-------------------------
ETO na yung araw na hinihintay ko. Oo, Fashion Show na mamaya. Kaya nagreready na kami at nagmemake-up na yung mga models ko.
At dahil model ko si Alexander kasama sya sa Fashion Show. Rarampa sya pero bago ko sya napapayag, may kondisyon na naman sya.
Lagi naman syang ganon. Kapag may kailangan ka sa kanya, meron dapat syang makukuha. Gusto nyong malaman ang kailangan nya? Ipapakita ko sa inyo.
*Flashback*
"Alexander? Kasama ka sa line-up ng mga rarampa sa fashion show bukas." Dirediretsong sabi ko. Napataas bigla ang kilay nito saakin.
"Me? Hell No way!" Pagtanggi nito saakin. Kaya pinaglakihan ko sya ng mata.
"Hell No ka dyan! Atsaka kailangan mong gawin yun dahil nasa kontrata natin yun." Paliwanag ko sa kanya.
"Kontrata? Sa pagkakatanda ko ay wala sa kontrata natin ang rarampa sa Show na yun. And I am a busy person. I don't have the time to do that kind of stuff." Busy rin naman akong tao ah? Ang hirap naman mapapayag ang lalaking eto.
"Maka sabi ka naman ng stuff parang hindi ka nakikinabang ha! FYI kumikita ka kaya sa trabahong ito. Atsaka may nakukuha ka." Busit na lalaking to.
"Anong nakukuha ko?" Tanong nya saakin bigla. Ano nga ba nakukuha nya?
"Exposure, popularity, new fashion sense, hmmmm.....Ah! Pati pera kasi binabayaran kita dahil sa pagiging modelo ko." Mahabang paliwanag ko. Totoo naman ang sinabi ko. Lahat ng yan ay nakukuha nya.
"Exposure? You know that I am already Expose to this country. Popularity? Mas kilala pa nga ako sa mga ibang artista. Fashion Sense? Nandyan ang secretary ko para gumawa nyan. Pera? Are you kidding me? Kaya kong bilhin ang ang shop mo My Cherry kung tutuusin lang." Mahabang sagot nito. Napanganga nalang ako sa sinabi nya.
"Ang yabang mo naman! Porke meron kang lahat ng yan ay hindi ka na pwedeng sumali. Sasali ka parin." Ang choosy kasi eh. Ayaw pang pumayag.
"No! Never! Pinagbigyan na kita noong ginawa mo akong model kaya tama na yun." Ang tigas ng ulo nya!!! Parang naiiyak tuloy ako. Ayan na! Napapaluha na ako.
Napatigil naman sya at lumapit saakin. Hinawakan nya ang mukha ko pero iniiwas ko. Kaya dalawang kamay nya ang humahawak sa mukha ko.
"Hey, I'm sorry! Please don't cry." Mahinahong sabi nito. Akalain mo yun! May puso naman pala sya. Atsaka marunong pala syang magsorry at mag please.
*kring.kring.kring*
Biglang tumunog ang phone nya kaya pinuntahan nya ang table nya at sinagot ang call na yun.
'What?' Bungad nyang tanong. Tsk. Ang bastos talaga nito. Hindi manlang marunong mag Hello.
'Okay, I will.' Sagot nito sa kabilang linya at binaba nya na ang tawag. Ang bilis naman nilang mag-usap.
BINABASA MO ANG
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-
RomansaHighest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng...