VOTE AND COMMENT!
********
Chapter 24Jaycee's POV
Maaga akong nagising ngayon. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi but still maaga pa rin akong nagising.
Nagready na ako for school. Red is still sleeping. Mamaya pa ata ang klase niya.
Pagkakain ko ng breakfast ay umalis na agad ako.
Pumara lang ako ng taxi papunta sa J&A University. Wala pang kalahating oras ay nakadating na ako.
Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko na agad ang loob ng University. Wala pa talagang kataotao. It's just 6:06 in the morning. Ang early bird ko naman.
Habang naglalakad papasok ng gate ay may nakita akong tatlong lalaking nakaitim na nakasandal sa may gilid.
Nang makita nila ako ay nagsimula silang maglakad papalapit sa akin.
Binilisan ko ang aking paglalakad papasok sa loob.
My eyes widened ng makita ko ang isa naming body guard na nakahandusay sa may gilid na tila wala ng buhay kaya mas lalo akong kinabahan.
Tumakbo ako papasok ng university to shout for help pero wala pa talagang tao sa loob. Pumunta ako sa loob ng faculty at may isang teacher akong nakita na natutulog.
Nagmadali akong lumapit sa kanya at ginising siya. Pero nagulat na lang ako ng may mga dugo na sa aking mga kamay.
Lumabas ako sa faculty at naghanap ng matataguan.
"Help me! Please!" Sigaw ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ang tatlong lalaking nakaitim na may suot na ng mask ngayon na hindi pa rin tumitigil sa paghabol sa akin.
Bakit wala pang katao tao dito?
Pumasok ako sa loob ng elevator at dali daling pinindot ang key sa roof top. Nangangatal na ang aking mga kamay at paa. I feel like anytime ay mahuhulog na ako. My heart is beating so fast.
I hope the twins are here. Please! Alam kong maaga silang pumapasok pero sana talaga nandito sila.
Tumunog ang elevator dahilan ng aking pagsigaw. Napapraning na ako.
Tumakbo agad ako sa basement at kumatok.
"James! Aeron! Help me!" Walang tigil akong sumigaw at kumatok sa pinto. "James! Nandyan ba kayo! Please! Help me!" My tears started to pour.
"Miss. Walang tutulong sayo dito."
"Huh!" Napasigaw ako ng biglang may magsalita. They found me. May hawak silang patalim sa kanilang mga kamay.
"Sumama ka na sa amin miss. Hindi ka namin sasaktan." Sabi nung isang lalaki. Lumapit sila sa akin.
"No! Stay away from me!" Umatras ako ng umatras hanggang sa wala na akong maatrasan. Tumingin ako sa likod ko at nakita ang kataasan ng building.
"What do you want from me!" Sigaw ko sa kanila. Please lord save me. Magbabait na po ako huhuhu.
"Simple lang. Sumama ka lang sa amin." Sabi nung malaking lalaki.
Tuluyan silang lumapit sa akin at hinawakan ako.
Nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala. Sinipa ko ang maselang bahagi ng isa kaya naman ay napabitaw siya sa akin.
"Aaaah! Matigas kang babae ka!" Sinuntok niya ako sa aking sikmura na nagpatahimik sa akin.
Marahas nila akong hinigit pababa ng building.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...