Chapter 23

1.1K 54 1
                                    

VOTE AND COMMENT

**************

Chapter 23

Kelvin's POV

I'm on my way home in J&A Village. Buti na lang at nakatakas ako sa amin. Siguradong galit na galit ngayon si Dad sa akin. But what can I do? Attendance is a must. And most especially, I missed Jaycee.

Itinigil ko ang lamborghini ko sa harap ng house no. 124. Pinatay ko ang makina at bumaba na. Lumapit ako sa pintuan. Kinapa ko ang bulsa ko ngunit wala ang susi.

"Shit! I left it at home." inis kong sabi. I hope Jaycee is still here. Pinindot ko ang doorbell ng tatlong beses. Tagal ko ng hindi nagamit neto eh kaya sulitin na hahahaha.

Bumukas ang pinto at....

"Jaycee I'm h- Who in the hell are you?" Yung masigla at masayahin kong tono ay naglaho at napalitan ng galit. Tiningnan ko ang number sa tabi ng pinto at tama naman ang bahay na tinigilan ko.

Ngumiti siya ng very light.

"Good morning to you too. What can I do for you?" pormal na sabi niya.

"Anong ginagawa mo sa loob ng ba-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita.

"Red! Luto na yung breakfast. Sino ba yan?" Sumilip sa may pinto si Jaycee at nakita niya ako. "Kelvin!" masaya niyang sigaw at lumapit agad sa akin at niyakap ako. I hugged her back. I missed her so much.

"Sana naman tinext mo ako para napagluto kita ng breakfast. Kumain ka na ba?"

"I already ate before I left." I said.

*Fake cough* - lalaki

Tiningnan namin siya ni Jaycee at ngumiti ulit siya.

"Uso akong ipakilala, Jaycee?" singit nung lalaki. Tumawa lang si Jaycee.

"Ah Kelvin, si Red nga pala. Red, si Kelvin." Pagpapakilala sa amin ni Jaycee sa isa't isa.

Naglahad naman ng kamay si Red at inabot ko naman. Baka mapahiya pa ang gago noh? Hahaha.

"Nice to finally meet you, Kelvin. So you're the one Jaycee's ta-" dali daling tinakpan ni Jaycee ang bibig ni Red kung kaya't hindi natapos ni Red ang sasabihin niya.

Tss... Gaano na ba sila katagal magkakilala? Parang ang close naman nila. Tss...

"Bago nga pala nating makakasama si Red sa bahay." singit ni Jaycee.

"What!?" May asungot pang makikitira sa bahay namin ni Jaycee tss.... Pwede namang sa iba na lang siya tumira. Bakit dito pa?

"May problema ka ba dun bro?" tanong sa akin ni Red. Hindi ko alam pero naaasar na agad ako sa tuwing makikita ko ang pangit niyang pagmumukha.

"Tss... Don't call me bro. Hindi tayo close." ngumiti lang ulit siya. Naasar talaga ako sa kanya. Lalo na pag ngumingiti siya. Mukhang nang aasar eh.

"Sabi mo eh." Hindi ko na pinansin ang sinabi pa ni pula.

Ibinaling ko kay Jaycee ang aking paningin. Parang may iba. Meron nga ba? Dalawang araw lang akong nawala pero parang may mali. Tinitigan ko pa si Jaycee ng mabuti at- Heck!

"Jaycee you're not in your disguise!!" paalala ko sa kanya pero tipid na ngumiti lang siya sa akin.

"About that-" Jaycee.

"I'm hungry! Let's eat!" Sigaw ni Red at hinigit na papasok si Jaycee. "Pasara na lang ng pinto, dude!"

One thing is for sure. I will never like that Red.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon