Jaycee's POV
Binuksan ko ang closet ko at kumuha ng damit. Nag sando lang ako na white, jacket na black at black jeans. Sinuot ko ang wig ko at inipit siya into two para mas mukha talagang nerd. Sinuot ko yung glasses ko at nagsuot din ako ng bonnet.
Lumabas ako ng bahay at nilakad ang exit ng village. Sabado ngayon kaya walang pasok. At mamayang gabi ay may date kami ni Kelvin hihihi... Not literally. But niyaya niya akong maging partner sa isang party kaya parang date na rin yun diba? Kenekeleg eke mge besss!!! Hihihi.
Pumara ako ng taxi. Uuwi ako ngayon sa amin. Miss na miss ko na si Lola. Ngayon lang ako makakauwi kasi ngayon lang talaga ako hindi naging busy.
This past few weeks kasi lagi na lang akong pinapahirapan ng kambal. Halos lahat ng school works nila sa akin pinapagawa. Haaays... At kung wala naman kaming school works ay gagawin nila akong chaperon. Kasiyahan na talaga nila ang pahirapan ako. Tiis tiis lang Jaycee, makakaganti ka rin sa kanila! Fighting!
Halos isang oras din ang byahe pauwi sa aming bahay. Binayaran ko na yung driver at bumaba na. Baka madagdagan pa yung metro wala na akong perang ibabayad pa hehehe.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan si lola sa kusina na nag ba-bake ng cookies.
"Lola!" Sigaw ko at tumakbo sa kanya at niyakap ng sobrang higpit. "Yaaaah! I missed you so much, Lola! Sorry kung ngayon lang ako."
"Mabuti naman apo at nakadalaw ka. Miss na miss ka na rin ni lola. Kamusta ang school?" umupo kami at nagkwentuhan lang kung kamusta ako sa school at kung ano ang mga pinaggagagawa ko.
"Maayos lang naman po. Maliban na lang dun sa kambal na lagi na lang akong pinapahirapan. Haaays..." Napabuntong hininga na lang ako.
"Sinong kambal? Bakit naman pinapahirapan nila ang apo ko?" halata sa boses niya ang pag-aalala.
Kinuwento ko kay lola ang lahat ng nangyare. As in lahat. Maliban na lang sa pagtira ko sa bahay na may kasamang lalaki. Baka atakihin pa siya sa puso . Delikado na hahaha.
"Jaycee, dapat hindi ka nag papa-api. Matuto kang lumaban. Ipagtanggol mo ang sarili mo." seryosong sabi ni lola.
"Lola, alam ko naman. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Pero no choice lang talaga ako lola. Ayokong makick-out sa school. Mas importante sa akin ang makapagtapos ako ng pag-aaral." naging malungkot ang mukha ni lola. Ayaw na ayaw kasi ni lola na may umaaway sa akin. Lalong lalo na at wala siyang magawa tungkol doon.
Lumapit ako kay lola at niyakap siya.
"Lola, malaki na po ako at alam ko na kung ano ang mas makakabuti para sa akin. At ang mahalaga ngayon ay ang makapag-aral ako at ang makapagtapos." ngumiti si lola sa sinabi ko.
"Haayyy ang apo ko, lumalaki na." Tumayo si lola at nilapitan yung bina-bake niyang cookies. Kinuha niya ito at inihain sa mesa.
"Kaya pala sinipag akong magbake ngayon ng cookies kasi uuwi ka pala ngayon." tumawa si lola ng mahina. Kumuha ako ng isang cookie at kinain yun.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...