Chapter 1

4.2K 142 32
                                    

Jaycee's POV

Heto ako nag iimpake na ng mga gamit ko. Dahil bukas na bukas sa J&A village na ako titira.

Require lahat ng estudyante ng J&A University ang tumira sa J&A Village. Isang kalokohan lang noh? Aksaya lang ng pera. But no! Wala silang pake kung malustay ang pera nila sa ganung mga kalokohan. They're rich.

Hindi naman sa mahirap ako, yung tama lang pero minsan talaga hindi maiiwasan ang magipit, but still sa J&A University pa rin ako mag-aaral. Mabait ang panginoon at may nakilala akong nagmagandang loob na pag-aralin ako hanggang makapagtapos ako ng kolehiyo. Sagot niya lahat ng mga expenses ko. Binibigyan din niya ako ng allowance. Para niya akong tunay na anak kung ituri. Mabait si Mr. Lei. Sobrang bait ni Mr. Lei sa akin ngunit kahit kailan hindi ako naging abuso. Marunong din naman akong tumanggi. Masyado ng malaki ang binibigay niyang tulong sa akin kaya nakakahiya naman kung tatanggap pa ako ng mga bagay mula sa kanya.

"Jay! Apo ayos na ba ang mga gamit mo?" sigaw ni lola sa baba.

"Opo lola!" sagot ko.

Si lola na ang nag alaga at nag-aruga sa akin nang mamatay ang mga magulang ko. Sabi niya namatay sila dahil bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano. Two years old ako nung mawala sila. Mayaman daw ang mga magulang ko. Hindi ko nga alam kung anong mga itsura nila. Ang nakakapagtaka lang ay wala ni-isang litrato sila dito sa bahay.

Bumaba na ako ng kwarto ko at nagtungo na sa salas bitbit na ang dalawa kong maleta. May naghihintay na sa labas na puting van.

"Ma-mimiss kita apo. Wala ng makakasama si lola sa bahay." at nagpout pa siya.

"Yaah lola! Ang cute niyo po! Wag kayong mag-alala lola. Dadalaw naman po ako dito kung kailan ako pwede eh." at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Bata pa ang lola ko. 46 years old pa lang siya. Bata pa lang siya nung nagkaroon siya ng anak. Si mama. Ngunit hindi siya pinanindigan ng nakabuntis sa kanya. And same thing happened kay mama. Bata pa lang din siya ng ianak niya ako. But the difference is pinanindigan siya ni papa.

"Sige na Jay. Iniintay ka na ng service mo. Take care always." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo bago ako pakawalan.

Sumakay na ako sa loob ng van. Dalawa lang kami sa loob maliban sa driver. Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakasuot siya ng mask at cap. Hindi ko na lang siya pinansin at sinuot ang aking headset para malibang naman ako habang nasa byahe.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang bawat lyrics na pinakikinggan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang may tumapik sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ang lalaking katabi ko na naka-mask na lang. Omo! Ang gwapo! Eeek!

"Mabuti at gising ka na. Nandito na tayo sa J&A Village." Sabi niya. And there I realized na sumandal pala ako sa balikat niya buong byahe.

"Ahhhmm... Sorry pala hehehe. Nakatulog pala ako sa balikat mo." sabi ko ng medyo nahihiya.

"Okay lang. So what's your house number?"

Kinuha ko yung susi na may nakasabit na card na may nakasulat na number sa bulsa ko at ipinakita sa kanya. "House no. 124."

"Cool. So you must be Ms. Jaycee De Vera? We have the same house number. Nice to meet you housemate." at ipinakita niya sa akin ang kanyang susi. Automatic na bumagsak ang aking panga? Seriously!? Lalaki ang makakasama ko? Hindi naman sa ayaw ko pero lalaki siya and babae ako!

"P-Pero.... lalaki ka." alanganin kong sinabi.

"I know. But don't worry Ms. De Vera. I won't do anything bad to you." sabi niya at binuksan ang pinto ng van. Bumaba siya at hinakot ang mga bagahe. Bumaba din ako para tulungan siya.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon