Special Chapter

34.7K 629 17
                                    

Belated Happy Valentine's Day? Alam kong may naghihintay na magkaroon ng special chapter ang storyang ito kaya ginawan ko siya. Sana magustuhan niyo~
Lovelots💜

---------------------------

"MOMMY? I heard that Kuya gave a flower to a girl in his school today since its Valentine's day today." Sabi ni Phoebella at yumakap sa bewang ko.




"Oh really? Your kuya is a grown up boy now. You should stop teasing him now especially, may babae pala siyang tinitipuhan." Nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi niya. Ang cute ng baby ko



"But Mommy, Kuya said na okay lang sa kanya yung ginagawa ko because he loves me." Nakasimangot na sabi nito.




My twins are already 8 years old. They are in 3rd grade. My Princess always love to tease his brother. May pagkapilya din minsan lalo na kamapag kasama niya ang kambal niyang tita at tito. While my Prince is a bit shy type. He preferred to be in quite place rather that in crowded place. Medyo may pagkalaking pagkakaiba isa sa mga hobby nila. Kinahiligan ngayon ni Phoebella ang Gymnastics habang si Phoenix ay Archery.




Even though na magkaiba ang mga hilig nila, alam kong nagkakaroon parin sila ng bonding time sa isa't isa pero hindi lang nila pinapakita. My son is not that showy in his feelings. Yung princesa namin ay mahilig yumakap, humalik, humawak sa kamay namin and we really adore them both.




"Anak, hindi parin maganda ang ganon. Mahaba lang ang pasensya niya sayo pero paano kung magalit siya sayo? You don't want your brother to be mad at you, right?" Hindi kasi minsan maganda ang lumalabas sa bibig ng batang ito.






"Okay, Mommy. I'll stop teasing kuya." Nakangusong sagot nito saakin. Napangiti ako sa kanya.





"May ice cream sa ref, binili ni daddy mo kanina. Share kayo ni Kuya mo dun." Sabi ko sa kanya at parang nagningning ang mga mata niya. She really loves ice cream.





"Thank you, Mommy!" Masayang sabi nito at tumayo na para pumuntang kusina. Sakto namang kababa lang ni Phoenix.





"Mom, have you seen daddy?" Tanong nito.




"Nasa office niya."





"Thank you, Mom." Tumango lang ako sa kanya at dumeretso na siya office ni Alexander.




Mga ilang minuto lang ay lumabas na mula sa office niya si Phoenix at kasama niya na ang Daddy niya. Lumapit saakin ang dalawang pinakamamahal kong lalaki. Sakto namang dumating si Phoebella habang dala ang ice cream.




"Aalis muna kami ni Phoenix, Wife. May training siya for today. We'll be back before dinner." Sabi ni Alexander at humalik ng mabilis sa lips ko.




"See you later mom." Sabi ni Phoenix at humalik naman sa pisngi ko.



"How about your ice cream kuya?" Biglang tanong ni Phoebella sa kuya niya.
Lumapit naman ang kuya niya sa kanya.




"Tirhan mo nalang ako. I'll eat it after dinner." Nakangiting sabi niya at humalik sa noo ng kapatid niya. Napangiti ako sa dalawang anak ko. Kahit may pagkamahiyain ang panganay ko, pagdating talaga sa kakambal niya, sweet itong lalaki.




"Roger, Kuya." Sabi ng prinsesa ko at tumabi saakin.





"And oh! Don't forget my pasalubong daddy!" Sabi ni Phoebella sa Daddy niya. Napailing nalang ako sa prinsesa namin.




"Of course, honey." Sabi naman ni Alexander. She's spoiling her. Sinita ko na siya noong una pero bandang huli, wala na akong nagawa. Even my in-laws are spoiling my twins.




Umalis na silang dalawa habang si Phoebella ay patuloy lang sa pagkain niya.





"I'll just go upstairs, princess. Puntahan mo nalang ako kung need mo si Mommy, okay?" I said and kissed her head. Tumango naman ito kaya tumayo na ako at pumanhik na papunta sa kwarto namin.




Habang nakahiga ako sa kama while doing some stuff at my phone, unti-unting nakakaramdam ako ng antok. Kaya hindi ko namalayan ay nakatulog na ako.


------------------------------



7pm na ng gabi ng nagising ako dahil may humalik sa pisngi ko. It was my princess trying to wake me up. Umupo ako sa kama at kinusot ang mga mata ko.




"Where is your daddy?" Inaantok na tanong ko sa kanya. Tinuro naman niya ang pinto kaya tumingin ako sa gawi ng pinto pero wala naman si Alexander dun.






"Daddy! Mommy is awake!" Biglang sigaw niya na ikinagulat ko.




Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Alexander na may dalang cake. Nanlaki ang mata ko dahil dun.




"Happy Valentine's Day Wife." Nakangiting sabi ni Alexander at nilapag ang cake sa bed namin. Lumitaw naman si Phoenix mula sa likod niya.




"Happy Valentine's Day Mommy." Sabi naman niya at may binigay na bouquet of roses. Natouch naman ako sa ginawa ng mga boys ko.




"Happy Valentine's Day to you too, Bella." At binigyan din niya ng flower ang prinsesa namin.




Awwww, ang sweet ng anak ko.




"For me? Thank you kuya!" Sabi ni Phoebella at yumakap sa kuya niya. Napangiti ako sa nakikita ko.



Lumapit naman saakin si Alexander at umupo sa tabi ko. "Are you happy?" Mahinang tanong nito saakin.




"Sobra. Thank you." At niyakap ko siya. He hugged me back and planted kisses on my shoulder.





Bumitaw na ako sa kanya at dinampihan ko siya ng mabilis na halik sa labi. "I'm glad that you are happy. Dahil kapag masaya ka, I'm happy too. I'll continue to make you happy and make our children happy."




"I love you Mommy and Daddy." Sabay na sabi ng kambal ko at yumakap sila saamin.





"I love you too." Sagot ko sa kanila at hinalikan sila sa pisngi. Bumitaw na sila sa pagkakayakap at humarap saamin.




"Lalabas na kami Mommy, Daddy. Bigyan niyo na kami ng bagong kapatid." Nakangising sabi ni Phoebella at kumaway saamin at hinila niya na ang kuya niya.



Tumingin ako kay Alexander.




"Paano ba yan, gusto na nila ng kapatid." Sabi nito at ngumiti saakin. Natawa nalang ako sa sibi niya. Ang baduy kasi ng pagkakasabi niya.




"I love you, Wife." Sabi nito at pinagsiklop ang kamay namin.



"I love you too." Nakangiting sabi ko and landed a kiss on his nose. My family made my Valentine's Day memorable and more meaningful.



I am really happy to have this person on my side.

---------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon