at at chicken sa Mang-inasal.













BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon